Chapter 37
pov maliahkinagabihan mabilis akong umuwi at naligo bago nag timpla ng gatas at napagpasyahan pumánta sa puno, gusto kong makapag isip isip nga dahil parang hindi nanaman ako makakatulog
malalim akong napahinga bago naupo sa duyan at tumingin sa buwan, maliwanag ang buwan at puno ng aliyaptap ang taas ng puno kaya masasabi kong hindi madilim ang gabi ngayon
masaya kong dinama ang malamig na simoy ng hangin bago uminom ng gatas. lihim pa akong natawa habang nakatitig sa gatas na ininom ko. ibang iba talaga ang buhay ko noon sa buhay ko ngayon
dati sa gantong gabi nasa maingay na bar ako habang lubog sa alak ngayon napaka tahimik at payapa ng gabi ko habang umiinom ng gatas. mariin akong napapikit ng biglang dumapo saking balat ang malamig na hangin kasabay ng halimuyak ng gardenia
hindi na ako nagulat ng makita ko si aron na nakaupo sa upuan kahoy na malapit lang sakin, malawak akong ngumiti bago sya pinasadahan ng tingin. lihim akong napakat labi ng makitang puting pants nalang ulit ang tanging suot nya
"ako ba ay iyong labis na pinagnanasahan"
mabilis ko naman syang tinaasan ng kilay dahilan para mahina syang natawa "buti pumayag yung papa mo na makipagkita ka sakin"
mabilis akong napanguso ng maisip ang sitwasyon namin ni aron parang sya pa ang babae samin dalawa na meron strict parents, kung sa mga tao dapat lalake ang mag tatanong ng tinanong ko ngunit kabaliktaran naman namin yun ni aron
"sino ba ang nag sabi na ako ay nagpaalam? nakakaloko syang ngumisi "ay ako tumakas lang"
pilya naman akong napangiti "dahil jan may hal^k kang award sakin"
mabilis na kumunot ang kanyang noo dahilan para mahina akong matawa "ano ang lyong sinabi? award"
mabilis akong tumango "oo parangal at ang parangal na yun ay hal^k mula sakin"
nangingiti naman syang humalukipkip "ikaw ay labis na kakaiba dati ang halik ang ninanakaw mo lang mula sakin, ngayon ipinararangal mona sakin"
mabilis naman akong napabusangot "tsk sabihin mo lang kung ayaw mo tse!"
natatawa naman syang umayos ng upo "hindi mo ba alam ang hal^k na yan ay maaari ng makabuo ng isang bata"
malakas naman akong natawa "kiss lang naman yun paano makakabuo ng bata?"
kumislap naman ang kanyang mata dahilan para saglit akong natigilan, nakakaloko syang ngumisi "baka iyong nakakalimutan ako ay hindi tao"
nanlaki naman ang aking mata at wala sa sariling napatingin saking tyan, mabilis akong napatakip ng bibig ng maisip na ilan beses na kaming nag kiss ni aron. posible nga bang may mabuo sa pamamagitan lang ng hal^k
bigla naman akong natauhan ng biglang tumayo si aron habang may nakakakolokong ngiti sa labi "pumasok kana sa iyong silid at ako ay aalis na"
"t-teka!"
mabilis syang naglaho kasabay ng pagwala ng amoy ng gardenia kaya maraming beses akong napamura at inis na napasabunot sa sariling buhok, shit bakit ko nga ba nakalimutan na enkanto nga pala yung crazy man na yun.
kinabukasan wala sa sarili akong napabangon at antok na napahikab. hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni aron. paano nga kung may bata na nga sa tyan ko tapos wala pa akong kamalay malay sh^t naman
mabilis akong tumakbo sa banyo at ginawa ang aking morning routine bago mabilis na pumunta sa cafe. kaylangan kong makausap si aeroz masyadong nakakaloko si crazy man kaya si aeroz nalang muna ang tatanungin ko
pag dating ko sa cafe mabilis akong pumasok sa office ni aeroz hindi naman ako nabigo ng makita ko syang nakaupo habang sumisimsim ng kape
"good morning honey honey"
mabilis akong tumabi sakanya at hinawakan ang kanyang braso "tignan mo ako aeroz dali"
kunot noo naman nyang binitawan ang tasang hawak bago nagtatakang tumingin sakin "ayan natignan na kita"
inis ko naman syang tinignan "anong nakikita mo?" ani ko
pilyo naman syang ngumiti bago nangaakit na binasa ang kanyang labi gamit ang sariling dila "a sexy girl"
mabilis ko naman tinurot ang kanyang tiligiran dahilan para umaaray syang napaiwas sakin "o-ouch maliah f^ck stop!"
inis naman akong napahalukipkip habang sya naman ay hindi maipinta ang mukha habang umaayos ng upo "nag tatanong ka tapos kapag sinagot mananakit"
napairap naman ako sa kawalan "i mean tignan mo kase ako kung may bata ba sa tyan ko!"
umasim naman ang kanyang mukha "baka nakakalimutan mo manager lang ako ng cafe hindi doctor"
naiinis ko naman syang piningot dahilan para mapaimpit sya sa sakit "ouch stop! f^ck mapanakit ka pala!"
nalinis naman akong sumandal sa upuan habang nakahalukipkip "ikaw lang yung makakasagot sa tanong ko tapos wala ka pang kw^nta kausap"
kumunot naman ang kanyang noo "sh"t maliah sakin kaba nakipagtalik para sabihin ako ang makakasagot sa tanong mo"
mabilis naman akong tumingin sakanya "I mean paano ba makakabuo ng bata kapag enkanto yung partner mo?"
mahina naman syang natawa bago pilyo na tumingin sakin "gusto mo gawin natin para malaman mo?"
"aeroz!"
natatawa naman syang nag taas ng dalawang kamay na tila sumusuko na "nakapanaginip kana ba na nakikipag talik ka?"
mabilis akong umiling "so wag ka mag alala walang bata jan sa tyan mo"
"s-sigurado ka?"
walang buhay naman syang huminga ng malalim at bahagyang sumimsim "kapag enkanto ang gagawa ng bata sa tao maaring makakapanaginip lang yung tao ng b^ld ay ganon uri sila makipagtalik aakalain mong panaginip lang pero may nabubuo na pala?"
wala naman sa sarili akong napatango at nakahinga ng maluwag. bw^set na crazy man yun ang sabi nya may mabubuo kapag kiss lang, eh kung lamutakin ko kaya sya ng halik para makita nya yung hinahanap nya!
mabilis naman akong natigilan ng marinig ko si aeroz na mahinang natawa "wag ka mag alala hindi haman basta basta kayo makakabuo ni aron, kaylangan nyo muna ng basbas ni ina"
nakapikit akong napagsak na sumadal ulit sa upuan, sobrang sarap sa pakiramdam kapag nakahinga ng maluwag akala ko ngayon na mangyayare yung kasunduan namin, hindi muna pwede hindi ko pa sya napapakilala kay old man
"hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa lint^k mong kapatid"
malakas naman syang natawa dahilan para mapadilat ako at walang buhay na tumingin sakanya "at talagang natatawa ka pa?"
"I don't believe na may kalokohan din pala ang kapatid ko, buong akala ko seryoso lang sya sa buhay"
walang buhay naman akong napatingin sa kawalan "pero seryoso sobra yung kaba ko. h-hindi pa ako handa sa bagay na yun"
natatawa naman nyang tinapik ang aking balikat "hindi ka pa pala handa maging nanay pero kung makanakaw ka ng mapusok na halik kay aron sobrang wagas"
"wag ka ngang oa hindi naman nakakabuntis yung hal^k"
nakakaloko syang ngumisi "hindi naman pala nakakabuo pero kung makapag overthink ka kanina napaka wagas"
natatawa naman akong tumayo bago pinagpagan ang aking suot "kung sakaling nakakabuo nga ang halik for sure marami ka ng pamangkin"
natatawa naman syang napailing, mabilis akong lumabas sa kanyang opesina at pabagsak na naupo banda sa counter, mabilis na kumunot ang aking noo ng may nag bigay sakin ng ice coffee kaya nag tataka akong napatingin sa nag abot maliit akong napangiti ng si lia yun
"mukha kang balisa kanina ah tuloy tuloy kang pumasok na parang andaming inisip mahina naman akong natawa "akala ko magiging ninang kana"
narinig ko naman ang mahina nyang pagmumura "sh't hindi ba kayo gumamit ng protection ng boypee mo?" hindi makapaniwalang ani ni lia dahilan para mahina akong matawa. oo nga pala hindi nya alam yung tungkol kay aron.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...