#6

33 0 0
                                    

Chapter 6
pov maliah

medjo nahirapan ako sa pagpili ng mga halaman dahil lahat sila magaganda ngunit sa ganda nilang imahe hindi mo aakalain na may malalim pala itong kahulogan

"30thousand lahat kasama na jan yung mga mamahaling paso na napili mo"

ngumiti lang ako sakanya at inabot ang itim na card "by the way kanina pa tayo nag uusap pero hindi mo nabanggit yung pangalan mo"

"daisy, daisy ang pangalan ko at ako ang owner ng shop nato"

mangha naman akong napatango "correct me if I'm wrong sa bulaklak nakuha ang pangalan mo tama ba?"

matamis uli syang ngumiti at inabot sakin ang aking card na agad ko naman kinuha "oo tama ka, mahilig din kase si mama sa halaman at ang sabi nya sa thailand daw pinapaniwalan nilang na ang daisy ay represent being sweet, humble and friendly"

"tamang tama lang pala sayo yung pangalan mo, sa mga ngiti mo palang sobrang tamis na"

mahina naman syang natawa "ikaw anong pangalan mo? isa kang nakakabighani kaya sigurado akong maganda din ang iyong pangalan"

nawala ang ngiti saking mga labi "maliah ang pangalan ko"

"hindi nga ako nagkakamali kasing ganda mo ang iyong pangalan"

mapait akong napangiti "sabi ng auntie ko nabuhay ako sa pagkakamali" lumingon ako sakanya at kitang kita ko kung pano sya natigilan kaya maliit akong ngumiti "kaya nga nag biro sya sakin eh maliah means mali-ah"

natahimik naman sya kaya huminga ako ng malalim "oh sya tapos na ata nilang ilagay sa pick up ko yung mga nabili ko need kona umuwi"

"sige mag iingat ka, lalo na sa lalaking walang guhit sa ibabang ilong na malapit sa bibig"

kahit nag tataka ay ngitian ko lang sya at nag umpisa ng magtungo saking sasakyan ano naman kaya ang ibig nyang sabihin, ako mag iingat sa lalaki? tsk sila ang mag ingat sakin

mahina nalang akong natawa saking iniisip at inumpisahan ng paandarin ang aking sasakyan. ng makalayo na ako wala na ang mga taong kanina na nagkukumlan tanging mga alay na kandila nalang ang andun kaya naisipan kong bumusina bago tuloyan makalagpas.

nang tuloyan na akong makarating sa bahay agad akong bumaba saking sasakyan akmang isasara ko na ang pinto ng sasakyan ng bigla ko nanaman naamoy ang halimuyak ng gardenia

"bakit ngayon ka lang"

napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot nya saking likuran. inis ko syang binalingan ng tingin at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan

"bakit ba ang hilig mong mang gulat crazy man"

nakakaloko naman syang ngumisi sakin bago tinuro ang malaking puno kaya inis naman akong tumingon, bigla naman akong nagtaka ng makitang may lamesa at upuan dun na gawa sa kahoy at may duyan pa

nakangiti naman akong lumingon sakanya "nako baka may bayad yan ha"

mahina naman syang tumawa habang umiiling. naglakad sya papunta sa puno kaya agad akong sumunod sakanya at sumakay sa duyan habang sya naman ay naupo sa upuan kahoy habang nakatingin na sa sasakyan na punong puno ng halaman

kitang kita ko ang mapalad nyang ngiti habang nakatanaw sa mga halaman dahilan para napatitig ako sa gwapo nyang mukha at nag umpisa ng iugoy ang duyan

"alam mo ba marami akong nalaman about sa mga halaman na yan"

"maari mo bang ibahagi ang lahat ng nalaman mo?"

malawak naman akong ngumiti sakanya at tumango bago lumingon sa mga halaman at tinuro ang orchid "nakikita mo ba yung orchid na yun, ang sabi sakin sumisimbolo daw yan na matatag na pagkakaybigan"

tumipat ang aking hintuturo sa chrysanthemum "at ang yellow na yun ginagamit raw sa salitang paalam"

"kung ganon malungkot pala ang halaman na yan"

mapait akong napangiti at pinagkatitigan ang halaman na yun "naiisip ko para tuloy akong isang chrysanthemum"

"bakit mo naman nasabi yan"

"lagi lang syang napapansin dahil sa maganda nyang imahe ngunit hindi nila alam sa likod ng kanyang kagandahan may malungkot itong kwento"

"mali ka"

kumunot naman ang aking noo "pano naman ako naging mali? dahil mali-ah?"

nakakaloko naman syang tumawa kaya inis ko syang binalingan ng tingin "hindi yun ang ibig kong sabihin"

"kung hindi yun, ano?"

"para sakin isa kang maganda at sariwang sunflower"

natatawa naman akong napailing iling sakanya "at pano naman ako naging sunflower? nako crazy man ayusin mo yang sagot mo ha kapag yan hindi ko nagustohan wag kana magpapakita sakin kahit kaylan"

"sa unang tingin marami na agad ang nahuhumaling dahil sa taglay nyang kagandahan kaya ang mga ilan ay humihiling na magkaroon ng bulaklak na yan"

tumaas naman ang aking kilay "so? pano naman ako naging sunflower"

mapalad syang ngumiti at matiim akong pinagkatitigan saking mukha "mula ng unang masilayan kita napagtanto kong para kang isang sunflower. nahumaling agad ako sa taglay mong kagandahan at dumating na sa punto na hinihiling kong ikaw ay maging akin"

tila bumilis ang takbo ng aking puso at sa hindi malaman na kadahilanan bigla nalang akong nakaramdam na parang may paro paronh kumikilito saking tyan. namumula ang aking mukha na nag iwas ng tingin sakanya

"g-grabe ka naman may biro" iwas tingin kong ani sakanya at pasimple pang nagpaypay gamit ang aking mga kamay

"hindi ako nagbibiro"

"okay fine, sa tingin mo anong klaseng halaman ka naman?"

"gusto mo ba talagang malaman yan?"

napairap naman ako sa kawalan bago humalukipkip "malamang kaya nga ako nag tatanong diba? tsk crazy man ka nga talaga"

"para sakin para akong isang gardenia"

napaawang naman ang aking bibig. kung hindi ako nagkakamali ang sabi sakin ni daisy secret love daw ang ibig sabihin nun

"tama ang yung nasa isip, ako ay sekretong umiibig sa isang napakagandang dilag" seryosong ani nya habang matiim parin na nakatitig sakin.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon