#1

80 1 0
                                    

chapter 1
pov maliah

padabog kong ipinasok ang maleta sa sarili kong sasakyan inis akong napasabunot sa sariling buhok bago pinagsisipa ang gulong siguro tama lang ang gagawin ko masyado na nilang naubos ang pasensya ko mas gugustohin ko nalang na tumira sa dating bahay ng aking lola

huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa sasakyan at mabilis na pinaandar yun ngunit bago pa ako tuloyan makalabas ng gate mas lalo pa akong nilamon ng galit ng may humarang sa dinadaanan ko

mahigpit akong napakapit sa manubela ng makitang si leo yun ang boyfriend kong nag taksil na isa din sa dahilan kong bakit sagad na sagad na ang pasensya ko masyado na akong nilalamon ng galit hindi kona kayang mag timpi kaya galit kong binuksan ang bintana at dumungaw dun

"are you f*cking stupid?"

"maliah please let's talk"

nag tagis ang bagang ko sagad na sagad  na talaga ang pasensya ko hindi kona napigilan ang aking sarili na bumaba sa sasakyan at mabilis na lumapit sakanya bago binigyan ng malakas na sampal at ang sampal na yun ay sisiguraduhin kong hinding hindi nga makakalimutan sa tanan ng buhay nya

tumabingi ang kanyang ulo dahil sa lakas ng sampal ko ngunit hindi pa sapat yun para makontento ako malakas ko ulit syang sinampal bago pinaulanan ng suntok sa dibdib

"id*ot st*pid wala kang kwenta parehas lang kayo ni daddy wala kayong kwenta dapat kayo nalang yung namatay dapat ikaw nalang dapat"

tila nawalan na ako ng lakas kaya umatras ako at matalim syang tinitigan bago dinuro "itong tatandaan mo walang kapatawaran ang ginawa mong pagtaksil sakin" nanggagalaiting ani ko bago tumalikod sakanya upang bumalik sa sasakyan

ngunit bago pa ako makalayo mabilis syang nag salita dahilan para matigilan ako "please wag kang tumuloy hindi kana makakabalik ng buhay"

napasinghal ako bago sumilip sakanya at ngumisi ng nakakatakot "mag kita nalang tayo sa impyerno kung ganon"

nang tuloyan na akong nakapasok sa sasakyan mabilis kong pinaandar yun saka lang ako nahinga ng maluwag ng tuloyan na akong nakalayo sa mala impyernong bahay na yun sisiguraduhin kong hinding hindi na ako babalik

ang kaninang pag iyak na kanina ko pang pinipigilan ay tuloyan bumagsak wala na ba akong karapatan sumaya kaya lagi nalang sinasagad ang pasensya ko ng buong sambayanan?

hilaw nalang akong natawa ng bumalik nanaman sakin ang alaala nung panahong nangako ang aking boyfriend na leo sa lola ko nangako syang iingatan ako at hinding hindi gagawa ng ikakasakit ko

ngunit ngayon patay na aking lola tila namatay na rin ang pangako nya galit akong napasinghal at huminga ng malalim upang kumalma relax maliah mag focus ka sa daan wag sa taong wala naman ambag sa buhay mo, ani ko saking sarili.

halos tatlong oras na rin ang nakalipas ngunit heto parin ako nag dridrive masyadong malayo ang probinsya namin sa manila kaya wala akong choice kundi mag tiis sa pagdridrive kahit nakakaramdam na rin ako ng antok

madilim na din ang daan halos puro puno nalang ang nadadaanan ko at wala ng kabahay bahay nababatid kong medjo malapit na ako saking pupuntahan kaya tila gumaan ang aking pakiramdam

tumaas nalang ang aking isang kilay ng tumunog ang aking selpon napairap nalang ako sa kawalan ng makitang si daddy lang pala kaya napairap nalang uli ako sa kawalan bago sinagot

saglit pa akong napapikit dahil sa lakas ng kanyang boses at mahahalatang galit na galit na ito "what the h*ll maliah nasisiraan kana ba! ano bang pumasok jan sa utak mo at naisipan mong umuwi sa probinsya"

"hey old man chill kalang okay? nasa tamang edad na ako kaya wag mo nako pakelaman"

"ganyan kana ba talaga kabastos?"

akmang sasagot palang ako ng bigla akong nagulat dahil sa biglang pagtawid ng pusa mabilis ko itong iniwasan ngunit sa kasamaang palad nawala ang preno ng aking sasakyan dahilan para dumiretsyo sa bangin at tuloyan bumagsak

"hey maliah are you okay? ano nangyare... hey! sumagot ka" ani sa kabilang linya

ramdam ko ang likidong tumutulo saking mukha tila nakaramdam ako ng panghihina at nanlalabo na aking paningin dahan dahan akong tumingin saking selpon

"maliah ano bang nangyare okay kalang ba!!"

gustohin ko man sumagot ngunit hindi ko magawa tila naubusan ako ng lakas mapait akong napangiti baka nga talaga si leo at janah hindi na ako makakabalik ng buhay sa manila

pilit kong nilalaban ang aking malabong paningin ngunit hindi ko na talaga kaya, mariin akong pumikit at nag dasal "pakiusap kung sino man ang nakakarinig sakin tulongan mo ako"

dahan dahan akong napadilat ng may naamoy akong bamagong bulaklak tila nabuhan ako ng may maaninag akong isang lalake ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha

naririnig ko pa ang boses ni daddy na nanggagaling sa selpon ngunit hindi ko yun pinigyan pansin at nakapukos lang sa lalaki

"please help me"

sobrang nanlalabo na aking paningin binuksan nya aking sasakyan at tuloyan lumapit sakin ramdam kong inayos nya aking buhok na nakatakip saking mukha at bumulong

"ang iyong hiling aking tutuparin" nakakangilabot na bulong nya sakin bago ako tuloyan mawalan ng malay.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon