MOLLY
"MOLLY HADASSAH!!"
Nitong mga nakaraang buwan ay matinding kaba ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang pagtawag na iyan ng asawa ko sa pangalan ko- katulad ngayon.
Paulit-ulit ang paghinga ko para pakalmahin ang sarili habang tinatahak ang daan paakyat sa kwarto namin."MOLLY, NASAAN KA BA?!"
Muling sigaw niya mula sa kwarto."Baby, may k-kailangan ka?"
Kinakabahang tanong ko habang papalapit sa babaeng nakasimangot na at nakahalukipkip pa!"Saan ka ba galing kagabi, nambabae ka 'no?!"
Walang ang bibig niya sa pagsasalita.Mabilis akong umiiling-iling kahit pa magmukha akong tanga ay hindi ko iyon ininda.
"Eh ano 'to?"
Sabi niya pagkatapos itinaas ang isang pamilyar na piraso ng tela na ikinalaki ng mata ko.The fuck?!
"H-huh?....a-ano, hindi ko -"
Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag dahil nakahalukipkip ang babae at nakataas ang kilay sa'kin.'Bakit ba kasi nakita niya pa 'yang panty na 'yan?!'
"Ano?!....Akala ko ba si Giliana at si Cainell kamo ang kasama mo kagabi....eh bakit may panty sa bulsa ng coat mo?!!- Sabihin mo lang kung lolokohin mo lang din pala 'ko eh di maghiwalay na tayo!!"
Galit na galit ang babae at halos maglitawan ang ugat nito sa leeg.'MAPAPATAY KITA, CAINELL AREVALO!!!'
"B-baby k-kahit tawagan mo pa sila....promise kami talaga ang magkakasama kagabi-"
Sunod-sunod na ang paglunok ko dahil sa nakita ko ang asawa ko na kinuha sa closet ang maleta na tila ba inihahanda na ang pag-alis."Yung p-panty, baka nailagay lang ni Cainell 'yan sa bulsa ko....kasama yan dun sa bagong design ng underwear na ine-endorse niya."
Confident naman ako na yung dalawang babae talaga ang kasama ko. We spend the whole night chitchatting like what we used to do back then. Now, we are all happily married and building our own families.
May kinuha sa ibabaw ng table ang asawa ko at maya-maya ay idinikit niya iyon sa tenga niya pagkatapos. Mukhang may tinatawagan.
"Hello, Cainell?....Ah ako nga 'to si Callie, pasensiya na sa abala....itatanong ko sana kung saan kayo nanggaling ni Molly kagabi?"
Dire-diretsong tanong nito sa kausap at pagkatapos ay ibinaba ang telepono at pinindot ang speaker.("Si Molly? B-bakit di pa ba siya umuuwi?.....Di nga niya kami sinipot ni Giliana kagabi dun sa-")
Napanga-nga ako sa isinagot ng babae sa asawa ko, halatang kagigising lang ng babae kung boses nito ang pagbabasehan.
Malilintikan ka sa'kin 'pag nagkita tayo Arevalo!Bago ko pa man dipensahan ang sarili ko sa asawa ko ay naunahan na ako nitong magsalita. Halos takbuhin ko pa ang telepono na hawak niya at kukuhanin sa kanya iyon kung hindi lang ako nito pinanlakihan ng mata at itinuro ang daliri sa akin na parang binabawal ako.
"Sabi niya kasi magkasama kayo kagabi....girls night out niyo daw nila Giliana."
Napapapikit ako sa inis dahil paniguradong nakangisi ang babaeng iyan ngayon. Hindi ba niya alam na ako ang napapahamak sa pagsisinungaling niya- Kung hindi ba naman siya isa't kalahating siraulo ay ilagay ba naman sa bulsa ng coat ko yung panty na mula sa ine-endorso niyang brand.

BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
RomanceWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...