Chapter 19

101 5 0
                                    

VAST

"Kailan mo balak sabihin sa mama mo ang lahat ng 'to?"
Kausap ko ngayon si Eli, dahil napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay namin. Kailangan ko din kasing makapag-isip dahil sa katangahang ginawa ko sa kotse ni Molly.

Erase! Erase!
'Hindi ko naman sinasadya yung—'



"VAST!"



"Ay— Kiss!"
Napaigtad ako sa gulat ng bigla nalang pumalakpak ng malakas sa harapan ko ang kaibigan sabay sigaw sa pangalan ko.


"Ha? anong 'kiss'? gusto mo kiss kita? eww!"
Umarte pa ito na animo'y nandidiri talaga.


"Wow ha! ikaw pa lugi....ayaw mo nun ikaw ang second kiss k— ay ewan ko sa'yo!"
Inirapan ko ang babae dahil napansin ko na diretsong nakatingin ito sa'kin ngayon na pinaniningkitan pa ako ng mata.




"Teka nga —"
Nakaturo pa ang daliri nito sa akin at nakataas ang kilay, pagkatapos ay pinagkrus ang braso na akala mo ay iniimbestigahan ako.



Shet!
Napalunok ako dahil sa unti-unting paglapit nito sa'kin kaya dahan-dahan akong lumalayo, 'yon nga lang ay mabilis ang babae at nahawakan ako bago pa man ako magkunwaring pupunta ng kusina.damn!
'Me and my damn mouth!'


"B—bakit?"
Hindi talaga nakatulong yung pagkautal ko sa sobrang kaba. Pambihira! wala pa man guilty na!



"May dapat ba akong malaman? sa buhay mo— bilang may asawa? hmm?"


"W—wala naman."



"Yeah right...sa 'ting dalawa ako ang mas magaling magpalusot at hindi ikaw....so spill."
Ikinumpas pa nito ang kamay para sabihing magsalita na ako at magpaliwanag.


"I—uh...I kissed her alright!"
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi habang ipinagtatapat ko ang mga iyon kay Eliziah, naalala ko kasi na ang unang pagkakataon ay si Molly ang nag-initiate ng kiss — pero this time kasi, ay ako na.



"Eh ano naman, mag-asawa kayo that's normal....akala ko naman ay may nangyari na sa inyong asawa mo."
Kung hindi ko kilala ko ay paniniwalaan ko ang seryosong opinyon niya, kaya lang ay kitang-kita ng mata ko kung gaano kalawak ang mapang-asar na ngisi sa labi ng babae.





"Anong ibig mong sabihin?"
Nagkatinginan kami ni Eli ng marinig ang isa pang boses ng taong kadarating lang.



Si Mama!
Kumpirmado iyon dahil kasunod ng pagpasok ni mama ay ang pagkahol ni Zorro na lumapit naman sakin pagkatapos.



"Vast Calliope Soledad, tinatanong kita at 'wag mo kong pagsisinungalingan dahil malilintikan ka sa'kin!"
Napalunok ako sa seryosong boses ng nanay ko, madalang ko kasi marinig ang ganoong tono nito kaya aminado akong sa edad kong bente-uno ay kinakabahan parin ako.




"Ma—"


"Ah—hehe....m—mauna na po ako tita, Callie—"
Dahan-dahang kinuha nito ang bag at isinukbit na sa balikat niya.


"Eliziah Grace, maupo ka at hindi ka aalis."
Baling ng nanay ko kay Eli na sa isang iglap ay nakaupo na ng tuwid sa sala. Kung sa ibang pagkakataon 'to ay tatawanan ko siya kaya lang ay pareho kami ng sitwasyon.


"Magpaliwanag kayo."


Wala na akong ginawa kundi ang mapabuntong-hininga bago ako napilitang ikwento ang halos lahat sa nanay ko.
Ikinuwento ko lahat bukod sa parte kung saan maghihiwalay kami pagkatapos ng isang taon base sa nakasulat sa kontrata.



BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon