chapter 47
maliah povnanatili pikit ang aking mata habang may matinis na boses akong naririnig ngunit tila nilukob ako nang pagtataka ng maamoy kong amoy hospital
"please maliah gumising kana. masyado na kaming nag aalala lalo na si tito"
hindi ko mapaipaliwag ngunit tila nakaramdam ako ng matinding pagtataka. hindi ako pwedeng magkamali boses yun ni janah paano sya nakarating dito kasama ba sya ni leo
"si tito nang malaman nyang na comatose ka unti unti nya ng napapabayaan yung sarili nya. kaya please maliah gumising kana"
mabilis naman akong nagtaka kaya sinubukan kong dumilat nngunit hindi ko magawa dahilan para tumulo ang aking luha. sinubukan ko muli ngunit hindi ko talaga magawa kaya dahan dahan ko nalang iginalaw ang aking kamay
"oh my god!" gulat na ani ni janah
maraham at may pagiingat kong idinilat ang aking mga mata. tila nabunutan ako ng tinik dahil nagawa ko yun ngunit ang nakakapag taka bumungad sakin ang puting kesame
"oh my god! maliah! omg gising kana teka tatawag ako ng doktor"
inis akong napapikit dahil sa lakas ng kanyang boses ngunit mabilis din dumilat at dahan dahan inilibot ang aking tingin. ngunit agad akong napabangon ng makitang nasa hospital nga ako
mabilis napadako ang aking tingin saking sariling katawan. ganon nalang ang panglalaki ng aking mga mata ng makitang maraming nakasalpak sakin katawan
"natumba lang ako ganto ba kalala para ipahospital pako?"
mabilis kong inalis ang mga bagay na nakasalpak sakin katawan ngunit bago pako matapos mabilis na pumasok si janah at may kasamang isang babae na hula ko ay doktor dahil sakanyang suot
nanlaki naman ang kanilang mga mata at mabilis akong pinigilan "omg maliah ano ka ba hindi pa magaling bat mo ginawa yan"
naiinis kong winaksi ang kanyang kamay "ano ba! hayaan mo nga ako kaylangan ko pang makausap si aron"
saglit naman syang natigilan ngunit kalaunan hinuli nya ang aking kamay "sinong aron ba ang sinabi mo maliah delekado nyang ginawa mo 5months kang comatose hindi pa natitignan ng doktor oh"
tila natigilan naman ako sakanyang sinabi ngunit kalaunan mahina akong natawa "bukas kana mag joke kaylangan ko ng makausap si aron baka iwan nya na ako"
akmang aalis nako sa higaan ngunit mabilis kaming napatingin sa pinto. kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata ni leo bago mabilis na lumapit sakin at mahigpit akong nikayap
"thanks god nagising kana"
naiinis naman ko naman ko naman inalis ang kanyang kamay na nakayakap sakin "pwede ba leo kakakita lang natin kahapon kung makayap ka wagas"
mabilis na kumunot ang kanyang noo "a-anong bang pinagsasabi mo?"
malalim nalang akong huminga "tara leo samahan mo akong makausal si aron kaylangan namin mag usap baka iwan nya nako please"
"maliah sino ba yung tinutukoy mo?" nagtatakang ani nya
napabuntong hininga naman ako "si aron nga yung lalaking..." nabitin naman ang aking sasabihin at mabilis na kumunot ang aking noo ng mapagtanto kong hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy ko
"sh^t hindi to pwede"
tila nagpanik ako at napasabunot sa sariling buhok na para bang nawawala na saking sarili dahilan upang umalma ang aking mga kasama
"hey maliah ano bang nangyayare sayo!" ani ni janah habang sinusubukan akong hawakan
"maliah kumalma ka" ani ni leo
"hindi... hindi hindi ako kakalma hindi ko sya maalala!"
akmang tatakbo na ako paalis ngunit agad nila ako pinigilan "saan ka pupunta maliah kakagaling mo palang sa comatose" galit na ani ni janah
naluluha naman akong nag pumiglas dahil masyado na akong na gugulohan. bakit hindi ko sya maalala bakit nila sinasabing nacomatose ako bakit ganto nalang ang takot ko sa isipin hindi kona maala si aron
"no! bitawan nyo ko kaylangan ko si arom bakit hindi ko sya maalala bakit!"
tuloy parin ako sa pagpumiglas habang sa maramdaman ko nalang na may tumusok sakin hita. naluluha naman akong napatingin kung sino ang may gawa nun ngunit ala akong magawa ng makita ang doktor
"ihiga nyo na sya"
mabilis naman akong hiniga ni janah at leo habang ako naman ay patuloy lang sa pagluha ngunit unti unti ng kumalma dahilan para nanatili lang akong lumuluha habang nakatingin sa kawalan
"dok ano bang nangyayare sa pinsan ko? bakit may hinanap sya at bakit ganon nalang sya kumilos? naalog ba yung utak nya bakit parang daig nya pa yung gumagamit" sunod sunod na tanong ni janah sa doktor
narinig ko naman ang malalim na paghinga ng doktor "marami na akong gantong pasyente ang nahawakan kaya nakakasiguro kong habang wala syang malay dahil sa comatose nakakagawa sya ng mga panaginip o imahe na hindi naman totoo. tulad nalang ng sinasabi nya kanina ngunit malinaw naman satin na di nya alam kung sino ang binabanggit nya"
"a-ano pong dapat datin gawin p-para mawala yung mga nagawa nyang imagination" tanong ni leo
"ang kaylangan nyo lang gawin ay ipaliwanag sakanya kung paano sya nacomatose kung anong araw at huling pangyayare bago sya mawalan ng malay. makakatulong yun sakanya para tuloyan nya ng malimot kung ano man ang mga panaginip nya"
nawalan naman ng imik ang dalawa kaya tinapik ng doktor ang balikat ni leo bago nagpaalam umilis. at nang maisara ang pinto malalim na huminga si janah bago lumapit sakin habang may malungkot na ngiti sa labi
mabilis nyang hinawakan ang aking kamay at marahan na dinala sakanyang pisnge bago isa isang pumatak ang kanyang mga luha dahilan para makaramdam mabigat sakin damdamin
"maliah please makinig ka. narinig mo naman ang doktor diba? lahat ng sinabi nya totoo"
mabilis akong nag iwas sakanya ng tingin "p-paano?"
"maliah n-nalaman mong winaldas ng mommy ko ang pamana ng lalo mo sa side mother o ni lola maliryn. hindi naman namin kaano ano ang lola mo maliah kaya halos pumatay kana sa galit at naisipan mong pumunta sa province ni lola maliryn at nung nalaman yun ni tito mabilis ka nyang tinawagan"
"t-tapos?"
"s-sinagot mo yung tawag nya g-galit na galit sya sayo maliah pero habang nasa gitna kayo ng pag uusap bigla nalang nakarinig si tito ng malakas na tunog tapos naririnig ka nya na sinasabi mo kung sino ba ang nakakarinig sakanya tulongan ka hanggang sa namatay na yung tawag"
hindi naman ako nakaimik at pilit na inaalala ang nangyare hanggang sa magsalita nya uli "sobra yung pagaalala namin sayo nun lalo na si tito kaya naisipan ka namin sundan. t-tapos... tapos nakita namin yung sasakyan mo nakatumba na ang malala puro ka duguan malaki nalang ang pasasalamat namin dahil may pulso kapa"
tahimik naman akong napahikbi dahilan oara mahigpit akong yakapin ni janah "wag ka mag alala magiging okay din ang lahat"
mariin nalang akong napapikit bago dahan dahan tumango. ngayon malinaw na sakin kung bakit kinaumagahan nasa bahay nako ni lola nun. dahil dun na pala nag umpisa ang mga nagawa kong pangyayare na wala naman katotohanan.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...