#10

31 0 0
                                    

chapter 10
pov  maliah 

pagtapos ng usapan namin ni daisy tamad akong bumalik sa coffe shop, hindi ko mawari kung kanino ba dapat akong lumayo palagi nalang makahulogan ang mga sinasabi nya sakin hindi ko tuloy alam ang aking gagawin dapat ba akong matakot o dapat ko muna alamin ang kanyang sinasabi.

pabagsak akong naupo sa tabi ng cashier at bahagya pang napasabunot sa sariling buhok "I want coffee so please give me some coffe"

nagulat naman ako ng biglang sumulpot si aeroz "pag kakaalam ko pinapunta ka dito ng papa mo para mamahala hindi para huminge ng kape"

  napairap naman ako sa kawalan bago inangat ang gitna ng mahagi ng aking daliri "f*ck off nakakasira ka ng araw kaya wag mo akong inisin"

nag salubong ang kanyang makapal na kilay bago lumingon sakin katabi "go lia give her some coffe"

agad naman tumango ang katabi ko at nag mamadaling umalis "sh*t this life umalis ako sa manila dahil gusto ko ng peace of mind tapos ganto ipapagawa sakin ni old man ang malala may maligno pa akong kasama"

narinig ko naman ang mahina nyang pag tawana kaya galit ko syang binalingan ng tingin agad naman syang nag taas ng dalawang kamay na tila parang sumusuko na

"well wala ka ng magagawa andito kana eh" naasar na ani habang may nakakalokong ngisi sa labi

naiyukom ko naman ang aking kamao na tila handa na manuntok sa kahit anong oras ngunit sinuklian nya lang ako ng nakakalokong ngisi dahilan para mas lalo akong mainis bahagya pa syang humalukipkip at sumipol

"alam mo imbes magalit ka jan umpisahan mo nalang mag trabaho"

"exuse me ako ba inuutusan mo?"

nag kibit balikat lang sya bago umalis at pumunta sakanyang opesina naiyukom ko nanaman ang aking kamao, kapag ako lang talaga napuno sa lalaking yun ewan ko nalang talaga kung sikatan pa sya ng araw 

"ma'am ito na po yung coffe nyo"

agad ko naman kinuha yun at pasimple pang ngumiti bago sumimsim ng kape "don't call me ma'am just maliah"

nahihiya naman syang tumango at umupo saking tabi "totoo po pala yung naririnig ko na malajosa talaga yung angking yung kagandahan"

mahina naman akong natawa "well nasa dugo na ata namin to"naka ngiti kong pag bibiro sakanya

"true yan ma'am- este maliah, kaya hindi na po ako mag tataka kung mag kagusto sayo bigla si sir aeroz"

nabuga ko naman ang aking kape na iniinom at bahagya pang naubos dahilan para mataranta si lia

"maliah ayos ka lang ba"

napasinghal ako bago umayos ng upo at galit na kumuha ng tissue bago pinunas saking bibig "tsk kung sya lang naman wag na"

"nako wag ka mag bitaw ng ganyan salita kahit gaganon ganon si sir ang dami kayang nabibighani sakanya" 

tinaasan ko sya ng kilay "siraulo lang ang mag kakagusto sakanya"

mahina naman syang natawa "para mo naman sinabi na wala kang taste sa lalaki"

masungit ko naman syang binalingan ng tingin kaya mahina syang natawa "alam mo ma'am kung standard lang ng mga babae ang pag uusapan pasok agad si sir mayaman  na mabait pa matangkad may matangos na ilong at mapupulang labi" 

napairap naman ako sa kawalan "wala silbi yan kung basura naman ang ugali"     

"sabagay" ani nya habang may kinakalikot

akmang iinom na sana uli ako ng kape ng bigla kong naamoy ang halimuyak ng gardenia agad akong luminga sa paligid ngunit hindi ko nakita ang isang taong inaasahan ko kaya mabilis akong tumayo

"oh bakit anyare sayo?"

hindi ko nagawang sagutin si lia at nag madaling lumabas narinig ko pa ang pag tawag nya sakin ngunit hindi kona binigyan ng pansin at ng tuloyan na akong makalabas agad naman kumunot ang aking noo ng papunta sa pant shop ni daisy ang halimuyak ng gardenia

kahit nag aalangan ay mabilis akong nag tungo dun ngunit bago pa ako tuloyan makapasok agad nalang namilog ang aking mata sa gulat ng may biglang nagsalita saking likod

"hinahanap mo ba ako"

agad akong lumingon sakanya ngunit ganon nalang ang pagkunot ng noo ko ng makitang nakasandal sya isang magarang na sasakyan habang nakahalukipkip at may nakakalokong ngisi sa labi

ngunit mas lalo pang kumunot ang aking noo ng mapagtantong wala parin syang suot suot na pang itaas naka puting pants parin sya at walang suot na tsinelas tulad ng dati ngunit napakalis parin tignan ng kanyang paa

"tsk nakarating ka dito na walang suot na tsenilas?" natatawang ani ko sakanya

matiim nya lang akong tinitigan habang sinusuri ang aking mukha napairap nalang ako sa kawalan at napabuga nalang ako ng hangin tila wala syang balak mag salita

"hindi ka ba nag sasawa na titigan ako?"

"hindi ko alam kung bakit ngunit bigla nalang ako napapatitig sayo"

"aysus baka naman nabibighani kana sa kagandahan ko?"

"kung itsura lang ang basehan maraming mas angat sayo"

tila naging lantang gulay ako at napapahiyang napakamot saking batok grabe naman tong lalakeng to parang hinampas sakin yung katotohanan

"ngunit kahit gaano pa sila kaangat masasabi kong may isang bagay kang pinaramdam sakin na hindi nila matutumbasan"

akmang tatanungin tungkol sakanyang pinupunto ngunit bigla nalang akong natigil ng bumangon sya mula sa pag kalasandal sa sasakyan at tinaliruan ako

"hindi ko mawari ngunit isang ngiti mo lang kuhang kuha mo na agad ang aking loob" ani nya bago tuloyan umalis.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon