#7

41 0 0
                                    

chapter 7
pov maliah

naiilang akong umiwas ng tingin sakanya bago tumayo at bahagya pang pinagpagan ang aking suot. mabilis akong naglakad papalayo sakanya dahil pakiramdam ko ay malalagutan nako ng hininga dahil sa kanyang mga sinasabi

ayokong mag assume ngunit may kung anong kakaibang epekto sakin ang lalaking yun hindi ko mapangalanan ngunit alam kong hindi ko dapat maparamdam yun

nang tuloyan na akong nakalayo sakanya bigla nalang nawala ang halimuyak ng gardenia kaya bahagya akong lumingon sa puno at ganon nalang ang aking pag tataka ng makitang wala na sya

nag kibit balikat nalang ako at pumasok sa bahay upang kumain. siguro nga gutom lang to kaya may kakaiba akong nararamdaman na hindi naman dapat.

pagtapos kung kumain nag pahinga muna ako bago naisapan lumabas upang umpisahan ng ayusin ang mga halaman. mabilis kong inilipat ang mga halaman sa paso at inisa isang ipwesto sa pagitan ng bahay

"mahusay ka pala"

napasigaw ako sa gulat ng biglang may nagsalita saking likod kasabay ng amoy ng halimuyak ng gardenia. galit akong napasinghal bago itinuloy ang aking ginagawa at hindi sya tinapunan ng tingin

"sa susunod na manggulat ka pa ikaw na mismo ang itatanim ko dito"

narinig ko naman ang nakakaloko nyang tawa kaya mariin kong hinigpitan ang pag hawak sa paso galit na binuhat upang ipwesto ulit

"pasensya na ngunit hindi ko batid na ikaw pala ay magugulat"

pagtapos kong ipwesto ang paso galit akong humarap sakanya at binalingan ng masamang tingin "hindi batid? eh kung sungalngalin kaya kita para malaman mo"

mahina naman syang natawa bago pumamulsa at inilibot ang tingin habang may mapalad na ngiti sa labi "ngunit totoo ang aking sinasabi ikaw ay isang mahusay"

tinaasan ko sya ng isang kilay bago humalukipkip "bakit mo naman na nasabi yan"

"dahil nararamdaman kong mabubuhay ang iyong mga tinamin"

napairap nalang ako sa kawalan at ipinagpatuloy ang aking ginagawa habang sya naman at matiim lang na nakatitig sakin. kung titinagnan parang pinapanood nya lang ang bawat pagkilos ko

halos tatlong oras ang lumipas bago ako natapos saking ginagawa mariin kong inunat ang aking katawan bago pumunta sa puno at pabagsak na naupo sa upuang kahoy

mariin kong tinabingi ang aking ulo upang patunugin ang aking leeg "ay sh*t ang sarap"

napatigil naman ako saking ginagawa ng marinig ko ang mahinang pag tawa ni crazy man habang matiim na nakatitig saking mukha

"baliw ka nga talaga tumatawa mag isa"

"mag kaiba ang nasisiraan ng ulo sa nasisiyahan"

"bakit ka naman sisiyahan"

"nasisiyahan lang ako dahil kaysarap mong pagmasdan"

tila umakyat ang aking dugo dahilan para ikapula ng aking mukha kaya agad akong nag iwas ng tingin sakanya "hayan ka nanaman sa mga pamumuri mo"

mahina naman syang natawa at naupo na rin malapit sakin. tulad kanina mapalad ang kanyang ngiti habang nakatanaw sa mga magandang halaman

"napaka ganda pagmasdan"

agad akong napangiti at tumingin na din sa mga halaman ngunit ganon nalang ang pagkunot ng noo ko ng hindi ko makita ang kaisa isang gardenia na binili ko

kaya mas mabilis pa sa kidlat akong napatayo at pumunta sa aking sasakyan upang hanapin ang gardenia. pagkarating ko saking sasakyan agad kong tinignan ngunit bigo akong makita yun

"sh*t hindi pwedeng mawala yun ayun na ang huling gardenia na binibenta ni daisy"

"tila problemado ka ata?"

"may nakita ka bang gardenia?"

hindi sya sumagot at nag iwas ng tingin sakin kaya agad akong humalikipkip at matalim syang tinitigan

"crazy man umamin ka kinuha mo yung gardenia ko?"

pumamulsa lang sya at sumipol habang nasa taas ang tingin kaya mariin akong naiyukom ang aking kamao at padabog na pumunta sa gripo mabilis kong binuksan yun at kumuha ng isang tabong tubig para basain sya

"ayan bagay yan sayo nangunguha ka ng hindi sayo" ani ko habang patuloy parin syang binabasa

"teka itigil mo yan"

hindi ako nakinig sakanya at patuloy parin syang binabasa natigilan naman ako ng mabilis syang lumapit sakin at inagaw ang hawak kong tabo

"hey crazy man subukan mo lang akong basain malilintikan ka sakin"

dahan dahan akong lumayo sakanya ng makita ko ang nakakaloko nyang ngisi "dapat ka din mabasa dahil hindi ka marunong makinig" ani nya bago ako buhusan ng tubig

malakas akong nasigaw dahilan para matawa sya kaya agad ko syang sinamangutan bago inagaw ang tabo at binuhusan di sya ng tubig

tila ayaw nyang magpatalo kaya agad akong tumakbo patungo sa puno upang makaiwas ngunit agad nya naman akong hinabol habang dala ang tabo na may laman na tubig

"hey crazy man stop! sh*t I said stop" natatawang ani ko habang patuloy nya parin akong hinahabol.

napahinto nalang ako sa pagtakbo ng bigla syang nadapa kitang kita ng dalawa kong mata kung paano sya nadapa kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na tawanan sya ng malakas

"ayan karma mo yan"

matalim ang kanyang mata bago bumangon mula sa pagkakadapa "ikaw ang may kasalan nito"

halos mamatay matay na ako kakatawa bago umupo sa duyan habang sya naman ay seryosong naupo sa upuan kahoy

"maari bang manahimik kana" masungit nyang ani

tinaas ko ang aking kamay na tila sumusuko na "sorry ito na nga tatahimik na"

hindi naman sya kumibo at matiim lang na nakatitig sakin kaya agad kong inayos ang aking sarili at sinalubong ang kanyang malamim na titig. hanggang sa hindi ko namalayan na unti unti ng bumaba ang aking tingin sakanya katawan

wala sa oras akong napalunok ng makita ko ang pagtulo ng tubig sakanyang makisig na katawan tila bumaba pa ang aking tingin banda sa ngitna nya

"itigil mo yan"

"ha?"

"nababasa ko ang iyong nasa isip"

"a-ano bang sinasabi mo"

"sa taglay mong kagandahan palihim mo pala akong pinagnanasahan" nakangisi nyang ani.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon