Chapter 17

89 6 0
                                    

VAST

Kahit sumasakit na ang mga mata ko at bumibigat ang ang pakiramdam ko ay hindi ko pa rin iniinda.
Kailangan ko kasing libangin ang sarili ko para lang makalimutan ang katangahan ko kagabi.

Bakit ko nga ba naiisip ang kalokohang iyon?
Bakit ba ko umaasa na paglalaanan ako ng kaunting oras ng babaeng iyon?


Naalala ko tuloy kung paano ko iniwan ang babaeng iyon kaninang umaga, bahala siya sa buhay niya kahit pa tinatawag ako ni Molly kaninang umaga ay hindi ako lumingon at nagmadaling sumakay sa kotse ni Genevieve.



FLASHBACK

"VAST CALLIOPE!"
Bahagyang lumalakas ang boses nito at nagmamadaling lumapit sa harapan ko.

"— What is she doing here?"
Dugtong pa niya habang nakakunot ang noo.

Magsasalita pa lang sana ako ng may nauna na sa aking sumagot.

"Sinusundo ko siya, di pa ba obvious?"
Nakangising sagot ni Genevieve na ikinasalubong ng kilay ni Molly.

"And why is that?"

"Kasi may saki—''
Ngunit bago pa man matapos si Genevieve sa pagsasalita ay naunahan ko na siya.

"Let's go, Genevieve."
Hinawakan ko ang babae papalayo kay Molly at naintindihan niya naman iyon kaya pumasok na din siya sa driver's seat.

END OF FLASHBACK



Tss.


Parang ewan na umiling lang ako at umaasa na maalis sa isip ko ang kahihiyang iyon.
Never Again.
Tinapos ko na ang lahat ng mga kailangan kong gawin ngayong araw, madali lang naman dahil may pattern naman na ang mga damit at kung may disenyo na gusto kong baguhin o idagdag ay ayos lang ayon na din sa pahintulot ng amo namin.

Napapikit nalang ako sandali at saglit na ipinahinga ang mga mata — tamang-tama at lunch time na, pwede na sigurong sumaglit matulog.


"Hey sweetie, get in."
Si Genevieve, kakalabas ko lang ng building dahil balak ko sanang sa fast food na malapit nalang kumain ay biglang huminto na ang kotse ni Genevieve sa harapan ko.


"Sige na— 'wag ka ng tumayo lang d'yan."
Sabi ulit niya dahil nag-aalangan ako lalo pa at nandito kami sa trabaho. Pero siyempre may sariling utak ang mga paa ko kaya humakbang na ako at sumakay sa kotse niya.


"Order everything you want, my treat."
Sabi nito pagkaupo palang namin sa malapit na restaurant.

"Naku Genevieve, dapat nga ako ang manlibre sa'yo bilang pa—'thank you'."
Sabi ko sa babae na matamis na ngumiti lang.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa table.


Molly Calling.....

'DECLINE'


Molly Calling.....

'DECLINE'



At para hindi na siya makatawag muli ay pinatay ko na ng tuluyan ang phone ko bago isinilid sa bag ko.

Nag-order na kami ng pagkain at naghintay ng ilang minuto bago inihain sa harap namin ang lahat ng iyon. Tahimik lang kaming kumakain at ang focus ay nasa kani-kaniyang plato, hindi naman nagtagal ay natapos din kami mag-lunch at dahil nga sa makulit si Genevieve ay siya ang nagbayad ng lahat kahit pa sinabi ko na 'split' kami dun sa bill.

BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon