chapter 29
maliah povMalawak ang aking ngiti habang nagpupunas sa counter at mahinang kumakanta, hindi mawala saking tipan ang nagyare kagabi pakiramdam ko para akong kumulatio sa sobrang saya
"naks parang goodmood tayo ah"
umakto naman akong nag dalagang pilipina face dahilan para sabay kaming matawa "sempre ikaw ba naman isayaw ng isang aron eh... napapa yes daddy ako agad
malakas naman na natawa si lia at bahagya pa akong hinampas sa balikat "nako ma'am anong klaseng yes daddy ba yan? baka bukas ninang na ako ah"
natatawa naman akong napailing "hoy wag ka jan kiss pa nga lang yung nayayare sh emz
napatili naman si lia na parang kinilig "sana maranasan ko din yan"
sabay kaming natawa, sobrang nakakataba pala sa puso na magkaroon ng kaybigan na makakasundo mo sa lahat, ito yung bagay na hindi ko naranasan sa manila kaya hinding hindi ko pagsisisihan na nakilala ko si lia
nangingiti namin ipinagpatuloy ang aming ginagawa ngunit mabilis akong natigilan ng maamoy ko ang mabagong halimuyak ng gardenia, nanlalaki ang aking mata ng makita ko si crazy man na pumasok sa cafe
naka suot sya ng itim na pants at itim na fitted shirt dahilan para bumakat ang kanyang makisig na katawan, palihim naman akong napangiti ng makitang may suot na syang itim na sapatos
"ayos ah... may suot kanang sapin sa paa"
malawak ang kanyang ngiti habang matiim na nakakatitig sakin "nagustohan mo ba ang aking kabuoan?"
nangingiti naman akong tumango sakanya bago kumapit sakanyang kaliwang braso "lia pwede mo ba kaming hatiran ng ice coffee at cake sa table 9"
nakangiti naman nag thumbs up si lila kaya matamis akong napangiti bago kami nag tungo ni aron sa table 9
"bakit ka pala nagawi dito?"
"pumayag ang aking ama na ako ay gumala"
"ha? ano ka bata kaylangan pang mag paalam?" natatawang ani ko ngunit agad akong napahinto ng mahuling titig na titig sya sakin habang nakangiti
"bakit ba ganyan ka makatitig"
"labis lang akong humahanga saiyong ganda"
napairap naman ako sa kawalan "so bakit nga kaylangan mo pang magpaalam sa papa mo"
"dahil marami akong tungkulin na dapat unahin, ayokong mabigo ang aking ama kaya may mga pagkakataon na kahit sabik akong makita ka wala naman akong magawa"
napatango tango naman ako, hindi ko pa nakikita ang papa ni aron ngunit parang nahuhulaan kona agad na istrikto ang kanyang ama "eh yung mama mo?"
"mas gusto ng aking ina na makipag kita ako sayo ngunit ang ama ko lang talaga ang problema
nanlaki ang aking mata "sh"t kilala ba ako ng mama mo?"
"bakit parang ikaw ay gulat na gulat?"
mabilis akong nag iwas ng tingin bago napapahiyang huminga ng malalim "ano bang lagay ko sa mama mo okay lang ba hindi ba sya galit?"
mabilis na kumunot ang kanyang noo "bakit naman maghihinagpis ang aking ina?"
mabilis akong napanguso "eh kase... hindi natuloy yung kasal nyo ni daisy tapos may maliah kana agad"
"hindi ba dapat ko pang ipagmalaki na ako ay merong ikaw?"
nag iinit ang aking pisnge na hinampas sya sa balikat "ayan ka nanaman eh alam na alam mo pano ako kunin"
mabilis naman syang natawa ngunit agad din natigilan ng bahagyang tumikhim si lia at isa isang inilapag ang ice coffee with cake "ang tamis naman pala here"
mahina naman akong natawa. nakita ko pa ang nakakalokong ngiti ni lia bago
bumalik si counter "oh ito tikman mo" ani ko sabay abot ng cake
mabilis nya naman tinikman yun "masarap ang bagay na ito"
mahina naman akong natawa bago sumipsip ng ice coffee at sa kalagitnaan ng aming pagkain bigla syang nagsalita "maya maya ako pala ay aalis na"
malungkot akong napatingin sakanya. hindi ko mawari ngunit parang ayaw ko syang umalis hindi ko maintindihan pero gusto ko nasa tabi ko lang sya "uuwi kana ba sainyo?"
mabilis syang umiling "dadalaw muna ako saking ina"
"wala ba sya sainyo?"
"minsan lang sya pumunta samin dahil may inaalagaan syang isang napakagandang babae"
mabilis na nagsalubong ang aking kilay "ah.. maganda" mabilis kong kinuha ang tinidor bago galit na itinusok yun sa cake "sa sunod ikaw ang tutusukin ko kapag nakagandahan kapa sa iba"
nakakaloko naman syang tumawa kaya inis ko syang binalingan ng tingin ngunit imbes matakot mas lalo pa syang natawa dahilan para inis akong mapahalukipkip
"ow may nakaramdam ng selos huh?"
mabilis kaming napalingon ni aron kay aeroz bumungad samin ang asroz na may nakakalokong ngiti bago pumito at taas noong lumakad palapit samin bago naupo sa harap ni aron
"sweet lover huh" ani nya na may pang aasar na tono
ngumiti ako ng nakakaloko "bakit naiinggit ka?"
"ah hindi ako"
"ows?"
"gusto ko kung gaano kataas ang confident mo na ipagmalaki si aron" ngumisi sya bago tumingin kay aron na ngayon ay seryoso na ang awra "pero maipagmamalaki mo pa kaya sya kapag nalaman mo ang totoo?"
"aeroz" matigas na ani ni aron dahilan para natatawang napailing si aeroz
"chill my man"
natahimik naman ako, hindi ko alam ngunit pakiramdam ko may pinupunto si aeroz yun, dahil ba yun sa kasal nila daisy pero sabi sakin ni aron hindi na tuloy yun
"hindi tungkol sa kasal ang sinasabi ko, sa kung ano kami ani ni aeroz sabay kindat bago umalis
nagtataka naman akong napatingin kay aron na ngayon ay halos manggalaiti na sa galit kitang kitang ko kung paano nya maiyukom ang kanyang kamay kay marahan kong hinawakan yun
nakita ko pang natigilan sya ngunit sinuklian ko lang sya ng matamis na ngiti bago marahan na hinimas ang kanyang kamay "hayaan na natin sya masyado lang syang mapagasar
sumeryoso ang kanyang mukha bago umayos ng upo at bahagyang hinimas ang aking mahabang itim na itim na buhok "sa oras na malaman mo ang katotohanan hinihiling ko na sana wag mo akong takbuhan"
"bat naman kita tatakbuhan ano ka multo?" pagbibiro ko ngunit agad din natigilan ng makitang nag iwas sya ng tingin
malalim akong napahinga bago hinawakan ang kanyang kamay "wag ka mag isip ng kung ano, hindi kita pipilitin na sabihin sakin kung ano ang pinupunto ni aeroz. basta hindi yan tungkol sa babae asahan mong hindi kita tatakbuhan"
mabilis na nag iba ang kanyang awra ang kaninang seryoso ngayon ay malawak ng nakangiti "talaga?" paninigurado nya kaya nanatawang akong tumango
"oo nga paulit ulit eh"
"salamat sa iyong pagtitiwala"
masaya naman akong yumakap sakanya tila nakaramdam naman ako ng libo libong paro paro saking tyan ng maramdaman ko ang mainit nyang labi sakin noo kaya malawak ang aking ngiti na napatingin sa labas ng cafe
ngunit mabilis akong natigilan at nawala ang aking ngiti ng makita ko si daisy mula
sa labas ng kanyang plant shop, naka tingin sya samin na tila nasasaktan sa nakikita.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...