Chapter 23

92 4 0
                                    

VAST


IKA-14 SA BUWAN NG PEBRERO
VALENTINE'S DAY.
Espesyal na araw para sa karamihan higit lalo sa mga magkasintahan.


Ako?


REGULAR WORKING DAY.
Isang buwan na ang nakakaraan ng tinanggap ko ang trabaho sa Hadassah University kasabay ng pagpapatuloy ko sa pag-aaral.
Grabe! Hindi ako makapaniwala na ganito ka-moderno ang lugar na ito.
Akala ko sa mga Sci-Fi Movie ko lang makikita yung ibang mga facility nila dito, ngayon alam ko na kung bakit isa ito sa mga pinaka de-kalibreng unibersidad sa loob at labas ng bansa.


Bagamat nangangapa pa rin ako sa trabaho ay  nagagawa ko naman ito ng maayos.
Kahit minsan ay napapagod dahil halos magsapaw-sapaw ang class schedule ko at ang mga work loads ko ay nairaraos naman.


Narito ako ngayon sa opisina, naka-focus sa mga papeles at emails na kailangan basahin at pag-aralan. Ni hindi ko na nga pinapansin ang ibang messages ng mga kaklase ko sa group chat na ginawa namin.
Naka-off kasi ngayon ang pagiging estudyante ko at naka-on ang pagiging acting chairman ko dito sa university.



Wala kasi akong sinabihan sa mga kaklase ko tungkol sa kaugnayan ko sa may-ari ng eskwelahan, ang alam nila ay isang scholar at nagta-trabaho bilang student assistant si 'Vast Soledad' — iyon ang alam ng mga estudyante dito.
Mas pinili ko kasi na ang mga tauhan at propesor lang ang nakakaalam ng buo kong pangalan at tunay na pagkatao.
'Vast' sa loob ng klase at 'Miss Callie o Callie' ang tawag nila basta nasa opisina na kami.


Ang paulit-ulit na 'tik-tak' ng relo lamang ang naririnig mo at ang tunog ng keyboard habang nagtitipa ako. Napatingin ako sa isang bahagi ng opisina, sa lugar kung saan nakapatong ang ilang bungkos ng bulaklak tulad ng rosas at lilies na iba't-iba ang kulay.
Galing ang mga ito sa mga empleyado dito, mayroon ding galing sa mga estudyante at lahat ay inilagay ko lang sa isang parte ng sofa.


Nakakatuwa na makatanggap ng ganitong mga regalo pero hindi ko maintindihan kung bakit may kulang, may kakaiba, may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano.



*1 Message Received*




Eli
Callie! Busy kaba?
Samahan mo ko at wala
akong ka-date.

Me
Sorry Eli,
Madami akong trabaho eh,
next time nalang.

Eli
:( Awts gege.



Napailing na lang ako sa huling mensahe ng babae 'awts gege' , anong klaseng sagot yun?
Mabuti pa si Eli, nakuhang magpadala ng message at di katulad nung isa na kahit 'smiley' ay wala as in WALA manlang.


Tss.



"Miss Callie, start na po ng meeting in five minutes."
Sabi ni Perrie, iyong executive assistant na ang tatay mismo ni Molly ang nag-hire, at ang masasabi ko ay talagang malaking tulong ang babae sa akin.



BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon