chapter 40
pov maliahNaalimpungatan ako ng maramdaman kong ang pagtama ngnsinag ngbaraw saking mukha. nanghihina akong bumangon at bahagya pang kinusot ang aking mata bago natulala sa kan
ramdam ko ang presensya ni crazy man ngunit mas pinili kong wag syang pansinin at umakto na parang hindi ko sya nakikita. mapait akong napangiti ng bigla nanaman pumasok saking isip ang pangyayare kagabi
mabigat akong huminga bago bumangon saking higaan at mabilis syang nilampasan upang magtingo sa banyo. pakiramdam ko hindi ko muna sa kayang kausapin dahil sa tingin palang ramdam kong babagsak na ang aking mga luha
mabilis akong nag bihis at nag mamadaling lumabas sa bahay at akmang sasakay na ako saking sasakyan ngunit mabilis nya hinawakan ang aking kamay upang ako ay pigilan
ibinaling ko sa ibang dereksyon ang aking tingin at ranatili lang tahimik kahit pa masyado akong hindi mapakali dahil sa matiim nyang pagtitig sakin
"maaari bang ako ay iyong kausapin"
hindi naman ako kumibo at mabilis na inagaw ang aking kamay bago nagmamadaling sumakay saking sasakyan at mabilina pinaandar yun patungo sa cafe
ano pa ba ang dapat namin pag usapan malinaw na sakin na si daisy ang pinili nya para mapunta ako kay aeroz at sabay sabay namin dadamahin kung gaano kasakit ang kapalaran
sa sitwasyon nato ako ang talo umasa ako na hindi nya magagawa ang bagay na pinagusapan namin ni lia ngunit bakit parang ambilis naman ng karma ganto ba ako kasamang tao
natigilan naman ako ng makitang lumagpas na ako sa cafe kaya mahina nalang akong napamura bago bumalik at mabilis na bumababa at pumasok sa cafe. saglit pa akong natigilan ng makita ko si aeroz na parang hindi mapakali
bahagya akong tumikhim upang kunin ang kanyang atensyon dahilan para sya gulat na napatingin sakin. nagulat pa ako ng mabilis nya akong hinila sa loob ng kanyang opesina
mabilis nyang sinarado ang pinto bago nalinis na napasabunot sa sariling buhok "arghhh! diba sinabi ko sayo na ingatan mo yung anklet akala ko ba si aron ang mahal mo?"
wala sa sarili akong napalingon saking paa. hindi na ako nagulat ng makitang hindi kona suot ang anklet kaya malalim nalang akong huminga bago nanghihina na naupo
"sya ang namili ng kapalaran"
inis ulit syang napasabunot sa sariling buhok at bahagya pang napahilamos bago huminga ng malalim na tila pinapakalma ang sarili. walang buhay syang naupo sa lamesa
"masyadong mapaglaro ang mga enkanto maliah kaya dapat gamitin mo yung talino mo"
mabilis na kumunot ang aking noo "a-ano ang ibig mong sabihin?"
"parehas na hindi magiging maganda ang resulta kung kay aron o sakin ka man mapunta" malalim syang huminga "so sa tingin mo ano ang dapat gawin?"
mabilis naman akong nag iwas ng tingin dahil alam kona agad kung ano ang pinupunto nya ngunit parang hindi ko kayang gawin yun. malalim akong huminga bago tumayo
"I-lalabas nako"
hindi ko na sya hinintay pang magsalita dahil nagmadali na akong lumabas at nagtungo sa counter. mabilis naman na kumunot ang aking noo ng makita nanaman ang ama ni aeroz
"can we talk?"
lihim nalang akong napairap bago malalim na huminga "wala ako sa mood. humanap ka nalang ng iba makakausap pwede ka ng umalis"
nakakaloko naman syang natawa bago may kinuha sa bulsa ng kanyang suot na couch at inabot yun sakin ngunit humalukipkip lang ako at taas kilay syang tinignan
"this is my calling card"
"wala akong balak kausapin ka" pag puputol ko sa iba nya pang sasabihin
natatawa naman syang umiling "okay fine, ako nalang mismo ang mag sesend ng mga dapat mong malaman"
hindi ko naman na sya pinansin kaya mahina nalang syang natawa bago lumabas sa cafe, malalim nalang akong napahinga bago kumilos para ayusin ang dapat ayusin
saglit pa akong natigilan ng maamoy ko ang halimuyak ng gardenia ngunit mabilis nalang akong napailing at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. ramdam ko ang presensya nya saking likod ngunit umakto nalang ako na parang hindi sya napansin
"pakiusap maaari bang kausapin mona ako"
lumakad sya saking harap upang makita ko sya ngunit mabilis akong tumalikod at kumuha at umaktong may hinahalungkat na kung anong bagay
"para lang sa iyong ikakabuti ang aking balak gawin"
nanatili pa din akong umaaktong hindi sya nakikita o naririnig habang patuloy pa din sa paghahalungkat
"ang buong akala ko magiging madali lang ngunit labis akong nasasaktan sa iyong kinikilos na parang bang hangim lang ako na iyong hindi nakikita"
"may pakiramdam ka pala?"
walang emosyon akong tumingin sakanya bago humalukipkip "akala ko totoo ang tunay na pinapakita mo pero ngayon malinaw na sakin na panglalaro lang pala ang lahat ng iyon" mapait akong natawa "ayun naman talaga ang gawain nyong mga enkanto diba? ang paglaruan ang mga tao"
"ano ba ang iyong sinasabi"
nakakaloko naman akong ngumisi bago lumapit sakanya at matapang syang tinitigan
"ang pagtanggap ko sayong tunay na kaanyuan ay malaking pagkakamali. dapat nung unang palang tumakbo na ako papalayo sayo para hindi na ako nasasaktan ng ganito"
nakita ko naman ang lungkot na dumaan sa kanyang mata ngunit hindi yun sapat para bawiin ang sinabi ko. nangaasar ako na tumawa bago humalukipkip at nag inis na sinuri ang kanyang kabuoan
"oo nga pala hindi mona kayangan na gumawa na kung ano para lang sa ikakabutiko. kase ako na mismo ang gagawa ng paraan"
"anong paraan ba ang iyong sinasabi. wala ng ibang paraan"
nakakaloko naman akong suminghal "handa akong hindi tuparin ang kasunduan natin mas makakalabuti sakin ang makatulog ng matagal at makalimutan ang tulad mo"
labis ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha bago naglaho na parang bula kasabay ng pagwala ng amoy ng halimuyak ng gardenia. tila nawala naubos ang lahat ng lakas at tapang ko dahilan para naluluha akong napasalmpak sa sahig
bahagya nalang akong napakagat sa labi upang pigilan pahikbing upang walang makarinig sakin. sa sitwasyon ko ngayon parang magugustin o pipiliin ko nalang ang mag palamon sa lupa
hindi naman na bago sakin ang mag bitaw ng masasakit na salita dahil nasa pag uugali kona yun dati pa ngunit para akong sinasaksak sa bawat masasakit na salitang binitawan ko kay aron
lahat ng sinabi ko sakanya ay kasinungalingan lang ngunit mas pipiliin ko muna gamitin ang aking utak para sa ikakabuti ng lahat. saglit naman akong natigilan ng may mga yabag akong narinig papalapit sakin
"omg gurl! anong nangyare sayo bakit ka umiiyak" nag aalalang ani ni lia at mabilis akong nilapitan upang itayo ako mula sa sahig at maingat akong pinaupo sa upuan
bigla nalang akong malakas na napahikbi at mahigpit na yumakap kay lia. mabilis nya naman akong niyakap at pasimpleng hinimas ang aking likod upang pakalmahin ako
"shh, kumalma ka"
imbes tumahan na ako sa pag iyak ngunit sa hindi malaman na kadahilanan mas lalo lang akong napahagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko, minsan na din akong nasaktan dahil sa pagmamahal pero hindi ko lubos na akalain na mas masakit ngayon
halos kalahating oras din ang tinagal ng pagpapakalma sakin ni lia bago ako tuloyan matigil sa pag iyak. mabilis syang kumalas mula sa pagkakayakap sakin at nagmadaling kumilos upang kumuha ng inumin
"oh ito mag tubig ka muna"
mabilis ko naman kinuha yun at uminom "s-salamat"
"now tell me about ba sa boypee mo yang pag iyak mo?"
napapahiya naman akong napayuko upang umiwas ng tingin sakanya dahilan para malalim syang napabuntong hininga "okay fine hindi kita pipilitin sabihin sakin yang dahilan ng pag iyak mo-"
"i hurt him. I hurt my crazy man" naluluhang ani ko.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...