#15

20 0 0
                                    

chapter 15
pov maliah

hanggang sa tuloyan akong makauwi hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni nay tessa, hindi naman ako naniniwala sa hula ngunit bakit parang gusto kong malaman kong sino ang sinasabi nyang magpupunan ng pagmamahal sakin.

mariin akong napahilamos sa mukha bago pumunta sa bintana upang makalanghap ng sariwang hangin at ng tuloyan na akong makarating sa bintana agad akong napapikit ng bumungad sakin ang sariwang hangin

tila nawala ang pagod at stress na nararamdaman ko dahil sa sarap ng hangin, ang kaninang nagugulohan na dadamdamin ko ay tila naglaho nalang agad

mahina akong natawa na maalala ko si crazy man sinabi nya sakin na tuwing mabigat ang nararamdam ko pumunta lang ako sa dito sa bintana upang gumaan ang aking pakiramdam

inilibot ko ang aking paningin at umaasang makita sya ngunit agad bumagsak ang aking balikat ng bigo akong makita sya malalim nalang akong huminga bago nagtungo sa baba

at ng tuloyan akong bumaba agad akong nag timpla ng kape at kumuha ng snacks. ng matapos ako saking ginagawa agad akong pumunta sa labas at nag tungo sa puno

madilim na ang gabi ngunit hindi ako nakaramdam ng takot tanging buwan lang ang nagsisilbing linawag, mabilis kong inilapag ang kape at snacks sa mesa bago umupo

malawak akong napangiti ng pag masdan ko ang maliwag na, tama nga ang naging disesyon ko na pumunta dito, dahil dito ko lang naranasan ang tahimik na buhay at walang gulong iniisip hindi gaya sa manila masyado akong mariwala na tila wala ng silbi ang aking buhay

napailing nalang akong at masayang sumimsim ng kape habang hindi inaalis ang tingin sa buwan at sa gitna ng aking pagtitig sa buwan bigla ko nalang naamoy ang halimuyak ng gardenia

pigil ang aking pagngiti, sigurado ako andito sya ang halimuyak ng gardenia na yata ang naging palatandaan ko kung wala ba sya o andito aaminin kong sobrang weird nun ngunit ayoko ng pagtuonan ng pasin

napaawang nalang ang aking labi ng makita ang mga alitatap, napadami nila at nagkukumpulan na tila naglalaro sa dilim

"wow" manghang ani ko

dahan dahan kong ibinaba ang aking tingin at ganon nalang ang aking gulat ng makita si crazy man sa hindi kalayuan sakin hindi pa ako nakakabawi sa gulat ng matamis syang ngumiti bago nagtungo palapit sakin

pigil ang aking hininga ng mag umpisa syang humakbang patungo sakin tila nag slow motion ang lahat, hindi parin nagbabago ang porma nya ngunit mas pumapaibabaw parin ang maputi nyang balat sa madilim na gabi

"hindi ka ba natatakot sa dilim"

bahagya akong tumikhim upang iayos ang aking sarili at pasimple ibinaba ang aking hawak na tasa "hindi naman, ang totoo ang sarap nga sa pakiramdam kapag ganto nakakarelax"

hindi sya sumagot at bahagya lang umupo banda sa harap ko at matiim akong tinitigan, heto nanaman ang lagi nya gawain walang kasawaan na titigan ako

nag iwas ako ng tingin sakanya at muling tumingin sa mga alitatap bago ulit sumisimsim ng kape "kanina pa kita inaantay pero ngayon kalang nagpakita"

"may mahalaga lang akong ginawa"

nagugulohan ko naman syang tinignan "tungkol sa babae?"

binigyan nya naman ako ng nangaasar na ngisi kaya mabilis ulit akong nag iwas ng tingin "I mean ano ammm.. ano curious lang"

mahina syang natawa "ngunit hindi yan ang nababasa ko sa iyong isip"

napasinghal naman ako bago umirap sakanya "ano manghuhula kaya nahuhulaan mo kung ano laman ng isip ko"

"nakikita kong mag pupuyos ka sa galit kapag sinabi kong mag kaugnayan nga sa babae ang aking ginawa"

binalingan ko sya ng masamang tingin "sinasabi mo bang nagseselos ako?"

nag kibit balikat lang sya at pasimpleng sumipol habang hindi parin nawawala ang nakakalokong kislap sakanyang mata.

tila nilamon na kami ng katahimikan dahil ni isa samin ay parang wala ng balak mag salita, ramdam ko ang matiim nyang titig kaya umayos ako ng upo at tumingin sakanya bago basagin ang katahimikan

"hindi mo sinagot yung tanong ko, siguro tungkol sa babae nga yung inasikaso mo no?"

hindi nanaman sya sumagot at sinuklian lang ako ng tingin habang malawak na nakangiti kaya napabusangot ako bago humalukipkip, hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng inis sa isiping babae nga ang kanyang inasikaso

"tama nga ako, ngayon palang nag pupuyos kana sa iyong inis"

umirap ako sa kawalan "panong hindi maiinis ayaw mo sagutin yung tanong ko"

"ikaw ay magpahinga na" pagiiba nya ng usapan

galit ko syang tinapunan ng tingin "bat ba iniiba mo yung usapan! gusto mo tadjakan kita sa mukha!"

mahina syang natawa "tungkol nga sa babae ang aking ginawa"

tila nakaramdam ako ng matinding inis kaya hindi ako nagsalita at nag iwas ng tingin "gusto ng aking ina na ituloy na ang pag iisang dibdib namin ng babaeng yun"

hindi ko alam kung bakit ngunit bakit parang nakaramdam ako ng matinding dismaya dahil saking narinig "ibig mong sabihin kasal?' paniguradong tanong ko

mabilis naman syang tumango dahilan para mas lalo akong nakaramdam ng pagkadismaya sa di malaman na dahilan "p-pumayag kang ikasal? I mean-"

naputol ang iba ko pang sasabihin ng agad syang nag salita "hinding hindi ako papayag, isa lang ang aking gustong makaisang dibdib at iyon ang palagi kong pinagmamasdan sa madilim na gabi" seryosong ani nya habang matiim na nakatitig saking mga mata.


ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon