Chapter 20

106 7 0
                                    

VAST



"Vast, y—you know I treasure you more than just a friend; I think it's not even a secret that I like you.....I really do, but I am doing this for the company. I am letting you go —  Vast Calliope, you're fired."




Ha?
Ano daw?
Ako? fired?




"H—hindi kita maintindihan."
Sabi ko na lang dahil animo'y ayaw iproseso ng utak ko ang sinabi niya. Paanong nangyari na biglaan nalang nako tatanggalin sa trabaho.


Huminga muna ito ng malalim muling nagsalita.


"I'm pretty sure you've heard what happened to GC Corporation; the news about its bankruptcy is all over the news, and as part of the initial solution, we need to reduce the number of labor forces."
Nakayuko lang ang babae at pilit na inaabala ang sarili sa sandamakmak na papeles na nakalagay sa ibabaw ng mesa n'ya. Pansin ko rin na pilit na iniiwasan nito ang tumingin sa mga mata ko, siguro ay may nararamdamang guilt ang babae dahil sa naging magkaibigan kami.


"W—wala na bang ibang paraan?"
Tanong ko na pinipigilan ang sariling umiyak sa harapan ng amo. Mabuti nga at hindi pumiyok ang boses ko habang nagsasalita.


"Vast, please, don't make it harder for both of us. I am deeply sorry, but this is the only way."
Sabi nito na paulit-ulit na kumurap at pagkatapos ay tumalikod sa akin — kasalukuyan kasi itong nakaupo sa swivel chair dito sa opisina niya.



'Bakit parang may mas malalim na kahulugan ang sinabi niya?'



Hindi ko na napigil ang mumunting hikbi na kumawala sa akin, tinakpan ko na lang ang bibig at pinunas ang luha sa mata. Pagkatapos ay huminga muna ng malalim bago nagsalita.

"I u—understand, Miss Genevieve, and I thank you for everything. Don't worry; I won't take this against you— I still consider you a friend."
Sabi ko na lang bago ako tuluyang umalis sa opisinang iyon at dumiretso sa pwesto ko para iligpit lahat ng gamit ko.

Alam kong nasa akin ang paningin ng lahat ng  mga naririto ngayon, gusto nila akong lapitan—sigurado iyon, kaya lang ay wala kaming  ors para doon dahil alam ko na abala silang lahat sa pagtatrabaho para tapusin ang mga susuotin ng mga a-attend sa charity ball at sa isa pang fashion event na nakapila.


Bago ako tuluyang umalis ay nagpaalam muna ako sa kanila— alam ko namang nakikinig sila sa'kin kahit na abala ang mga kamay at mata nila sa karayom at sinulid.


"Salamat sa inyong lahat, hindi ko kayo makakalimutan....mag-ingat kayo palagi ah, good luck sa upcoming event at sa charity ball."

Mabigat ang hakbang na nilisan ko ang lugar, matagal-tagal din akong naging bahagi ng lugar na 'to, pero ganun yata talaga ang buhay.
Pumara na lang ako ng taxi at sumakay na..
una akong bumaba sa apartment ngunit nagtaka ako dahil hindi na ako nakapasok sa loob. Saka ko lang napansin ang nakapaskil malapit sa pintuan— bond paper lang iyon na may nakasulat: Notice of Vacancy

NOTICE OF VACANCY

VAST CALLIOPE SOLEDAD
Tenant

[Address of Apartment Building]

Notice is hereby given that your apartment unit at the above address will be vacant effective immediately.

Pursuant to the terms of your lease agreement, you are required to vacate the premises on or before the aforementioned date. You are responsible for cleaning the unit and removing all personal belongings and trash.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon