Chapter 30 (M)

112 4 0
                                    

MOLLY

(From Chapter 17)
You're sick, and you didn't even bother to inform me? In case you've forgotten, I'm still your wife."
Hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa nalaman ko, kung hindi pa dumating si Doc Serena kanina ay hindi ko malalaman na may sakit siya.

"Do I really have to? Isa pa, nakainom na ako ng gamot at nakapasok na nga ako eh."
Pabalang na sagot pa ng babae na hindi ko nagugustuhan.

"Are you being serious right now?!"
Napipikon na talagang sabi ko.
What is wrong with her?!

"Ayos na ako, kung iyon ang gusto mong malaman.....Mabuti nga at dumating si Genevieve para tulungan ako."
Akala siguro nito ay hindi ko narinig ang sinabi niya — Genevieve, yung boss niya na kailan lang ay inamin niya sa'kin na crush niya.

'Ang pangit ng taste niya kung ganun.'
Genevieve, Tss.

"Genevieve? You called your boss instead of your wife? Are you fucking kidding me?!"
Hindi ko napigilan ng biglang uminit ang ulo ko sa nalaman—like really, Vast Calliope?!

Mukhang masama din ang timpla ng babae dahil napansin ko na ang pagsasalubong ng kilay ng babae at namumula na din ang mukha nito na kitang-kita dahil may kaputian ang balat niya.

'Wait —as far as I can remember, Amanda told me that Genevieve was —'
OH MY GOSH!


"BAKIT HA— MAY NANGYARI NA BA SA INYO?!.....DID YOU DO IT ALREADY?!"
Nauna na ang bibig ko bago ko pag-isipan ang sinabi ko.


Pero mukhang mali ang nasabi ko dahil hindi ko inasahan ang sumunod na lumabas sa bibig nito.

"DAHIL S'YA YUNG NANDOON MOLLY! SIYA YUNG NANDOON DAHIL HINDI KA SUMIPOT SA USAPAN....ALAM MO BA KUNG GAANO AKO KATAGAL NAGHINTAY?! AY TEKA— PAANO MO MALALAMAN EH ABALA KA SA PAGPAPA-INIT NG KAMA NG KUNG SINO?!!"


Usapan? DAMN!
Napahinto ako dahil nakita ko ang luhang nag-uunahan sa mga mata niya.
Shit!

"A—akala ko kasi pwede mo akong samahan mag-celebrate dahil successful yung fashion event na pinagtrabahuhan ko....That is the reason why I invited you for dinner pero anong nangyari? ang sabi mo male-late ka ng konti kaya nauna na ako doon.....Inintay kita Molly! Tangina! inintay kita....pero nagmukha akong tanga —"
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko.
Masakit sa akin na nakikita ko siyang umiiyak ngayon at ako ang dahilan.
Akma ko itong hahawakan kaya lang ay kinabig niya papalayo ang kamay ko.


"— Sana sinabi mong hindi ka pwede, sana sinabihan mo ako na ayaw mo o kaya busy ka....Sana— sana hindi mo ako pinaasa."
KASALANAN KO.
Kasalanan ko lahat, pero may parte ang kwento na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.
Gusto ko mang sabihin ay ayoko namang magbaka-sakali dahil kaligtasan niya ang nakataya dito.




FLASHBACK

"I found a wiretapping device inside your office."
Ginulat ako ng sinabing iyon ni Amanda, nagsabi kasi ito na magkita kami sa isang ligtas na lugar at ang hotel na pagmamay-ari ng kaibigan ko ang napili kong puntahan.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon