#19

21 0 0
                                    

Chapter 19
pov maliah

simula ng matapos ang naging usapan namin ni liam hindi na mawala sa isip ko kung sinong aron ba ang tinutukoy nya hindi kaya si crazy man yun o nagkataon lang na kapangalan nya?

mariin akong napapikit at napasabunot sa sariling buhok ng maalala ko ang naging usapan namin ni crazy man nun. malinaw pa sa isipan ko ang sinabi nya na may inasikaso syang babae na ipinagkasundo sakanya para makaisang dibdib

ang sinabi nya at sinabi ni liam ay tumutugma kaya hindi ko maiwasan mag isip ng kung ano ano. hindi ko alam kung ano ba dapat ang maratamdaman ko

kung sakali na ikakasal nga sila, bakit nagpupunta pa si crazy man sa bahay bakit umaakto pa sya na parang may kakaiba syang maratamdaman sakin

mahina akong natawa. meron nga ba o sadyang nag aassume lang ako sa mga binibitawan nyang salita sakin? sabagay ano pa nga ba aasahan ko

ayun naman talaga ang ugali ng mga lalaki eh. makikipag entertain sa iba habang may kasintahan pala. inis akong napatawa at bahagya pang napailing bago huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili.

pero hindi sapat to para masaktan ako. kung pagalingan lang pala magpakita ng motibo pwes mali sya ng binangga, pinag iisipan nya palang expert nako

patibayan pala ng sikmura ang gusto mo ha, sige pagbibigyan kita ipapatikim ko sayo kung ano yung lasa ng masamang ugali ng isang maliah

natigilan naman ako sa pag iisip ng biglang mag salita si lia "ang seryoso natin ah"

"Ha?"

mahina syang natawa bago napailing "boys problem?"

pabagsak akong napahinga ng malalim "naiinis ako, I mean oo may bf ako sa manila pero alam nya yung tungkol dun pero bakit hindi nya sinabi sakin na ikakasal pala sya sa iba"

"kaya pala ganyan awra mo eh mukhang may malala kang nalaman"

napanguso ako ng wala sa oras "sino ba naman kaseng hindi maiinis ninakawan ko ng halik yung taong may kasintahan pala"

nanlalaki naman ang kanyang mata na napatitig sakin "omg payag ka nun yung ganda mo ginawang pang third party"

"at sino naman baliw ang papayag sa ganon?"

nakakaloko naman syang natawa bago ako pabirong hinampas sa balikat "so ngayon nalaman mona ang lahat anong balak mo? saka ikaw na din nagsabi eh may bf ka sa manila"

"I don't know, hindi ko alam gagawin ko"

mahina syang natawa "realtalk to ha isasampal ko sayo yung katotohanan, babae ka din dapat alam mo yung salitang girl code, kase once na ikaw yung nasa sitwasyon ng girl kakayanin mo kaya? kakayanin ba ng konsensya mo na manakit ka ng babae para lang sa isang lalake?"

naitikom ko ang aking bibig na tila naubusan ng sasanihin tama naman si lia eh kung ako ang nasa sitwasyon ni daisy panigiradong babaha ng luha

naramdaman ko naman ang pagtapik nya sa balikat ko "tara na kumain hayaan mona yung lalakeng yun"

mahina akong natawa bago tumango sakanya at hinila sya palabas ngunit hindi pa kami tuloyan nakakalabas ng biglang humarang si aeroz dahilan para mapairap ako sa kawalan

"iiwan nyo nanaman ba ako"

malakas ko syang tinulak "gantong badmood ako wag mokong sinusubukan"

inis kong hinila si lia patungo kala nay tessa at ng tuloyan na kaming makadating mabilis kaming humanap ng bakanteng upuan at doon naupo

"nay tessa dalawa pong bahog at softdrink!" malakas na ani ni lia

maya maya pa ay dumating na ang aming order at masayang tumabi sakin si nay tessa kaya napapahiya akong ngumiti

"mukhang problemado ka ah"

mabilis akong napanguso "boys problem lang po"

"nahulaan ko ang iyong problema gusto mo ba ng payo?"

saglit pa kaming nagkatiningan ni lia kaya napapahiya akong ngumiti bago dahan dahan na tumango "need ko po ng payo ng isang kunwareng magulang"

mahina naman syang natawa bago hinimas ang aking ulo "kung ano ang makakapagsaya sa puso mo sundin mo, pero minsan isipin mo rin yung taong nakapalibot sayo kung dapat na bang itigil o ilaban"

napanguso naman ako "eh nahihirapan po ako"

"nakikita kong sayo sya interesado dahil hindi naman nila mahal ang isat isa"

wala sa sarili akong natawa "mag sama nalang silang dalawa"

"ang iyong binitawan na salita ay iyong rin kakainin" seryosong ani nya bago umalis

nagkibit balikat nalang ako bago pinaglatuloy kumain. ng matapos kami ay mabilis din kaming bumalik sa cafe ngunit agad na kumunot ang aking noo ng makitang wala si aeroz

inis kong sinipa ang pinto ng office nya ngunit mas kumunot ang aking noo ng makitang wala din sya kaya galit akong lumabas at lumapit kay lia

"gag* talaga yung manager mo iniwan yung cafe na walang katao tao"

mahina naman syang natawa habang busy sa pagtitimpla "baka naman may emergency lang kaya ganon"

"gano ba kalala yung emergency nya para iwan tong cafe kaya siguy nalulugi tong cafe masyado kase syang pabaya"

nagkibit balikat lang sya kaya napairap nalang ako sa kawalan bago tumulong sa pag asikaso, ng matapos ay agad ko naisip na bigyan si daisy ng cake upang kahit papano ay mabawasan ang guilty na naramdaman ko

nakangiti akong kumuha ng isang slice ng cake with coffee ice at nagmadaling pumunta sa plant shop, akmang papasok na ako ngunit agad akong natigilan ng makita kong masyang nag uusap si aeroz at daisy

hindi ko alam ngunit agad kong naisipan na magtago sa isang sulok at sapat na yun upang hindi ako makita. agad na namilog ang aking mata sa gulat ng makita kong masayang hinawi ni aeroz ang buhok ni daisy bago ito hinalikan sa labi.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon