Chapter 13 (B)

100 6 0
                                    

VAST



"WHAT WERE YOU THINKING?!"
Dinig na dinig sa loob ng buong bahay ang sigaw ni Molly.


Nandito kami ngayon sa unit n'ya, magmula sa presinto ay tahimik ang naging byahe namin dito sa bahay niya. Sinabi ko pa nga na sa apartment na lang ako ihatid pero hindi ito sumagot at tiningnan lang ako ng masama.




Napaigtad ako sa pagkagulat dahil sa lakas ng boses n'ya. Nakayuko lang ako dito sa kinauupuan ko na couch dito mismo sa living room.


"Ah I'm sorry-"
Di ko alam ang sasabihin ko.





"What kind of idiotic behavior was that?! First, you fucking went out without a word, how rude was that?!.....And then, you didn't even bother to check and answer that damn phone....Don't you know how many times I've tried to call you?-"





Nakapamewang pa sa harap ko ang babaeng kanina pa galit na galit na dinuduro pa ako.



"-And the ridiculous thing was when I tried to call you someone from the police station answered the call because you were fucking unconscious!"





"H-hindi ko naman alam na ganun y-yung mangyayari k-kanina eh."
Pilit kong pinipigilan ang pagluha, uutal-utal na ako dahil nararamdaman ko na malapit na akong umiyak dahil tila may bumabara na sa lalamunan ko.




"Hindi mo alam, kasi hindi ka nag-iisip!"
Sigaw ulit nito sa akin.



"A-ano?"
Doon na ako napatingin sa kanya, napakunot ang noo ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya.




"What? Totoo naman ah, Sinong matinong babae ang aalis ng disoras ng gabi at sasakay ng taxi....Mabuti na lang at matinong lalaki ang nasakyan mo pero pa'no kung hindi, sige nga?!"




"A-aksidente yung nangyari, hindi namin inaasahan na m-mapapagitna kami sa rambol nung mga 'yun."
Pagdadahilan ko pa.






"Exactly! What if something worse happened, huh?! What if they kidnapped you? robbed? killed, or worse, what if they raped you and that driver is no longer there to save you?!"
Hindi manlang humuhupa ang galit ng babae na halos maglitawan ang ugat sa nangyari, kaya naman hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha ko at tahimik lang na umiyak sa harapan niya.




"At saka, naisip mo ba ang mangyayari kung nakarating 'to kay Dad, ha? Paano kung may nakakilala sa'yo at madamay kami sa gulo...
Goodness woman, mind your actions!"





"T-tama na, hindi na ko bata para s-sermunan mo ng g-ganito."
Medyo nahihirapan parin ako magsalita dahil sa pag-iyak.




"Oh yeah, 21 right? Here is what I think....who cares? I'm still older than you. At hanggang hindi pa tapos ang kontrata ay ako ang masusunod para hindi na maulit ang katangahan na 'to...Take a look at yourself, puro ka galos sa mukha at nakabenda ang braso mo sa laki ng sugat dahil sa salamin."
Sabi nito at humalukipkip pa talaga sa harapan ko.





"OO NA! KASALANAN KO NA!...AKO NA ANG TANGA!!! PASENSIYA SA'YO AH, NAABALA KA PA KASI HINDI AKO NAG-IISIP!"
Wala na. Hindi ko na napigilan ang pagsigaw at pagsagot sa kanya, sobra na kasi yung mga sinasabi niya.

Para akong walang kakayahan mag-isip ng tama kung pagsabihan niya.
Aaminin ko na may kasalanan ako sa parte na umalis na hindi nagpasabi, eh anong gusto niyang gawin ko? eh siya 'tong hindi namamansin nasa barko palang kami.



BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon