#31

33 0 0
                                    

chapter 31
pov maliah

kinabukasan naisipan kong wag nalang muna pumunta sa cafe dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kahapon

kagat labi akong bumangon saking higaan bago pumunta sa bintana. gusto ko muna makalarighap ng sariwang hangin dahil masyadong magulo ang aking pag iisip. hindi pa ako nakakapag sorry kay daisy pero meron nanaman akong panibagong problema ngayon

mariin akong napapikit ng dumapo saking balat ang preskong hangin na nakakapag pagaan ng loob. malalim akong huminga bago inilibot ang aking tingin sa labas

wala si aron hindi din sya nag pakita sakin kagabi halos hindi din ako masyadong nakatulog ng maayos dahil iniisip ko ang katagang sinabi sakin ni earoz bago nya ako halikan saking labi

inis akong napasabunot sa sariling buhok at bahagya pang napatadjak. gusto ko na muna makapag relex dahil konte nalang mababaliw nako dahil sa dalawang mag kapatid na yun.

napagpasyahan kong bumaba patungo sa kusina. mabilis akong kumuha ng basket at nag hanap ng alak. malapad naman akong napangiti ng may makita akong beer kaya mabilis kong kinuha yun at nilagay sa basket

nag hanap pa ako ng pwedeng kainin at inilagay sa basket bago nag tungo sa taas at kumuha ng sapin. pagtapos kong kumuha ng sapin mabilis din akong bumaba at kinuha ang basket bago lumabas ng bahay

naglakad ako papunta sa ilog. hindi naman na ako nahirapan dahil hindi naman kalayuan ang ilog. malapad akong napangiti ng tuloyan na akong makarating sa ilog kaya mabilis kong nilatag ang sapin sa gilid ng ilog

ngunit agad din akong napanguso ng mapagtantong wala pala akong dalang yelo. inisa isa kong ayusin ang pagkain bago naisipan ilubog ang beer sa gilid ng ilog sa bandang hinding maaagos

malapad naman akong napangiti bago hinubad ang aking suot na bisteda at naligo sa ilog ngunit sa gitna ng aking pagligo bigla nalang akong napahinto ng maamoy ko

ang halimuyak ng lily

kumunot ang aking noo at inilibot ang aking tingin. nagtataka naman akong bumalik sa gilid ng ilog nang wala naman akong makitang halaman ng lily

kumunot ang aking noo at inilibot ang aking tingin. nagtataka naman akong bumalik sa gilid ng ilog nang wala naman akong makitang halaman ng lily

mabilis akong kumuha ng beer bago naupo sa sapin at masayang lumagok. mahina nalang akong nataya at napailing ng maalala na antagal ko na palang hindi nakainom

simula ng umuwi ako dito sa probinsya parang nakalimutan kona yung mga nakasanayan ko sa manila gaya nalang gabi gabing umiinom at humihipak ng sigarilyo dahil lang sa miserable ang buhay ko

naputol ang aking pag iisip ng mas lalong lumakas ang halimuyak ng lily kasabay din ng halimuyak ng mabagong bulaklak na gardenia, halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may mag salita saking likuran

"isuot mo ang iyong damit"

mabilis kong nabitawan ang aking hawak na beer dahil sa lamig ng kanyang boses at mababakas din ang galit. dahan dahn akong lumingon sakanya. bumungad sakin ang galit nyang mukha habang salubong ang kanyang makapal na kilay

"ako ba ay hindi mo narinig? tignan mo ang iyong kabuoan"

wala naman sa sarili akong napatingin sakin sarili ngunit agad na nanlaki ang aking mata ng mapagtantong naka panty at bra lang ako sa harap ni aron kaya nag iinit ang aking mukha at mabilis kinuha ang aking bestida at sinuot

"s-sorry hindi ko naman alam na andito ka pala"

patay mata naman syang tumitig sakin bago humalukipkip kaya napapahiya akong nag iwas sakanya ng tingin bago kinagat ang aking labi

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon