THIRD PERSON'S POV
Nakasimangot ang dalagang si Molly habang binabagtas ang daan papunta sa garments company na sinasabi ng ama niya.
Personal kasi siya nitong pinapunta para bisitahin ang mga damit na pinagawa nila dito. Gagamitin kasi nila sa Hadassah University bilang uniporme ang mga damit na ipinagawa. Isa pa, maganda ang kalidad ng tela na ginagamit ng kumpanyang ito para sa mga produkto nila kaya nasisigurong magandang kalidad ang produkto."I can't believe this! I shouldn't be doing this!"
Reklamo ng dalaga. Sa isipan niya ay dapat na isa na lamang sa mga tauhan nila ang, marahil ay parusa ito ng kanyang ama sa sinasabi nitong 'kapabayaan' niya dahilan upang mapahamak ang asawa niya.Minaniobra niya ang sasakyan para maiparada ng maayos matapos makarating ng matiwasay sa lugar.
Nakangiting sinalubong siya ng mismong may-ari nito na si Roland Garcia, ayon sa pagkakatanda niya ay ang ginoong ito mismo ang namamahala sa lugar na iyon.
"Ms. Molly Del Luna! ikinagagalak ko po na kayo mismo ang pumunta dito sa patahian ko." Sabi ng ginoo at inilahad ang kamay na pasimpleng tinanggap ng dalaga.
"How's the production going? Can you finish everything on time?"
Diretsong tanong ng dalaga."Ay siyempre po ma'am, priority po namin ang pinagawa niyo sa'min at halos kalahating porsiyento na ng kabuuang bilang ang tapos na." Proud na turan ng ginoo sa kilalang arkitekto na maka-ilang beses na tumango lang.
"Good."
Sagot nito at inilibot ang mata sa paligid.
Hangga't maaari sana ay ms gusto niya na lang manatili sa sariling opisina at doon na lang gawin ang trabaho niya.Gagamitin kasi sa event ng unibersidad ang mga damit na ipinagawa nila, bukod ito sa pabor na hiniling nila na kung maaari ay tapusin sa mabilis na panahon ang produksyon.
Sabi ng ama niya ay may importanteng inaasikaso ang kasalukuyang bise-presidente ng kanilang unibersidad kaya hindi nito magawa ang ilang trabaho.Sa isip ng dalaga ay alam niya kung ano ang 'inaasikaso' ng bise kaya wala sa sariling napabuntong-hininga na lang siya.
"Gusto niyo po bang bumisita sa loob? Ipapasyal ko po kayo?"
Alok ng ginoo sa kanya na sinang-ayunan na lang ng dalaga kahit pa ang totoo ay kanina pa niya gustong umalis doon. Mapapakinabangan niya din kasi ang pag-iikot sa lugar para naman may mai-report siya sa ama niya.Magiliw siya nitong pinatuloy sa mismong lugar kung saan binubuo ang mga uniporme nila—magmula sa pagtatabas ng tela hanggang sa pagbuo nito ay personal niyang nasaksihan, maging ang paglalagay ng mga disenyo ng mano-mano ay nakita niya rin.
"Pagkatapos po mabuo yung damit ay yung proseso na po ng packaging para mai-ready na for delivery—"
Kwento pa ng ginoo sa kanya na animo tour guide sa field-trip."Sir Roland, may naghahanap po sa inyo."
Napalingon silang dalawa sa bagong dating.
Nasisiguro niyang isa iyon sa mga tauhan base sa kasuotan nito.Tumango lang ang lalaki at tumingin sa dalaga animo naghihingi ng paumanhin dahil may aasikasuhin lang siya saglit.
"I'll be fine, if it's okay with you.....I'll go around further on this place."
Sabi ni Molly na tinugon lang ng malawak na ngiti ng kausap niya."Ay opo ma'am, wala pong problema sa'kin...kung gusto niyo po ay intayin n'yo ako sa opisina ko at kukuha na din ako ng mga damit na nagawa na para ipakita sa inyo ng personal."
Sabi nito bago tuluyang nagpaalam at umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/363492982-288-k489783.jpg)
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...