chapter 3
pov maliahtila nilamon ako sa galit dahil sa sinabi ni daddy nansasaliksik ang aking mata at galit na napayukom ang aking kamao
"seriously old man? i'm not dead nakakausap mo nga ako oh. ganyan kana ba kawalang pakielam sakin para hilingin na mamatay ako!"
"maliah, that's not what I meant"
"eh ano? ang akala ko mag aalala kayo sakin kase umalis ako jan sa lintek na pamamahay mo yun pala mukhang nag sasaya ka pa at hinihiling ang kamatayan ko!"
mabilis kong pinatay ang aking selpon at malakas na hinagis yun kung saan inis akong napahilamos sa mukha at pinagtatapon ang mga gamit na sa silid na ito
halos ilan minuto ang nakalipas bago ako kumalma at nanghihina na napasalampak sa sahig halos ilan taon kong tiniis yung panlalamig na trato sakin ni daddy lahat ng yun pinalampas ko pero yung gantong ibubungad nya sakin ang kamatayan ko hindi kona kayang palampasin to
ang matagal ko ng kinikimkim na galit ay tila napuno na galit akong natawa saking sarili ng makitang umiiyak na ako hindi ako ganto kahina para umiyak ngunit masyado na nila akong nasagad masyado nila akong kinulong sa sama ng loob at hinnanakit
tila nakaramdam ako ng matinding pagod kaya mariin akong napapikit at parang may sariling disesyon ang aking katawan na dahan dahan nahiga dito sa sahig ganon nalang ang pagtataka ko ng maramdaman ako bigla ng matinding antok
pilit ko man dumilit ngunit hindi ko malabanan at maya maya pa ay bigla ko nalang naamoy ang halimuyak ng mabangong bulaklak at tila may umayos saking buhok na naka harang saking mukha
"ako ay lubos na nalulungkot na makita kang ganyan kaya magpahinga kana muna" masuyong ani ng kung sino bago ako tuloyan luminin ng antok.
marahan kong idinilat ang aking mata at pagod akong bumangon ganon nalang ang aking gulat ng makitang madilim na nilibot ko ang aking tingin na syang mas lalo kong ikinagulat at pinagkataka
sobrang linis ng aking silid ang huli kong natatandaan bago ako lamunin ng antok ay sobrang kalat dito dahil sa ginawa ko imposible naman na may mag linis dito dahil ako lang mag isa dito sa bahay
nakaramdam ako ng gutom kaya kahit nag tataka parin sa mga nangyayare ay pinagsawalang bahala ko nalang yun napailing iling nalang ako bago napagdisesyonan bumaba
nang tuloyan na akong makababa agad akong nagtungo sa kusina at nag hanap ng pwedeng lutuin napaawang nalang ang aking bibig ng makitang punong puno ng groceries
inilagay ko ang aking hintuturo banda saking utak na parang nag iisip halos dalawang taon hindi umuwi si lalo sa bahay na ito kaya nakakapag taka kung bakit maraming pagkain dito at malinis ang buong loob ng bahay tanging ang labas lang ang madumi
napangsinghal nalang ako ng pumasok saking isipan si daddy, oo nga pala palagi syang wala siguro dito sya namamalagi para iuwi dito ang mga babae nya wala na talagang pinipiling lugar mas makapagsaya lang sa babae go na go kahit nasa mapamamahay pa nila
napailing nalang ako at kumuha ng kaya kong lutuin. sa gitna ng aking pagluluto ay saglit pa akong natigilan ng maamoy ko uli ang isang di familiar na mabangong bulaklak
wala akong napansin na may halaman sa labas kaya nakakapagtaka lang kung bakit may naamoy akong magandang bulaklak. pinagsawalang bahala ko nalang yun at pinagpatuloy ang aking pagluluto
pagtapos kong magluto ay mabilis akong kumain halos buong araw din pala ako kain dahil sa kawerdohan na nangyayare hindi ko alam kung normal pa ba yun ngunit ayaw ko nalang bigyan ng pansin dahil paniguradong mababaliw lang ako kakaisip
pagtapos kong kumain agad kong hinugasan ang aking pinagkainan at nagtungo sa taas upang maligo. pagkatapos kong maligo napagpasyahan kong mag suot ng puting bistida
tamad kong kinuha ang aking sulat at nagtungo banda sa pintana masyado ng malalim ang gabi at masarap ang simoy ng hangin kaya hindi nakakapagtaka kung bakit lagi kaming pinipilit ni lola nun na umuwi dito
malungkot nalang ako napangiti at sinimulan ng suklain ang aking mahabang buhok at sa gitna ng aking pagsusuklay bigla nalang akong nagtaka ng maamoy ko nanaman ang halimuyak ng mabangong bulaklak
nagtataka akong tumingin sa labas ng bintana at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ulit ang lalake nasa bandang puno ulit sya habang may nang iinis na ngisi sa lab
kumunot ang noo ko at mabilis na bumaba upang puntahan sya paglabas ko ng bahay nakasandal na sya sa puno habang naka halukipkip at matiin na nakatitig sakin kaya napairap nalang ako bago lumapit sakanya
"ano nanaman ba ang trip mo bakit ka andito?"
masyado syang nakatitig sakin dahilan para makaramdam ako ng pagkailang "ikaw ay nang-aakit"
mapakla akong tumingin sakanya "the f*ck ako nang aakit?"
tumango lang sya kaya inis ko syang tinignan sa mga mata "ako ba pinagloloko mo? pano naman ako mang aakit eh wala naman akong ginagawa"
nakakaloko naman syang ngumisi "dito samin kapag ang isang babae ay nag susuklay banda sa bintana habang kalagitnaan ng madilim na gabi ay isang uri na yun ng pang aakit"
natatawa naman akong umiling sakanya "you are a crazy man, saan mundo ka ba pinanganak at may nalalaman ka pang ganyan?"
wala akong natanggap na sagot sakanya kaya tinaasan ko sya ng isang kilay ngunit tila wala lang sakanya yun at matiim paring nakatitig sakin
"bat ka ba ganyan tumingin?"
"tama nga sila, sa gantong madilim na gabi masarap tumitig sa magandang babae" masuyong ani nya.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...