VAST
*PAK*
"Aray!"
Isang malakas na sampal ang gumising sa akin. Agad tuloy akong napatayo at napatingin sa paligid—nasa opisina pa pala ako?
Inilibot ko ang paningin at nakita ko ang babaeng nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin, sino pa? edi si Molly."What is your problem?"
Galit na angil ko sa babae, hindi man ganun kalakas ang sampal niya ay hindi ibig sabihin na hindi na iyon masakit."I've been in the parking lot almost an hour, your not responding to any of my calls because you're asleep...so I decided to wake you up."
Parang wala lang na paliwanag niya at tumalikod na at lumabas ng opisina ko.'Bastos talaga'
"Move!"
Nakatalikod na ito pero malakas na nagsalita pa ito kaya naman nagulat ako at nagmadaling kumilos na.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay napatingin ako sa relo ko.'Half past seven na pala.'
Naalala ko tuloy ang nangyari, panaginip lang pala iyon? Akala ko naman ay nasa kotse na talaga ako at sinundo niya.
Sabagay, bakit niya gagawin iyon?Labis ang naging pagod ko dahil hindi ko namalayan ang oras kanina, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako —sandali nga, ibig sabihin hindi ako nakarating sa unibersidad? ibig sabihin panaginip lang na hinintay niya ako sa school?
Akala ko pa naman ay nagkita kami sa parking lot tapos isinakay ako sa kotse niya para sa dinner date —panaginip lang pala lahat iyon?
Pasimple ko tuloy tiningnan ang katabi ko, seryoso lang itong naglalakad palapit sa kotse niya at pagkatapos ay tahimik na sumakay doon, agad naman akong sumakay din sa passenger seat.
"Dad was with me earlier and he ask me to pick you up."
Hindi nakatingin sa'kin ang babae at naka-focus lang sa harapan.Nanghinayang tuloy ako sa narinig sa kanya, ibig sabihin lang nun ay hindi totoo ang dinner date na napanaginipan ko.
'Sayang naman'
"And by the way, just because you are the current president of HU doesn't mean that you have the means to ditch your class. You should be an example to your students."
Masungit na sabi nito sa akin.Oo nga pala! Dahil nakatulog pala ako sa opisina ay hindi ako nakapasok sa isang subject ko. Naku naman, kakausapin ko na lang siguro yung prof ko dun para makahabol ako sa nakaligtaan kong lesson.
"Eh, si Helen?"
Nawala sa isip ko ang babae, sana naman ay nakauwi na siya sa kanila. Di bale, tatawagan ko na lang mamaya."Pinahatid ko sa driver, hindi ka niya maiwan mag-isa dun kaya inabot na din siya ng gabi dun."
Hindi manlang ako nilingon nito ng magsalita siya. Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya at nanahimik na lang.Nandito na kami ngayon sa penthouse, bumalik na kami dito matapos ang pananatili niyang ilang buwan sa mansiyon nila. Pinilit niyang kumbinsihin ang ama na mas mapapanatag siya kung babalik siya sa sariling unit at doon tutuloy. Habang ang doktor na tumitingin sa kalagayan niya ay paminsan-minsan parin niyang pinupuntahan.
"Wait, what do you want for dinner?"
Tanong ko dahil nakita ko itong dumidiretso na sa silid niya."I've had my dinner outside; you can eat without me."
Malamig na tiningnan lang ako nito at nagtuloy-tuloy na pagpasok sa kwarto niya habang naiwan ako na bumubuntong-hininga lang.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...