#5

55 0 0
                                    

Chapter 5
pov maliah

galit akong napasandal sa sarili kong sasakyan at paulit ulit sinisilip ang aking relo. nagpupuyos na ako sa galit dahil kahit anong pilit ko ayaw nya talagang umalis halos ilan minuto na din ang nakalipas pero mukha wala parin syang balak paalisin ako

napayukom ko nalang ang aking kamao dahil sa matinding pagtitimpi bakit ba lahat sila puro kamatayan ko nalang ang bukang bibig. napahilamos nalang ako sa sarili kong mukha ng hindi kona talaga matiis ang aking inis

"maaari ka ng umalis" ani nya sakin at walang pasabi na nagtungo papunta sa malaking puno

napairap nalang ako sa kawalan at galit na pumasok sa sasakyan. pasimple akong tumingin sa salamin upang masilip sya ngunit ganon nalang ang pagtataka ko ng hindi ko sya makita at sumakto rin na wala na ang amoy ng halimuyak ng bulaklak

nag kibit balikat nalang ako at inumpisahan na ng mag drive. bago ako tuloyan makaalis muli kong sinilip ang ang puno ngunit bigo ko talaga syang makita kaya bagsak ang aking balikat na nag pokus sa pag dridrive

masyado talagang werdo yung lalaking yun kung makaasta sya kala mong boyfriend ko na ayaw akong payagan eh halimbawang kaylan lang kami nagkita ni pangalan nya nga hindi ko pa alam masyado syang pabida.

napasinghal naman ako at nakangiting napailing iling. speaking of crazy man, kumportamble ko syang nakakausap ngunit hindi ko pa pala natanong ang pangalan nya saka ko nalang siguro tatanungin kapag nag usap ulit kami

natigilan naman ako sa pagdridrive ng bigla kong makita ang mga taong nag kukumpulan sa daan tila may hindi magandang nangyare dahil marami din akong pulis na nakita

dahil sa pagtataka ay mabilis akong lumabas at sumilip ngunit kahit anong silip ko ay hindi ko makita dahil sa sobrang daming taong nag sisiksikan. panabuga nalang ako ng hangin bago nag tanong sa katabi kong babae

"tanong ko lang po anong nangyare?"

"may saksakan na nangyare ilan minuto lang nakalipas nakakatakot nga e kase may babaeng dumaan na nadamay sa saksakan"

tila nanlamig ako saking nalaman kaya natatakot akong tumango sakanya at mabilis na bumalik saking sasakyan. nang tuloyan akong nakapasok agad akong napabuga ng hangin na kanina ko pa pinipigilan

nanginginig kong binuhay ang makina at nag uumpisa ng paandarin ang aking sasakyan, mabuti nalang pala talaga pinigilan ako ni crazy man kung hindi baka isa na rin ako sa mga nadamay dun at wala na ring buhay

tumayo ang aking mahibo at nakaramdam ng takot ito ba ang sign kaya lagi nilang pinabanggit sakin ang kamatayan ko malapit na ba akong magpaalam sakanila? malapit na ba akong sumunod sa lola ko?

mahina akong natawa saking iniisip at bahagya pang napailing iling gusto ko muna naranasan ang payapang buhay saka ang sabi nila matagal mamatay ang masamang damo kaya imposibleng sunduin na agad ako ni kamatayan.

dahil sa malalim na iniisip hindi ko na pala namalayan na nasa bilihan na ako ng halaman. bahagya muna ako huminga ng malalim upang maikalma ang aking sarili, halos naka ilan beses pa akong huminga ng malalim bago kumalma at tuloyan bumaba

nang tuloyan akong makababa mabilis akong pumasok sa loob at nag tingin ng halaman. habang naglalakad ay bigla nalang akong napatigil ng makita ko ang cyclamen na bulaklak mapait akong napangiti at hinawakan yun

itong uri ng bulaklak ang maladas na binibigay sakin ni leo hindi ko alam kung bakit ito ang palagi nyang napipiling ibigay sakin tanging ang alam ko lang ay may lungkot sakanyang mata habang inaabot sakin ang bulaklak

mapait nalang akong napangiti at umiling iling akmang maglalakad na ulit ako ngunit ganon nalang ang gulat ko ng biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran

"cyclamen" ani nya at lumapit sakin "the cyclamen flower is a sweet and lovely flower, pero alam mo ba? ito ay pinapadala sa isang tao para ipahiwatig na bibitaw na sya o makikipaghiwalay?"

malungkot akong umiling sakanya kaya siguro may lungkot sa mga mata ni leo nun dahil ito pala ang pinaparating nya

"kaya maraming nag sasabi na hindi yan kaniis nais na regalo"

tumango lang ako sakanya at lumakad uli para maghanap pa ng ibang halaman mapalad naman akong napangiti ng makakita ako ng dark red rose

"a dark red roses means that your love is unrequited"

mahina akong natawa "ang dami palang meaning ng mga bulaklak"

mahina din syang natawa "oo, kaya karamihan sa pagbibigay nalang ng bulaklak idadaan para ipahiwatig yung mga gusto nilang sabihin"

"ganon din siguro yung boyfriend ko"

"bakit ano ba ang binibigay nya sayo?"

mapait akong napangiti "cyclamen"

natigilan naman sya saking sinabi kaya ngumiti lang ako sakanya at ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit agad din akong napahinto ng may pumukaw saking atensyon

mabilis akong lumapit doon at inamoy, mariin akong napapikit habang may ngiti sa labi. hindi ako pwedeng magkamali ito yung palagi kong naamoy mabilis kong idinilat ang aking mata at tumingin sa babae

"eh ito alam mo ba kung ano ang pangalan nito?"

matamis syang ngumiti "ang pangalan nyan ay gardenia"

"ano naman ang meaning nyan?"

"love secret, at ang pagmamahal na yun ay pure walang halong biro o pangtitrip"

tumango tango "ahh..."

"bakit parang interesado ka?"

"minsan kase naaamoy ko yan kahit wala naman kaming ganyan na tanim"

"kung ganon mapalad ka"

kumunot naman ang noo ko at nagtatakang tumingin sakanya ngunit sinuklian nya lang ako ng matamis na ngiti at bahagya pang hinimas ang bulaklak ng gardenia

"mapalad ka dahil dalisay ang pagmamahal nya sayo" seryoso nyang ani bago ako binalingan ng tingin.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon