Chapter 16

89 7 0
                                    

VAST

UMAGA.
Madaling-araw na ng nakabalik kami dito sa lungsod, sa apartment ako nagpahatid na himalang walang-angal niyang sinunod. Maayos naman ang naging pananatili niya sa bahay namin sa probinsiya— well, probinsiya parin naman siyang maituturing kahit pa may 'city' yung pangalan ng hometown ko dahil kabisera iyon ng lalawigan.
Kahit pa mami—miss ko si mama at si Eli ay napilitan akong bumalik ulit dito sa apartment. Isa pa, nangako naman si Eunice — na siya palang tinutukoy ni Molly na private nurse ang titingin kay mama, literal na 'private' dahil hindi alam ni mama na nurse ang kapitbahay niya.




Naghahanda na ako para bumalik sa trabaho, dahil unang-una ay kailangan ko ng pera. Pangalawa, importante ang araw na ito at kahit pa may benda parin ang sugat ko ay hindi nun mapipigilan ang pagpasok ko sa opisina. Unti-unti na rin namang naghihilom ang sugat ko sa braso kaya pwedeng-pwede na 'ko magtrabaho ulit.




MAISON LUMIÈRE.

ALAS SIYETE NG GABI.
Abala parin ang lahat ngayon dito sa kumpanya. For tonight, I was not just a seamstress, a nameless creator of the beauty displayed on mannequins and the models that graced the space because tonight, I was a part of it all.



Oo, hinayaan ako Genevieve na maging parte ng kasalukuyang fashion event.


At sa tuwing makikita ko ang nakangiting reaksyon nila, ang mahinang palakpak pati na mga papuri katulad ng stunning, exquisite at masterpiece, lahat iyon ay nagdudulot ng kakaibang kasiyahan sa puso ko. Sulit ang lahat ng pagod at oras na ibinuhos namin dito.


As the last model strutted down the runway, a wave of relief washed over me. The hours of tireless work, the time spent hunched over sewing machines, the anxieties of meeting deadlines and exceeding expectations, all dissolved into a quiet satisfaction. It was done. It was beautiful.


Katabi ko ngayon si Genevieve, nakangiti rin siya sa'kin at alam kong katulad ko ay masaya din siya sa nangyayari ngayon at masasabi naming nagtagumpay kami.

"Magnificent, Vast. The entire collection was breathtaking. You truly outdid yourself.''
Sinserong sabi ng amo ko.

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. Siguradong namumula ako ngayon.

"Thank you, Genevieve, It was a team effort.''
Sagot ko sa kanya kahit na halos walang lumabas na tinig sa lalamunan ko.


"Oh, nonsense, Your work on the gowns, the intricate embroidery, the delicate detailing – it was truly exceptional. I must say, I'm incredibly proud of you."
Ikinumpas pa talaga nito ang kamay sa harapan ko.



Sa totoo lang ay gusto kong maiyak sa tuwa, masaya ako na maayos ang kinalabasan ng event lalo na ang mga damit na itinampok namin, ngayon ko lang din naramdaman yung kakaibang saya dahil may naka-appreciate ng lahat ng effort na ginawa ko.
It felt good, so good, to be acknowledged for the magic with thread and fabric.


I’d like to celebrate with you,Vast. Dinner at my place? Let’s talk about your future at the company.”
Maya-maya ay sabi nito habang patuloy naman ang palakpakan ng mga tao sa paligid.


Hindi ko alam kung bakit awtomatikong tinanggihan ng isip ko ang ideya ng paglabas namin ni Genevieve, nagkusa na ang bibig ko na sumagot.

“Thank you, Genevieve. But I’m afraid I already have plans.”
Magalang na pagtanggi ko sa alok niya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit may isang taong pumasok sa isip ko habang sinasabi ko iyon.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon