EPILOGUE

78 4 4
                                    

epilogue
aron pov

walang buhay akong nakatingin sa malawak na kalangitan ng bigla ko nalang naramdaman ang paglitaw ng aking ina mula saking likuran dahilan para huminga ako ng malalim

"mukhang may nais kang ipagawa sakin, aking ina? ngunit pasensya na dahil wala akong panahon upang ikaw ay sundin"

ramdam ko ang halo halong emosyon na kanyang nararamdaman ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. akmang aalis na ako ngunit mabilis nya akong hinawakang saking braso habang may nangungusap na tingin

"aking anak pakiusap tulongan mo ako may malungkot na nangyare sa apo ng aking kaibigan"

walang emosyon lang akong nakatingin saking ina bago walang buhay na iwinaksi ang kanyang kamay "pasensya na ina ngunit wala akong balak tulongan ang tao dahil masyado ko sila kinamumuhian, tao ang dahilan kung bakit nagtaksil ka saking ama kaya wag ka ng mag atumbiling tutulongan ko ang isang musmus na tao"

"kung iyan ang nais mo wala akong magagawa. ngunit kapag sya ay napahawak wag ka ng umasa na ako ay iyo pang makikita"

mahigpit kong naiyukom ang aking kamay bago tumingin saking ina "ano ba ang nais mong gawin ko?"

masaya nya naman akong niyakap bago sinapo ang aking pisnge "nais kung pumunta ka sa lupa bantayan mo si maliah at siguradohin mong ligtas sya hanggang sa makuha na sya ng kanyang ama"

"madali lang ang iyong nais ina ngunit bakit kaylangan ako pa ang gumawa?"

"itatakas ko ang ina nya"

walang buhay akong tumango bago nagpunta sa lupa. agad bumungad sakin ang batang malakas ang iyak habang hawak hawak sya ng isang babae sa panga"

"tinakas na ng asawa ko kapatid mo kaya dapat mamatay kana! kasalan ng mama mo ang lahat kung bakit ako nagkakaganito"

walang buhay lang akong pinagmamasdan sila hanggang sa akmang sasaksakin nya na ang bata ngunit agad ko syang pinigilan gamit ang mahika

nanatili lang syang hindi gumagalaw kaya mabilis akong lumapit sa bata at lumuhod upang pantayan sya ngunit sa hindi malaman na kadahilanan bigla nalang akong natulala sa kanyang maamo at magandang mukha

maingat kong hinawi ang kanyang buhok bago marahan na pinunasan ang kanyang luha "ang iyong angkin na kagandahan ay galing lamang sa isang mahika kaya hindi mo ako malilinlang. ang pagtulong ko sayo ay hindi libre ang iyong kabayaran ay mababayaran mo lamang kapag ikaw ay may muwang na nais kong ikaw ay bumalik sa tamang panahon"

inosente lang syang nakatitig sakin kaya walang buhay akong tumayo at humarap sa babae bago bumulong "sya ay iyong dahil sa kanyang ama at wag na wag mo syang naisin na saktan"

walang sa sarili lang syang tumango bago binuhat ang bata na nagngangalan maliah. nanatili lang akong nakatingin sakanila habang sila ay lumalakad na palayo saakin.

lumipas ang mahabang taon ngunit hindi parin matanggal saking isipan ang isang musmus na bata iyon

walang buhay akong huminga bago nagtungo sa lupa. tamad akong naupo sa gilid ng mataas na puno at pasimpleng naupo bago ipinikit ang aking mga mata

ngunit agad akong natigilan nang nakarinig ako ng isang babaeng nananalangin "pakiusap kung sino man ang nakakarinig sakin tulongan mo ako"

umiling ako habang nanatili parin nakapikit ang aking mata. sinabi kona sakinh sarili na isang tao lang aking tutulongan at yun ang batang tulongan ko nun

"please help me"

galit akong nagtungo sa babaeng yun at bumungad sakin ang babaeng halos mapuno na ng pulang d*go ang kanyang mukha

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon