Chapter 35
pov maliahkinabukasan maaga akong nag tungo sa cafe dahil gusto kong makausap si aeroz rnig kami lang, alam kong fate nanaman si lia dahil tumawag sya sakin kagabi at nag paalam na may pupuntahan muna sya bago pumasok
malalim akong huminga ng makita kong naka bukas ang cafe kaya mabilis akong pumasok. saglit pa akong natigilan ng makita ko si aeroz na nagpupunas ng table habang pumipito
lahim akong napakagat sa labi ng makitang naka puting sando lang sya kaya malaya kong nakikita ang makisig nyang braso na pawisan, wala sa sarili akong tumikhim upang makuha ang atensyon nya
"ow are you here" mahina syang natawa "by the way good morning honey"
maliit akong ngumiti bago lumapit sa kanya at naupo sa mesa na kaninang pinupunasan nya. pinagpatong ko ang aking hita bago ko sya matiim na tinitigan at sinuri ang kanyang kabuoan dahilan para kumunot ang kanyang noo
"are you judging me?"
mahina akong natawa "hindi ako makapaniwala na may enkantong magaling mag english"
ang buong akala ko magugulat sya sakin sinabi ngunit mukhang nagkamali ako dahil gumuhit ang nakakalokong ngiti sakanyang labi bago umiling. lumapit sya bago pasimpleng hinawi ang hibla ng aking buhok
"napaka husay mo talaga" nakakaloko syang ngumisi dahilan para makaramdam ako ng matinding kaba "hindi mo ba naisip na maaari kong burahin ang alaala mo tulad ng una nyong pagkikita ni aron"
saglit akong natigilan sakanyang sinabi ngunit kinunotan ko sya ng noo bago matapang na tinignan sa mata "baka gusto mong ipaalbularyo kita para malaman natin kung sino ang mas nakakatakot satin dalawa"
malakas naman syang humalakhak bago sumandal sa malaking upuan at pasimpleng pumamulsa "kaya nahuhulog ako sayo eh. dahil matapang ka marami na akong babaeng nakasalamuha pero kakaiba ka"
malalim akong huminga "ewan ko sainyo, minsan na nga lang may mag kagusto sakin enkanto pa"
mahina syang natawa "ayaw mo ba sa enkanto so anjan si liam?"
"the f*ck ano tingin mo sakin lahat ng magugustohan ni daisy dapat gusto ko din?
nakakaloko naman syang nag kibit balikat bago umaktong nag iisip "so mamili ka si liam na buong tao. ako na kalahating tao kahating enkanto o baka naman yung buong enkanto na si aron?"
"minsan lang ako mainlove sa enkanto edi dun na ako sa buong enkanto"
nangingiti naman syang tumango tango "so tanggap mo sya"
walang pag aalinlangan akong tumango ngunit agad na nag taka ng makita kong matiim syang nakatitig sakin. tila nakaramdam ako ng matinding kaba ng makita ko kung paano maglaho ang kanyang ngiti
"may problema ba?"
maliit syang ngumiti bago tumingin saking paa "wala akong magagawa sa kapalaran pero ang mapapayo kolang ingatan mo yung bagay na binigay sayo ni aron dahil yan lang ang magiging rason para bumalik ka sakanya"
mabilis na kumunot ang aking noo at pilit na binabasa ang kanyang awra ngunit wala akong mabasa. maliit syang ngumiti bago hinimas ang aking itim na mahabang buhok
"alam kong nagtataka ka pero sana makinig ka sakin ingatan mo ang angklet na binigay nya" malalim syang huminga "maniwala ka sa hindi gusto kong maging akin ka. pero sa sitwasyon nato mas gusto kong pamunta ka tunay mong minamahal"
"a-ano bang pinagsasabi mo? nababasa mo ba yung kapalaran?"
tumango sya habang patuloy pa din pinaglalaruan ang aking mahabang buhok "kung kay aron ka mapupunta labis na babaha ang iyong luha" malungkot syang ngumiti "at kung sakin ka naman mapupunta nababasa kong marami ang masasaktan at isa na ako dun dahil kahit ako ang pinili mo si aron pa rin ang nananatiling mahal mo"
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...