Chapter 15 (A)

101 5 0
                                    

VAST

Awkward.
Kanina ko pa iyan nararamdaman simula ng sumakay ako sa kulay itim na Mercedes Benz VIP Van. Paano kasi ay akala mo galit sa mundo ang katabi ko ngayon na si Molly.


Magkatabi kami ngayon dito sa likod dahil may driver naman sa unahan- papunta kasi kami ngayon sa bahay namin at oo kasama siya. Ewan ko ba sa isang ito at magmula noong nangyari sa restaurant ay hindi na maayos ang mood ng isang 'to.




FLASHBACK

"Molly!"

Narinig naming pareho ang pagtawag ng kung sino sa kanya at ng lumingon kami ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng babae na papalapit sa'min.

Sino na nga ulit ito?

Anna? Atasha? Amy-yeah Amanda!
Oo Tama.
Yung chicks na malaki ang hinaharap.

Nakangiting naglalakad si Amanda papalapit sa amin- este kay Molly, na pinagtitinginan ng mga tao dahil sa kakarampot na telang suot-suot nito kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ng babae. Well, maganda naman talaga siya pero mas maganda parin ako d'yan, tse!

"Oh my gosh, I miss you in....my bed."
Malanding sabi ng babae na yumakap pa talaga sa katabi kong nakakunot-noo.


"Amy, bitaw na."
Pasimpleng inaalis ng babae ang pagkakayapos ni Amanda at saka tumingin-tingin sa paligid.


"Why? 'Di mo ba ako namiss?"
Sabi nito na imbes na bumitaw ay lalong lumingkis sa kanya at pagkatapos ay isiniksik ang sarili sa leeg ni Molly na pilit na inaalis nito.

"Ehem."
Pagtawag ko sa atensiyon nilang dalawa.

"Oh, I know you! you're her cousin."
Turo nito sa akin at pagkatapos ay bumitaw saglit kay Molly para makipag-beso sa akin.
Mukhang ewan na napatango nalang ako, yun na ang alam niya eh di panindigan nalang.



"By the way, why are you guys here?"
Pagkabitaw sa'kin ay bumalik na naman siya sa pagkakalingkis dun sa kasama ko na hindi naman tumatanggi- ginugusto dun eh, malandi talaga, tss.


'Baka sasayaw, kasi restaurant 'to.'
Ang ganda nga may pagka engot naman.
Pinigilan ko ang sariling paikutan ito ng mata dahil sa napakawalang-kwentang tanong niya.

"We'll be having our lunch here."
Si Molly na ang sumagot sa tanong niya.

"Really! Great! Mind if we join you, guys?"
Tanong nito.

'We- anong 'we'? eh mag-isa lang naman

"Amanda! Where the heck- Vast?"
Napalingon tuloy ako sa nagsalita.

"I'm with my friend, Genevieve."
Pakilala ni Amanda sa babaeng bagong dating.

"Uy, Genevieve."
Nakangiting salubong ko din sa babae na lumapit sa'kin at yumakap pa.

"Great to see you here."
Hindi na bumitaw ang babae sa'kin na ngayon ay nasa bewang ko na ang mga kamay. At pagkatapos ay simpleng ngumiti lang sa isa pa naming kasama na seryoso na ang mukha ngayon at tanging pag-tango lang ang bati sa bagong dating na si Genevieve.

Naka-on ang pagkamaldita mode ni architect.

"Magkakilala kayo?"
Naguguluhang tanong ni Amanda.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon