#33

36 0 0
                                    

chapter 33
pov maliah

nahihilo akong nag mulat ng mata, mabilis na kumunot ang aking noo ng mapagtantong nasa sarili kong higaan ako kaya mabilis kong inilibot ang aking tingin

bahagya pa akong natigilan ng makita ko si aron na nakaupo malapit sa salamin. matiin syang nakatitig sakin kaya dahan dahan akong bumangon habang hindi pa din inaalis ang tingin sakanya

"anong nangyare?"

"mukhang nanaginip ka kaya kita binabantayan"

"talaga?"

matiim lang syang nakatitig sakin bago tumango kaya saglit akong sumilip sa salamin bago tumayo at nag lakad paatras patungo sa bintana habang hindi pa din inaalis ang tingin sakanya

dahan dahan akong naupo sa bintana dahilan para kumunot ang kanyang noo "ano ba ang iyong ginagawa?"

"panaginip lang ba talaga yun?"

walang pag aalinlangan syang tumango kaya mapait akong napangiti bago humiga sa hangin upang ilaglag ang aking sarili mula sa ika dalawang palapag ng aking bahay

tila nag slow motion ang paligid kaya dahan dahan akong pumikit kasabay ng pagtulo ng aking luha. tuloyan ng umagos ang aking luha ng maramdaman kong may sumalo sakin

dahan dahan kong idinilat ang aking mata at bumungad sakin si aron na seryoso ang mukha kaya mabilis akong bumaba mula sa pagkakabuhat nya at lumuluhang tumingin sakanyang mata

"b-bat kaylangan mong mag sinungaling sakin. kitang kita ko sa salamin na isang bultong itim na nilalang ang reflection"

matiim lang syang nakakatitig sakin dahilan para mas lalo akong maluha at tumingin sa taas banda sa bintana kung saan ako nagpahulog "paano mo maipapaliwag sakin na mabilis kang nakarating dito sa baba para masalo ako?"

"ikaw ba ay natatakot na sakin" basag na ani nya dahilan para mas lalo akong maiyak

ngayon naiintindihan kona ang lahat kung bakit sobrang werdo nya kung bakit kada makikita ko sya may naamoy akong halimuyak ng gandenia at kung bakit bigla bigla nalang sya susulpot

dahil hindi pala sya isang tao, ang nakikitang kong may makisig na katawan at gwapong pagmumukha ay ibang iba sa nakita kong itim na bulto sa salamin kanina. kung ang mukhang nasa harap ko ngayon ay nakakaakit kabaliktaran naman yun ng itim na bulto

kitang kita ko ang dumaan sakit sakanyang mata ng bahagya akong umatras palayo sakanya. hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman kaya halos mapatakip nako sa bibig ng mas lalo pa akong umiyak

"a-aron sabihin mo panaginip lang to. gusto kona magising kase nasasaktan ako dahil nag sinungaling ka"

malungkot naman syang tumitig sakin "ang lahat ng iyong nalaman ay totoo"

tila nawalan nako ng lakas dahil sakanyang sinabi kaya bigla nalang ako napasalampak sa lupa at mas lalong naiyak hindi ko lubos na maisip na ang mapaparamdam pala sakin ng pag mamamahal ang hindi isang tunay na tao

"a-anong klaseng nilalang ka?"

"isa akong enkanto, hindi ko naman gustong maglihim sayo ngunit ako ay lubos na natakot sa isipin na tatakbuhan mo ako palayo kapag nalaman mo ang lahat"

nanatili naman akong tahimik habang lumuluha. dahan dahan syang lumapit sakin bago lumuhod upanh patayan ako. mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pagdaan ng hangin na parang hinawi ang aking buhok

"malinaw naman sakin na ikaw ay mananatiling bihag ko dahil iyon ang kapalit sa iyong utang na hiling. ngunit ayokong makita na tumatakbo ka upang ako ay layuan"

nagugulohan naman akong napatigil sa pag iyak "a-anong ibig mong sabihin? a- anong utang na hiling"

malalim syang huminga bago tumingin sakin mata at may mahinang binulong kasabay ng pagsakit ng aking ulo kaya malakas akong napasigaw at napasabunot sa sariling buhok

tila naramdaman ko ang pulang likido na tumulo saking mukha dahilan para mas lalo akong mapasigaw sa sakit. mariin akong napapikit kasabay ng pagtulo ng aking luha

"KUNG SINO MAN ANG NAKAKARINIG SAKIN TULONGAN MO AKO"

"PLEASE HELP ME "

"ANG IYONG HILING AY AKING TUTUPARIN"

kitang kita ko ang aking sarili na nawalan ng malay habang punong puno ng pulang likido ang aking mukha. nakita ko din matiim muna akong tinitigan ng aron bago sya nag salita

"ngunit ang kabayaran sa iyong hiling. ikaw ay mananatiling bihag ko at ikaw din ang mag bibigay sakin ng anak ngunit kapag ikaw ay tumanggi sa kabayaran makakatulog ka ng mahabang panahon at unti unti akong makakalimutan"

ani ni aron bago hinawakan ang aking noo kung saan may malaking sugat dahilan ng pag tagas ng mga pulang likido, dahan dahan gumaling ang sugat saking noo at sa isang iglap nakarating agad ako sa bahay ni lola.

lumakas ang aking pag iyak na mawala na sakit ng aking ulo. kaya pala nung magising ako nung unang araw ko dito ay wala akong maalala dahil muntik na akong mamatay ngunit tinulongan lang ako ni aron

"pakiusap tumigil kana sa iyong pagluha ako ay lubos na nasasaktan na makita kang ganyan"

patuloy pa din ang aking pag iyak at umiling. hindi ko mapigilan umiyak dahil sa nalaman ko bakit ako sobrang nasasaktan ng ganito bakit parang mas masakit tong nararamdaman ko kaysa sa mga nangyare sakin sa manila

"m-mamatay ba ako kapag hindi ako pumayag na maging bihag mo?"

mabilis syang umiling "ikaw ay makakatulog lang ng mahabang panahon at sa iyong pag gising ako ay iyo ng nakalimutan"

"bakit sakin ka humiling ng anak kung meron ka naman daisy nung panahon na yun"

"dahil ako ay lubos na nasabik na makasama ka"

mapait akong natawa "nasabik na masakam ako? kaya sinamantala mo yung pagkakataon na yun para lang sa kagustohan mo?"

mapait akong natawa bago sya pinaghahampas sakanyang dibdib "hindi pipilitin? eh wala din naman akong choice kapag tumanggi ako para na din ako namatay dahil makakatulog ako sa mahabang panahon naisip mo ba yun ha!"

"sa kabila ng lahat hindi mo ba ako gustong makasama?"

mabilis naman akong nag iwas ng tingin. hindi naman yun ang ibig kong sabihin masyado lang akong nabigla sa mga nalaman ko hindi lubos na maisip na totoo pala ang bagay na ganto

akala ko dati gawa gawa lang kwentong enkanto pero ngayon nasa harap kona mismo ang malala ayun pa ang lalaking naging mahalaga na sakin at halos ayokong mawala

maaari bang magkatuloyan ang isang tunay na tao at ang isang nagpapagap lang na tao? magiging maayos ba kami kung mananatili nga ako sakanya. naluluha akong tumungin sakanya

tila naputol ang aking dila dahil sa hindi makapag salita tanging pag iyak nalang siguro ang magagawa ko dahil sa hinang hina ako sa mga nangyayare

"wag kang mag alala ikaw ay akin hindi pipilitin"

"a-anong ibig mong sabihin?"

"ang ating kasunduan ay aking lulumutin. at kung iyong gusgutohin ako ay iyo ng nakakalimutan"

malalim syang huminga bago tumayo, kaya mabilis akong tumingala upang makita ang kanyang mukha "ako ay labis na natuwa dahil hindi mo ako tinakbuhan sa kabila ng iyonh nalaman" maliit syang ngumiti sakin bago tumingin ng diretsyo saking mata "wag kang mag alala ako ay hindi na muling magpapakita sayo"

tila sinaksak ng milyong milyon karayom ang aking puso dahil sa sinabi nya. nasasakyan syang ngumiti sakin bago tumalikod upang umalis ngunit mabilis akong tumayo at hinawakan ang kanyang kamay

"pakiusap ako ay iyo ng bitawan upang ako ay hindi na mahirapan"

mas humigpit ang aking hawak at nanghihinang napaupo habang patuloy pa din ang pag agos ng aking luha "a-aron... w-wag mo akong iwan mas lalo akong masasaktan kapag ginawa mo yun"

dahan dahan naman syang naupo upang pantayan ako "ang iyong kagustohan ang aking susundunin" ani nya dahilan para makahinga ako ng maluwag. at sa pagkakataon na ito mabilis ko ulit syang ninakawan ng halik sa labi kasabay ng pagtulo ng aking luha.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon