#11

36 0 0
                                    

Chapter 11
pov maliah

pigil ang aking pag ngiti habang pabalik sa coffee shop tila naparaming nangyare sa araw nato ngunit hindi ko akalain na si crazy man lang pala ang mag papagaan ng aking loob.

pagpasok ko sa coffee shop agad tumaas ang aking mata ng makita ko si aeroz naasama ang tingin sakin galit ko lang syang inirapan bago lagpasan ako bumalik ulit kay lia

"nako ma'am nakita ko yun, kaya pala hindi mo type si sir aeroz kase mas pogi yung kausap mo kanina"

mahina naman akong natawa ngunit agad din nagulat ng may padabog na papel na inipag saking harap agad akong nag angat ng tingin para makita kung sino yun kumunot naman ang aking noo ng bumungad sakin si aeroz

"order yan sa table7" ani nya bago bumalik sa mga customer

"ano problema nun"

"baka tuloyan ng nasiraan ng ulo" ani ko at kinuha ang papel upang ihanda na ang order

ng matapos ko ng ihanda agad hinatid yun sa table 7, marami pa ang naging customer kaya tuloy tuloy ang aking pag kilos hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

pabagsak akong naupo sa upuan "sh*t nakakapagod"

"sa hapon hanggang gabi lang talaga tayo mabenta ma'am kaya asahan mo pagod talaga tayo tuwing hapon at gabi " ani ni lia habang nag pupunas ng mesa

agad naman kumunot ang aking noo ng makitang lumabas si aeroz sa kanyang opesina at nag mamadaling lumapit sakin

"aalis kana?" tanong ko sakanya habang naka halukipkip

"yeah, ito yung susi ikaw na ang mag sara at ikaw din ang mag bukas 5am dapat bukas na yan kase maraming nagkakape sa gantong oras"

mataray naman akong tumayo at matalim syang tinitigan mula ulo hanggang paa "excuse me mr aeroz ipapaala ko lang sayo anak ako ng owner ng coffee shop nato hindi katulong para utusan mo ng ganyan"

ngumisi lang sya sakin bago kinuha ang aking kamay at inilagay dun ang susi bahagya pa sya gsumipol at taas noo lumabas "goodnight honey"

"f*ck you aeroz!" galit na ani ko

kumaway lang sya sakin habang patuloy parin sa pag alis kaya naiinis akong tumingin kay lia "see? ganon ba yung sinasabi mong standard ng kababaehan? p*tángïñá nya!!!" gigil na ani ko

mahina lang syang tumawa at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mesa kaya inis akong napahilamos sa mukha at walang nagawa kundi tulongan si lia upang makauwi na din

ilan minuto pa ang nakalipas bago kami tuloyan nakatapos sabay kaming lumabas ng shop "bye ma'am see you tomorrow ingat"

binigyan ko lang sya ng maliit na ngiti bago sinarado ang shop agad naman kumunot ang aking noo ng bahagya ko pang naamoy ang halimuyak ng lily ngunit pinangwalang bahala ko nalang yun at sumakay saking sasakyan at mabilis na pinaandar yun.

pag dating ko sa bahay pagod akong bumaba saking sasakyan at nagtungo sakin silid, napagpasyahan kong mag linis muna ng aking katawan at ng matapos ako mabilis akong lumabas ng banyo

mabilis kong kinuha ang aking suklay at ng akmang mag susulay na ako sa tabi ng bintana ngunit agad akong nagulat ng may biglang nag salita saking likod kasabay ng halimuyak ng gardenia

"hindi ka talaga marunong sumunod"

napairap nalang ako sa kawalan bago humarap sakanya pabagsak kong inilapag ang aking suklay sa bed table at pabagsak din na naupo saking higaan

"paano ka nanaman ba nakapasok dito?"

nag kibit balikat lang sya bago nag tungo sa bintana at bahagya pang sumandal dun bago ako matiim na tinitigan "kamusta ang iyong buong araw?"

mabilis akong sumimangot "naiinis ako naiinis ako sa lahat lalo na kay old man tapos dumagdamg pa si aeroz kainis talaga sya tapos-"

natigilan naman ako ng makitang matiim syang nakatitig sakin habang may mapalad na ngiti sa labi kumunot naman ang aking noo bago humalukipkip

"at talagang tuwang tuwa ka pa talaga kapag naiinis ako ng husto?"

umiling iling sya bago sumulyap sa labas ng bintana kaya palihim akong napairap bago lumapit sakanya at sumilip din sa bintana mariin pa akong napapikit ng bumungad sakin ang malamig na agad ngunit napakasarap langhapin

"sa tuwing ramdam mong ikaw ay pagod na sumilip ka lang dito"

kumunot ang aking noo "bakit?"

"para maiparamdam ko sayo ang sariwang hangin na makakapag pagaan sa iyong loob"

natatawa ko naman syang tinignan "ano yan ikaw ba yung hari ng hangin"

"hindi ngunit kaya ko yun gawin"

mahina akong natawa bago inilibot ang aking tingin sa labas agad naman nabaling ang aking tingin kay aron ng may bigla akong naalala

"crazy man may tanong ako sayo"

"ano ang iyong tanong" ani nya habang nakatitig parin sakin

"tungkol sa lalake na nakita ko dun sa puno kilala mo ba yun? saka bakit sya andito?"

malalim naman syang huminga bago umayos ng tayo "matulog kana kaylangan mo ng mag pahinga"

akmang aangal pa sana ako ngunit hindi kona nagawa dahil bigla nalang akong nakaramdam ng matinding antok at tila may sariling disesyon ang aking katawan na kusa nalang nahiga aking unan

"nakasalamuha mona sya halos mag puyos kana nga sa inis eh" mahinang bulong nya bago ako tuloyan lamunin ng dilim.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon