#20

24 0 0
                                    

chapter 20 pov maliah

Nakaawang ang aking bibig habang nanatili ang tingin kay daisy at aeroz na naghahalikan, pisto ng pagtataka at gulat ang aking nararamdaman ngayon, ngunit mas napatalon pa ako sa gulat ng maramdaman kong biglang may kumalabit sakin

Inis akong lumingon, ngunit bigla nalang akong naestatwa at nanlalaki ang aking mata ng makita ko mismo sa harap ko si daisy na puno ng pagtataka ang mukha "hl, ayos kalang ba?"

hindi ako nakasagot dahil nanatili parin akong gulat sa mga nagyayare, ibinalik ko ang aking tingin sa loob tila tumayo ang aking balahibo ng makitang wala na sila sa loob ngunit malinaw sa paningin ko kanina na andun sya sa loob habang kahalikan si aeroz, natigilan naman ako at tila natauhan na ng magsalita ulit si daisy na may pagaalala

"hey maliah okay kalang ba? bakit parang nakakita ka ng multo?"

bahagya akonh napalunok at nanlalamig ang aking kamay na hinawakan ng dahan dahan ang kanyang pisnge, tila mas lalo akong nagulat ng maramdaman ko ang paglapat ng aking kamay sa kanyang mukha. totoong nasa harap ko nga si daisy ngunit paano nangyare yun

"k-kanina ka pa ba andito?"

Nagtataka nya naman akong tinignan bago itinaas ang kanan kamay upang ipakita sakin ang hawak nyang plastic na may laman lutong ulam, ibinaba nya ang kanyang kamay bago syang matamis na ngumiti sakin

"lunch time na kase kaya naisipan kong bumili kala nay tessa, actually kakagaling ko lang dun tapos pag balik ko nakita kitang nakasilip sa loob"

kahit puno ng pag tataka pilini kong muna baliwalain ang aking nakita kaya naapapahiya akong ngumiti bago tumango tango "sinadya ko kase talagang silipin ka sa loob"

"ha bakit? mag oorder ka ba ng halaman?"

mabilis akong umiling kaya binigyan naman ako ng nagtatakang tingin "eh bakit ka napagawi dito?"

huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili "may gusto akong ibigay

mabilis naman na kumunot ang kanyang magandang noo "ano yun?"

kahit nag aalangan mabilis kong inabot sakanya ang cake at ice coffee bago masayang ngumiti "hindi ko masasabi sayo pero.... amm libre ko sayo to

tila natigilan naman ako ng matamis syang ngumiti bago ako niyakap ng mahigpit, dahan dahan akong yumakap pabalik dahilan para kahit papano gumaan ang aking nararamdam, kumalas sya sa pagkakayap at masayang napatitig sa cake na binigay ko

kay sarap pagmasdan ng kanyang ngiti kaya mukhang hindi ko kakayanin na makitang umiiyak sya dahil lang sa kung anong meron kami ni aron. i mean oo nga kahit siguro nag aassume lang ako na may something samin ni aron alam kong maling mali pa din yun

"sobrang saya ko dahil ngayon lang may nag bigay sakin ng libre

"wala pa bang nanlilibre sayo?"

mabilis na nawala ang kanyang ngiti sa labi bago tumitig saking mga mata "dito samin, lahat ng hiling ay hindi libre"

Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla nalang akong napalunok ng dahil sa sinabi nya. kung hindi ako nagkakamali narinig ko na rin kay aron ang salitang hindi libre ang hiling, mabilis akong umiwas ng tingin sakanya

"ah sige aalis na ako baka madami ng customer

hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin dahil mabilis akong umalis upang bumalik sa cafe, at ng tuloyan akong nakabalik mabilis akong lumapit kay lia at pikit matang naiyukom ang aking kamao bago pabagsak na naupo "cold water please, gusto kong kumalma"

Kahit hindi ko nakikita alam kong mabilis na kumilos si lia para kumuha ng tubig maya maya pa ay naramdaman ko ang pagtabi nya sakin kaya mabilis akong dumilat at kinuha ang hawak nyang isang baso na may laman na malamig na tubigyun at walang pag aalinlangan na nilagok

"ma'am sabi mo wala si sir aeroz pero nakita ko nasa office sya eh"

Mas lalong nadagdagan ang aking iniisip kaya mabilis akong tumayo at patungo sa office ni aeroz, hindi na ako nag alangan pang kumatok bagkus malakas kong sinipa ang pinto natigilan naman ako ng bumungad syang busy na nag babasa, walang gana syang tumingin sakin bago ngumisi at ibinaba ang kanyang binabasa

Pasimple syang sumandal sa swivel chair habang hindi inaalis ang tingin sakin, tinaas nya ang kanyang dalawang paa sa kanyang mesa bago nang aakit na nagsalita "miss me honey?"

Umirap ako sa kawalan bago pumasok at padabog na sinara ang pinto bago naupo sa visiter chair "I want classify something, kanina ka pa ba andito"

Mas lalong lumawak ang kanyang nakakarokong ngisi "bakit? iniisip mo bang nag cheat ako habang kumakain kayo kanina?"

Patay mata akong tumingin sakanya bago ipinakita ang aking gitnang daliri at pabulong na nagsalita "pak-yü

Mabilis na nagsalubong ang kanyang dalawang makapal na kilay na tila hindi nagustohan ang aking ginawa kaya mahina akong natawa. malamig syang tumitig sakin bago umayos ng upo "dont be a bad guri hindi bagay sayo"

nakakaloko naman akong ngumiti sakanya bago umaktong kinamot ang aking matangos na ilong gamit ang gitnang darili ko habang matiin na nakakatitig sakanya. kitang kita ko ang pag tangis ng kanyang bagang kaya natatawa akong umayos

"wala ka kanina nung pumunta ako dito"

malalim syang huminga bago ibinalik ang pagkakasandal at pinaglaruan ang ballpen. nakakaloko muna syang pumito bago itinuro ang pinto ng cr na nasa loob din ng office "may ginawa ako sa banyo tapos narinig kong may kumalabog na ikaw pala ang may gawa"

"are you sure? hindi ka pumunta kay daisy?"

kumislap naman ang kanyang mata at tila nanlolokong timitig sakin "hindi ka ba interesadong malaman kung ano ang ginawa ko sa banyo?"

"pwede ba wag kang bugok

natatawa naman syang nag taas ulit ng paa sa mesa habang pinaglalaruan pa din

ang ballpen nyang hawak "bakit naman ako pupunta dun bukod sa hindi ako

interesado sa mga halaman walang dahilan para mag punta dun"

"kasinungalingan"

umasim ang kanyang mukha "seriously?"

"I saw you, kiniss mo sya mismo sa labi

Ang kaninang maasim syang amira ay biglang napalitan ng nakakalokong ngisi nangaakit nyang pinunasan ang kanyang labi "are you jealous?"

"nah I'm not, alar, natin na patay na patay si liam kay daisy pero bat ganon ginawa mo

mahina syang natawa "tapatin mo nga ako maliah gumagamit ka ba

"päk yü ka talaga hindi ako gumagamit no ano akala mo sakin adik?"

"come on maliah matalik kong kaybigan si liam tingin mo magagawa ko yun?"

Suminghal naman ako bago walang gana na tumayo at nagtungo kay lia. mukhang nagsasabi sya ng totoo guni guni ko lang ba yun? oo nga pala malinaw sakin na galing si daisy kala nay tessa para bumili ng ulam grabe na tong mga nakikita ke epekto ba ito ng maraming iniisip

pagkalapit ko kay lia busy syang nag timtimpla kaya agad akong tumulong "diba tama ako anjan si sir badmood ka nanaman eh" ani ni lia habang busy pa rin sa pagtitmpla

Napailing nalang ako bago at pinagpatuloy ang ginagawa maya maya pa ay bigla nalang akong natigilan ng maamoy ko ang mabangong halimuyak ng gardenia. mabilis kong inilibot ang aking tingin ngunit bigo akong makita ang isang taong inaasahan ko

Akmang ipapatuloy ko ang aking ginagawa ngunit agad akong nagtaka ng mas Jumalakas ang amoy ng gardenia paputungo sa office ni aeron kaya kahit nagtataka ay walang ingay akong kumakad papuntungo sa office

Kumunot ang aking noo ng marinig kong may kausap si aeroz kaya nagtataka akong inilapit ang aking tenga sa pinto upang marinig ang kanilang pinaguusapan

"napadalaw ka aking kapatid rinig kong ani ni aeroz

"ikaw siguro ay hibang na bakit mo nagawang paglaruan ang kanyang mata"

Nanlalaki naman ang aking mata ng marinig ang boses ng kausap ni aeroz hindi ako pwedeng magkamali kilalalng kilala ko ang boses na yun. boses yun ni crazy man ngunit tama ba ang narinig ko? sila ay magkapatid?

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon