chapter 16
maliah povkinabukasan maaga akong nagising habang may malawak na ngiti sa labi, hindi ko alam kong bakit ngunit tila ako na ang pinaka masayang babae ngayon dahil lang sa nalaman kong hindi pumayag si crazy man sa kasal
hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngunit isa lang ang sisigurado ako at yun ang ayaw ko syang maikasal, maski ako nawewerdohan sa sarili ko ngunit nilalamon talaga ako ng matinding dismaya kapag naalala ko na pinagkasundo syang ikasal
tila natauhan ako ng bigla tumunog ang aking selpon ng tignan ko yun agad kumunot ang aking noo ng makitang unknown number, kahit nagtataka mabilis ko yun sinagot
"hello sino to?"
"goodmorning honey"
mabilis kong inilayo saking tenga ang selpon at pasimpleng sinilip yun na may pagtagaka bago ibinalik ulit saking tenga "bad morning san mo nakuha yung number ko?"
"chill honey"
"Aeroz hindi ako nakikipagbiro ang aga aga iniinit mo yung ulo ko"
narinig ko naman ang mahina nyang halakhak "sorry na, sabado ngayon day off natin gusto sana kita ayain lumabas"
napairap ako sa kawalan "f*ckyou"
"okay honey f*ckme hard"
tila umasim ang aking awra dahil saking narinig "the h*ck, if I you right now I going to put my middle finger in your face!"
"hey honey I said chill, kay lia ko nakuha yung number mo"
"them f*ck off!" malakas na sigaw ko bago pinatay ang tawag
"Grrrrr" inis akong napasabunot saking sarili, binabawi kona ang sinabi ko kanina hindi na ako masaya dahil sa bw*set na lalaking yun, ano bang nakain nya at ako pa ang aayain lumabas
umiling nalang ako bago pumasok saking banyo upang maligo, at pag tapos kong maligo mabilis akong tumabas sa banyo upang mamili ng masusuot, halos kalahating oras na ang aking inabot ngunit wala parin akong natitipuan na suotin
kaya napagdesisyonan kong pumunta sa kabilang silid at mag halungkat ng damit, napaawang nalang ang aking bibig ng puro magagandang bistida ang bumungad sakin ngunit mas nakuha ng aking atensyon ang isang puting bistida
kung titignan medjo makikita ang aking hinahanap dito ngunit paniguradong babagay ito sakin. mabilis kong sinuot ang bistida at bigla nalang akong napangiti na kasya yun sakin, at medjo sumasayad pa ito sa sahig dahil sa haba nito
inayos ko muna ang aking sarili bago naisipan lumabas upang tumambay sa puno, tulad ng sabi ni aeroz wala kaming trabaho ngayon sa coffee shop kaya mas gugustohin ko nalang munang mag relax
natigilan naman ako sa paglalakad maamoy ko ang halimuyak ng gardenia kasabay ng pagkita ko kay crazy man sa puno seryoso itong nakatingin sakin habang nakahalukipkip at pasimple pang sumandal sa puno
nag aalangan akong ngumiti sakanya bago lumakad papunta sa gawi nya "kanina ka pa dito?"
wala akong nakuhang sagot bagkus sinuri nya lang ang aking kabuoan habang hindi parin nawawala ang seryoso awra "ikaw ba ay hindi aalis?"
"bakit? may balak ka bang ayain ako gumala"
bigla naman akong nagulahan ng itinuro ang kanan bahagi sa likod na puno "maari mo ba akong samahan dun?"
nagtataka akong tumitig sakanya upang alamin kung nag bibiro lang ba sya, ngunit seryoso ang kanyang awra kaya bahagya muna akong tumikhim "seryoso ka ba? eh puro puno at tataas na damo jan eh baka mamaya may ahas pa jan"
hindi sya sumagot at mabilis lang akong hinala papunta sa kanyang tinuro "hey! t-teka lang a-ano ba yung damit ko sumasayad"
hindi parin sya sumagot kaya ganon nalang ang pagkataranta ko habang sumusunod sakanya, maya maya pa ay nakarinig ako ng agos ng tubig na mas lalo kong ipinagtaka
"ano bang trip mo at sinama mo ako-"
hindi kona natuloy ang iba ko pang sasabihin ng bigla syang huminto kaya nagtataka ko syang tinignan at dahan dahan tumingin sa harap, ganon nalang ang aking gulat ng makita ko ang isang malinis na ilog
mabilis kong inagaw ang aking kamay at inunahan sya mag lakad "wow... bat ngayon mo lang sinabi na may ilog pala dito?"
wala parin akong natanggap na sagot mula sakanya kaya nag tataka akong tumingin sakanya, tahimik syang pumunta sa gilid ng puno at pasimpleng sumadal sa malaking bato habang nakatingin sa ilog
mabilis kong binuhat ang aking suot upan hindi sumayad at lumapit sa gawi nya "may problema ka ba ngayon kanina kapa walang imik"
"kinukontrol nya ang utang mo sakin"
nagugulohan ko naman akong tumingin sakanya at mahinang tumawa bago itinuro ang aking sarili "ako? may utang sayo? lakas mo rin ha!"
patay mata syang tumingin sakin "ang iyong dasal ay hindi libre"
"pinunta mo lang ba ako dito para pagtripan? kase kung oo aalis nalang ako"
akmang aalis na ako ngunit mabilis nya akong hinawakan saking kamay upang pigilan, inis akong tumingin sakanya ngunit agad akong natigilan ng makita ang lungkot sakanyang mata ngunit agad din nawala
mabilis nyang binitawan ang aking kamay na tila napapaso at inis syang tumititig saking kamay kaya nagtataka akong sinundan ang kayang tingin ngunit biglang kumunot ang aking noo ng makitang hindi sya sa kamay ko nakatingin dahil sa mismong suot kong bracelet nataon ang kanyang mga mata
"a-ano bang problema mo at ganyan ka?"
"may basbas nga pala ang iyong suot"
mahina akong natawa "jusko ang weird mo talaga sobrang random mo"
patay mata uli syang tumititig sakin "ako ay lubos na nalulungkot sa isipin na maari ka nyang maagaw sakin" seryosong ani nya bago tumingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...