Chapter 40

143 6 0
                                    


VAST

"Sa'n ba tayo pupunta?"
Tanong ko dito sa katabi ko, hindi kasi pamilyar sa'kin ang daang tinatahak namin.
Kung kailan kasi malapit ng magdilim ay saka pa niya naisipan gumala.

"You'll see."
Sandaling tiningnan lang ako nito bago tipid na ngumiti.

Dahil mukha namang wala akong mapapalang sagot ay inabala ko na lang ang sariling pagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana.

"Do you remember what day it is today?"
Tanong nito sakin pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Uh—Wednesday I think, 30th of September."
Wala sa sariling sagot ko.

"Silly, it's our anniversary today."
Sagot lang niya.

Ha?
Anniversary namin? wait—

"Hindi ako yung ka-anniversary mo ngayon, malinaw sa isip ko na summer pa nung ikasal tayo."
Inirapan ko pa ito kahit hindi naman niya ako nakikita.


"I know that, but I am not talking about our wedding anniversary."
Sabi naman niya na ipinagtaka ko.


"It's the day we really became a couple—a real couple."
Pagpapatuloy niya kaya naman marahang napatingin lang ako sa kanya, pinipigilan ang sariling ngumiti ng malapad kaya umiwas ako ng tingin at yumuko na lang.
Oo na, kinikilig na.
May pa-ganon pa kasi siya.

"Cat got your tongue?"
Pang-aasar niya sa'kin dahil hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.

"D—dami mong alam."
Pag-iinarte ko naman.

Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan, tiningnan ko ang labas at isang magarang building ang nakita ko. Isang napakagandang gusali na malaki ang pagkakahawig sa Del Luna Towers.

Wow!

"Tara! I want to show you something."
Nakangiting nilapitan ako nito bago hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa loob ng building.
Kung maganda na sa labas ay higit pa ang ganda nito sa loob! Para kang nasa ibang bansa. Pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko, ipinagtataka ko kasi na bagamat malaki ang lugar ay mistulang walang tao.
Sa bukana ng lugar ay may malaking tarpaulin lang na may nakalagay na 'This way to Event Hall'  kaya naman doon sa direksyon kami n iyon tumuloy.

"May event yata dito, sigurado ka bang dito punta natin?"
Tanong ko sa kanya, hindi ako interesado na mag gate-crash sa party ng may party.

"Just trust me."
Kalmadong sabi nito kaya napanatag naman ko kahit papano.

Sumakay kami ng Elevator at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa sinasabing 'Event Hall' halata naman kasi na doon dahil sa engrandeng dekorasyon ng lugar.

Pagpasok namin sa lugar na 'yon ay bahagyang nailang ako sapagkat pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao.
Hindi ko kilala ang mga bisita, at lahat sila ay pawang mga naka-ayos. Malayong-malayo sa suot kong pang-opisina.

"Huwag ka kabahan."
Bulong sakin ni Molly matapos hapitin ako sa bewang, marahil ay ramdam nito ang sobrang kaba at pagkabalisa ko.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon