VAST
"Calling Miss Vast Soledad, please proceed to the office immediately."
'Yan ang anunsyong nagmula sa mga speakers na nakapalibot sa buong lugar.Ano na naman kaya ang kailangan nila?
Iniwan ko na ang ginagawa at dumiretso sa opisina, kumatok muna ako at ng marinig ko ang pahintulot ay saka ko binuksan ang pintuan ng silid.
"Sir, pinapatawag n'yo daw po ako?"
Tanong ko kay Sir Roland, ang may-ari nitong pinagtatrabahuhan ko. Siya mismo ang namamahala sa lugar na ito at ang nagpapasuweldo sa'kin pati na rin sa mga kasama ko sa trabaho.Ngumiti muna ang ginoo bago nagsalita na bahagyang ipinagtaka ko.
"Vast, may ipapakiusap sana ako sa'yo."
"Ano po iyon?"
Tanong ko na lang kahit na may kutob ako kung ano ang kailangan niya.'Wag naman sana.'
Sabi ko sa isip."Darating kasi ang anak kong si Luis ngayon at ang gusto ko sana ay ikaw nalang ang sumalubong sa kanya sa airport, 'wag kang mag-alala at ipahahatid kita sa driver. Hindi ko kasi maiwan ang trabaho dito sa opisina dahil may meeting ako sa importanteng kliyente."
Mahabang paliwanag nito sa'kin at pinagsiklop pa ang mga palad na animo'y nanghihinayang talaga.'I knew it'
Napahinga ako ng malalim bago sumagot ipinag-uutos ng amo.
"Sige po."
Tumango nalang ako at tipid na tumango.
As if namang pwede ako humindi.Alam ko ang plano ng matandang ito, matagal na n'ya akong nirereto sa anak n'yang si Luis.
Gusto niya daw ako para sa unico hijo dahil siguradong makakatulong daw ako sa pagpapatakbo ng negosyo nila kung sakaling magkatuluyan kami.Minsan pa nga ay inalok ako nitong gawing scholar ng malaman niya na nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Sayang naman daw at nahinto ako, kung papayag daw ako ay siya ang gagastos sa matrikula ko.
Aminado akong nakatutukso ang alok niya, ngunit humindi ako dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya at baka mapwersa akong mapasunod sa gusto niya.
"Salamat hija, at saka nga pala invited ka sa 'homecoming party' ng anak ko."
Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang at pagkatapos ay tumango. Wala rin naman akong balak pumunta sa party na iyon.
"Sige po at aalis na 'ko sir."
"Ikaw talagang bata ka— ang sabi ko naman sa'yo ay 'tito' na lang o kaya ay 'daddy' ang itawag mo sa'kin."
Pabirong sabi nito.Kakaibang kilabot ang naramdaman ko dahil sa birong iyon — cringe.
Wala na akong nagawa ng bumalik ako sa pwesto ko at iniligpit ang mga gamit ko. Mapang-asar naman na nakatingin sakin ang isa sa kasamahan kong si Kelly.
"Hulaan ko, ikaw ang susundo kay sir Luis 'no?" tumango nalang ako sa kanya.
"Lakas talagang tama sa'yo ng matandang iyon at gusto kang maging manugang samantalang nand'yan naman si Je na willing na mag-volunteer maging jowa nun."
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomantikWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...