chapter 4
pov maliahkinalibukasan maaga akong nagising dahil balak kong linisin ang labas ng bahay masyado ng matataaas ang mga damo at napupuno na rin ng mga tuyo na dahon
habang naglilinis ako bigla nanaman pumasok sa isip ko ang lalaking kausap ko kagabi masyado syang werdo ngunit tila hindi ako nakakaramdam ng pagkailang sakanya bagkus nagiging kumportamble agad ako kapag kausap sya
oo nga pala asan na kaya yung crazy man na yun pagtapos ng usapan namin kagabi nag paalam na agad sya dahil hinahanap na daw sya pero nakakapagtaka paano nya nalaman na hinahanap na sya eh mukhang malayo yung bahay nilam.
saglit akong napapikit naamoy ko nanaman ang halimuyak ng mabangong bulaklak hanggang ngayon hindi ko parin mapangalanan kung anong klaseng bulaklak yun at masasabi kong malakas ang amoy nya
"ako ba ay hinahanap mo"
namilog ang mata ko sa gulat ng bigla syang nag salita sa likod kaya inis ko naman syang binalingan ng tingin. at sa hindi malaman sa kadahilanan wala sa sarili akong napatitig sakanya
ngayon ko lang napagtanto na isang gwapo pala ang lalaking to mapupungay ang mata habang may makapal na kilay at matangos na ilong at hindi rin papatalo ang kanyang mapupulang labi
bumaba ang tingin ko sakanyang katawan, napalunok nalang ako sa sarili kong laway na mapagtantong ala syang pang itaas na damit kaya kitang kita ko ang matipuno nyang katawan
kung sa standard lang ng mga babae ang pag uusapan masasabi kong pasok na agad sya bumaba pa ang aking tingin at nakita kong naka puting pants sya kumunot ang aking noo ng mapansing ala syang suot na tsenilas
pinagpagan ko muna ang aking kamay bago tumayo at nakakunot noo parin bago sya sya tignan "alam mo perpek na kana sana eh pero wala kang tsenilas ganyan ka ba kahirap para di makabili ng sariling tsenilas"
mahina naman syang natawa, sa uri ng pagtawa nya mas lumakas ang amoy ng halimuyak ng bulaklak kaya mariin ulit akong napapikit, at ng maidilat ko ang aking mata hindi mawala sa kanyang labi ang matamis na ngiti bahagya pa syang nag pumamulsa
"hindi namin ugaling mag suot ng sapin sa paa"
tinaasan ko sya ng isang kilay at humalukipkip "alam mo sobrang werdo mo, you look like a crazy man"
"hindi ko naintindihan ang huli mong winika"
"tsk wala yun"
tumitig lang sya sakin at bahagya pang ngumisi "ano ba ang iyong ginagawa?"
napairap naman ako sa kawalan bago umupo uli at ipagpatuloy ang kaninang naiulot na ginagawa ko "hindi ka naman bulag diba nakita mong nag dadamo ako"
hindi sya sumagot kaya napahinto nanaman ako saking ginagawa upang tignan sya. naglakad sya papunta sa sasakyan ko na malapit lang din samin baghaya syang sumandal doon habang nakapamulsa parin at matiim ulit na tumitig sakin
"pag ikaw ay natapos jan ano ang susunod mong gagawin?"
nginuso ko ang aking bibig bago inilagay ang hintuturo banda saking utak at umaktong nag iisip "aha!!! sunod kong gagawin ay bibili ng mga halaman para naman hindi boring tong bahay"
mapalad syang ngumiti "ganyan ang ang kahinaan namin kuhang kuha na agad ang loob namin kapag ang babae ay may malasakit sa kapaligiran"
mahina naman akong natawa at umiling sakanya pinagpatuloy ko ang aking ginagawa "napaka oa mo naman"
hindi na ulit sya nagsalita kaya pinagsawalang sawalang bahala ko nalang pinagpatuloy ko ang pagdadamo at ng matapos ako mabilis akong nag walis dahil masyado narin akong pinagpapawisan
pamisan pinsan sinisilip ko ang lalaking kasama ko at tulad ng inaasan matiim lang syang nakatitig sakin hindi ko nalang binibigyan ng pansin tila bawat pag galaw ko ay pinapanood nya.
pabagsak akong sumandal sa sasakyan na malapit lang sakanya pinunasan ko ang aking mukha na napupuno na ng pawis kulang nalang talaga ipaligo ko na ang aking pawis
"sh*t sobrang nakakapagod"
"maari bang pati ang punong malaki na yun ay linisin mo rin" ani nya habang nakaturo sa malaking puno na di kalayuan samin
galit naman ako umalis sa pagkakasandal at matalim syang tinitigan "the h"ck crazy man nakita mong pagod ako diba lakas din ng tama mo ha!"
"bakit ba nag pupuyos ka sa galit nagpapasuyo lang naman ako, kung ayaw mo maaari kang tumanggi"
"tse ewan ko sayo" galit na ani ko bago sya tinalikuran at pumasok sa loob ng bahay
napailing nalang ako at tumaas para maligo. pagtapos kong maligo mabilis akong nag bihis ng itim na bistida at nag lagay ng simpleng make up saking mukha
pagtapos kong maayos ang aking sarili mabilis akong bumaba at nagtungo sa labas ganon nalang ang aking pagkunot ng aking noo ng makita kong andun parin sya nakasandal saking sasakyan, sobrang lakas talaga ng tama nya hindi pa pala sya umaalis
napairap nalang ako sa kawalan bago lumapit sakanya "tabi"
hindi naman sya kumibo at matiim lang na naka titig sakin kaya galit ko syang tinignan at humalukipkip "ang sabi ko padaan at aalis ako"
"at saan mo naman balak pumunta?"
"wala kang pake ang sabi ko tabi!"
umiling lang sya sakin kaya mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis sakanya
"ano ba crazy man bibili ako ng mga halaman!"
umiling ulit sya "kung maaari mag palipas ka muna ng ilan oras dahil nababatid kong sasalubungin ka ni kamatayan" seryosong ani nya.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...