Chapter 13 (A)

289 6 1
                                    


VAST

LUNES.
Ika—21 ng Agosto.

Nandito pa din kami sa loob ng cruise ship, sa pagkakatanda ko ay ngayon ang huling araw namin dito sa dagat dahil kailangan na naming bumalik sa kanya-kanya naming mga buhay lalo pa st pawang mga may inaasikasong negosyo ang mga bisitang nandito.

Mabuti na nga lang at nagkataong naka-leave ako ayon na din sa utos ni Miss Genevieve at sakto pa sa holiday ngayong araw na ito kaya hindi problema sa pagpasok ko sa trabaho.

Kasalukuyang pinagmamasdan ko ang magandang tanawin sa harapan ko — ang katubigan, ang asul na langit at ang simoy ng hangin na bagay na bagay sa pagbabasa ng libro katulad ng ginagawa ko ngayon.

Perfect.


Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi ko inaasahang mararanasan ko ang mga ito, ang maglakbay sa ibang bansa sakay ng isang malaking barko makapagsuot ng mamahaling damit at alahas.
Nakalulungkot nga lang dahil walang ideya ang aking ina sa lahat ng nangyayaring ito sa buhay ko.


*RING RING*

Eli Calling....



Napangiti ako pagkakita ko pa lang sa pangalan ng kaibigan ko.
Mukhang alam ko na kung bakit tumatawag ang isang 'to. Pinindot ko ang 'Accept' at halos masira ang tenga ko sa lakas ng boses ng nasa telepono.



("Ahhhh!!! HAPPY BIRTHDAY CALLIOPE!!!!! OMG! 21 years old na ang baby ko!")


Oo nga pala.
Birthday ko.



"Thank you, Eli"
Pinigilan ko ang mumunting luha na namumuo sa mata ko, ito kasi ang unang pagkakataon na hindi ko kasama ang ina at ang mga kaibigan ko kapag birthday ko.
Madalas kasi ay nasa bahay kami at nagsasalu-salo.



Inilapag ko nalang ang cellphone sa coffee table dito dahil baka marinig nito ang paghikbi ko. Pinindot ko nalang ito at inilagay sa speaker mode.


("Miss na kita baby ko, kailan ka ba kasi uuwi?")


"Baka bukas pa siguro, hindi ko sigurado pero promise, pagbalik ko magkita tayo — dating gawi ako, ikaw at si mama."



("Sige! 'oy walang bawian 'yan ah! promise 'yan kasi kung hindi magagalit talaga ako sayo.")
At tuluyan na ngang nag-inarte ang kaibigan ko, tss.


"Oo na, alam mo namang kayo nalang ni mama ang pamilya ko."


("Sige na baby ko, ba—bye na, love you!")

"Love you too."

Pagkasabi noon ay pinatay na nito ang tawag.
Kahit kailan ay hindi nakalimutan ni Eli ang birthday ko, minsan nga ay siya pa ang gumigising sa'kin ng umaga para ipaalala na birthday ko. Mas excited pa siya sa'kin mag-birthday.


Dinampot ko ang phone ko at nagdesisyon na lumabas ng kwarto namin pero nagulat ako ng makita ko si Molly na nakatayo pala sa harapan ko — nakataas pa ang kilay nito, nakahalukipkip at masama ang tingin sa'kin.


Problema nito?


Nagtataka naman ako na tiningnan lang ito na umirap pa at tumalikod bago nagsalita.

"Hinahanap ka ni Dad, pinatawag ka n'ya sakin kaso mukhang busy ka naman."


"Ah sig—"



Pagkatapos padabog na lumabas ng kwarto ang babae na ipinagtaka ko.
Bastos kausap, di pa ko tapos magsalita eh!

Mainit ang ulo.
Dahil siguro hindi siya makapambabae dito dahil malalagot kami sa tatay niya.
Siguro nga, kulang siya sa landi.


BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon