VAST
"MAMA!"
Hindi ko na nakontrol ang bibig at emosyon ko, hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng bahay ay tinawag ko na agad ang nanay ko na abala sa pagtiklop ng damit."Oh Callie, anak!"
Callie, iyon talaga ang palayaw ko kaya lang mas madalas akong tawaging 'Vast' dahil mas bago daw pakinggan.Lumapit ako at nagmano sa nanay ko at yumakap pa pagkatapos, mahigpit din naman ang naging yakap ng nanay ko at ng bumitaw kami sa isa't-isa ay saka napadako ang tingin nito sa likuran ko.
Ay oo nga pala!
"Ah Ma'am Vast, sa'n po namin ibababa yung mga dala-dala natin."
Tanong nung isa sa mga bodyguard ni Molly na talagang sumunod sa amin hanggang dito sa bahay. Bukod kasi sa driver ay may isang bodyguard kaming kasama sa van na nakaupo sa passenger seat tapos ang iba naman ay nakabukod ng sasakyan at nakasunod lang sa amin.Pinagtitinginan tuloy ng mga tao sa labas yung sasakyan at saka yung mga nakaunipormeng lalaki na kasama namin.
"Sige kuya, pakilagay na lang po d'yan at ako na po ang bahala mag-ayos niyan mamaya, salamat."
Sabi ko na lang habang tinitingnan sila na ibaba ang ilang kahon na may lamang mga groceries at kung ano-ano pa. Akala mo tuloy ay magtatayo na ng tindahan ang nanay ko."Sige po ma'am, tuloy na po kami."
Paalam nito sa akin at pagkatapos ay kay Molly na nasa tabi ko na pala.Pag-alis nung mga tauhan ni Molly ay siyang paglingon sa'kin ng nanay ko na sa sobrang gulat at pagkalito ay kulang na lang ay humiwalay ang panga niya.
"Anak, sino sila? sino 'yang kasama—"
Mahinang tanong ng pa ni mama sa akin na ang mga mata ay nakatuon sa babaeng katabi ko."It's nice to finally meet you ma'am. I'm Molly Del Luna, your daughter's w—"
"FRIEND, opo ma...f—friend ko po."
Agad na putol ko sa sinasabi ni Molly na ngayon ay masama ang tingin sa akin.Hilo ba siya?
Bakit ko pa sasabihin kay mama na asawa ko siya eh maghihiwalay din kami after a year, diba?"Ah 'yun pala—"
"I'm your daughter's GIRLFRIEND, actually."
Ako naman ang nanlaki ang mata sa sinabi ni Molly, hindi ako makapaniwalang sasabihin iyon ng babae sa nanay ko."Ha?! Nobya ka kamo ng anak ko?"
Gulat na tanong ni mama na nakakunot pa ang noo at palipat-lipat sa'min ng tingin."H—ind ay— OPO MA!"
Tatanggihan ko pa sana ang sinasabi ng nanay ko kung hindi lang mas lumapit si Molly at pasimpleng kinurot ang bewang ko.Ang sakit!
"And uh— I'm sorry if I haven't introduced myself properly, and I hope you are okay with my relationship with your daughter."
Magalang na pagbati ni Molly at pagkatapos ay nagmano pa sa nanay ko— akalain mo 'yon,
marunong pala 'to gumalang."Ah naku, anak! sigurado ka bang nobya mo talaga itong napakagandang batang ito?
— ay grabe! mukhang artista!"
Hindi na nito nai-hiwalay ang mata sa babaeng katabi ko. Sa totoo lang, hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganun nalang niya tingnan si Molly, sobrang ganda naman kasi talaga ng babae na akala mo ay imposibleng magkaroon ng ganito kagandang nilalang sa totoong buhay — ekis nga lang sa pagiging maharot niya.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
عاطفيةWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...