Chapter 28
pov maliahnanatili nakaawang ang aking bibig habang hindi makapaniwalang nakatingin kay aron na naka itim na pants at puting polo, nakabukas ang tatlong bitones habang ang kanyang couch ay nakasabit sa kanyang ikaliwang kamay
natauhan naman ng biglang tumikhim si aeroz habang may nakakalokong ngisi sa labi "what's up my man. pag kakaalam ko si daisy ang dapat mong isayaw"
mabilis akong napaiwas ng tingin at tila bumigat ang aking damdamin dahil sa sinabi ni aeroz. tama sya dapat si daisy ang isasayaw nya at hindi ako
mabilis akong tumayo at akmang aalis ngunit agad akong natigilan ng biglang magsalita si crazy man "hindi ko akalain na pati ako ay magagawa mo paglaruan"
nakakalokong tumawa si aeroz bago lumapit kay aron na seryosong nakatingin sakin "patawad aking kapatid sinusubukan lang kita"
matalim nyang binalingan ng tingin si aron dahilan para natatawang itinaas ni aeroz ang kanyang dalawang kamay na parang sinasabing. sorry nagbibiro lang ako
"huwag mo akong subukan"
natatawang tinapik ni aeroz sa balikat si aron bago tumingin sakin na may nakakalokong ngisi sa labi "aking kapatid maaari mo ng isayaw ang iyong bihag"
tila nag slow motion ang paligid nang makita ko ang matamis na ngiti ni aron habang lumalakad palapit sakin, mabilis nyang iginala ang kamay sakin kaya wala ako sa sariling tinanggap yun
nagtungo kami sa gitna bago nya dahan dahan inilagay ang aking dalawang kamay sa kayang balikat, bahagya pa akong nagulat ng ipinalipot nya kayang dalawang kamay sa aking bewang habang matiin na nakakatitig sakin
"ako ay labis na nahuhulog sa patibong mong ganda" ani nya bago nag umpisang gumalaw upang sumayaw
"C-crazy man"
mahigpit akong napakapit sakanyang balikat ng hinapit nya ako upang mas dumikit ako sakanya "sa ilang araw na ako ay nawala labis ang aking pangungulila"
nahihiya akong tumingin sa kanyang mata bago dahan dahan hinawakan ang kanyang pisnge na agad nya naman dinama dahilan para saglit syang mapapikit "a- akala ko hindi kana magpapakita sakin"
mahina syang natawa "ang iyong akala ay labis na mali, sa ayaw at gusto mo ako ay mananatili"
palihim akong napangiti kaya mabilis kong inilagay ang aking baba sa kanyang balikat ngunit agad din nawala ang aking ngiti ng makita ko si daisy na malungkot na nakatingin samin
akmang kakalas ako mula kay aron ngunit mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sakin bewang, mabilis na nag iwas ng tingin si daisy bago tumango kay liam na mukhanh inaaya sya sumayaw
"huwag mo syang alalanin, ang aming kasunduan ay tiwalag na"
kumunot ang aking noo kaya mabilis akong humiwalay sakanya ng korite upang makita ang kanyang mukha "a-ano ang ibig mong sabihin?"
"hindi ko malipaliwag sayo ngunit inilinaw ko sayo na kami ay hindi na ipagkakaisang dibdib
"totoo?" ani ko kaya mabilis syang ngumiti, masaya naman akong napayakap sakanya, hindi ko alam kung bakit ngunit sa mga oras nato mas pipiliin ko munang maging selfish.
natigil naman ang aming pagsasayaw ng ipinatong nya sakin ang kanyang itim na couch at hinila ako palabas "wait aron san tayo pupunta?"
hindi sya sumagot kaya kahit nag tataka ay hindi na ako nagtanong at sumunod nalang sakanya. mabilis na kumunot ang aking noo ng huminto kami saking sasakyan at bahagyang binitawan ang aking kamay
"ikaw ay maaari ng umuwi"
nagsalubong ang aking kilay na tumingin sakanya "seryoso ka ba?"
nakangiti nyang hinawi ang hibla ng aking buhok bago tumango "pangako sa iyong pag uwi ako ang unang sasalubong sayo"
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...