#45

124 3 2
                                    

chapter 45
maliah pov

hanggang sa makapag pasok ako saking silid hindi pa din mawala saking isipan ang nakita kong naka ukit sa puno

tila nakaramdam ako ng kirot sakin puso dahil sa mga pumasok sakin isipan simula ng makita ko ang pangalan ni nay tessa at lola na nakaukit sa puno

hindi alam ngunit tama ba ang iniisip ko ang diwatang kweneto sakin ni nay tessa ay ang sarili nya ang kaybigan naman ng ditawa ay ang lola ko

kung tama nga yun ang tunay kong ina ang niregalohan ni nay tessa ng kagandahan at ang kapatid ng ama ko ang babaeng labis na nakaramdam ng matinding pagkainggit sakin tunay na ina

mariin akonh napasabunot sa sarili buhok bago nagpakawala ng malalim na hininga. kaya ba ayaw nila akong mapunta dito dahil may malaking sekreto tinatago ang pamilya namin

ngunit mabilis akong napailing mali siguro ang iniisip ko wala naman akong kapatid base sa kwento ni nay tessa dalawa ang anak nun

hindi ako makapaniwalang napanganga upang magpakawala ulit ng marahas na hinga. si janah. hindi to maaari kapatid ko si janah

wala sa sarili akong napatakip saking bibig habang pinipigilan wag tumulo ang aking luha pakiramdam ko parang tinusok ng milyon milyon patalim ang aking puso

pasimple kong sinapo ang aking dibdib ngayon malinaw na sakin kung bakit ganon nalang ang babala sakin ni janah nung naisipan kong pumunta dito

mabilis kong inayos ang aking sarili ng maamoy ko ang halimuwak ng mabagong bulaklak ng gardenia bago pasimpleng naupo saking sariling kama

naramdam ko naman ang kanyabg presensya banda sa bintana dahilan para umiwis ang ng tingin at nanatiling nahimik

"nababatid kong ikaw may mabigat na dinadala maaari mo bang ibahagi yan sakin?"

lihim naman akong napakagat sa sariling labi bago pasimpleng suminghot. pakiramdam ko sobrang pula na ng aking ilong

nahihiya akong napayuko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri na nakapatong lang saking mga hita

"g-gusto ko ng magpahinga"

ilan segundo kaming nilamon ng katahimingan bago sya lumapit sakin at pasimpleng lumuhod upang pantayan ako

nagtataka naman akong nag angat ng tingin ngunit ganon nalang ang pag kailang na naramdaman ko nang makitang matiim syang nakatitig saking mukha

"b-bat ganyan ka makatingin?"

"maari bang buong puso mo ulit ipagloob ang iyong sarili sakin?"

nanlalaki naman ang aking matang napatitig sakanya pasimple pa akong kumurap kurap upang suriin kong nagbibiro lang ba sya ngunit kitang kita ko sa mukha nya na hindi sya nag bibiro sa mga oras nato

mahina syang humalakhak bago ako hinalikan sakin noo dahilan upang ako ay panlamigan at nakaramdam ng matinding kiliti saking buong katawan lalo na saking tyan

"ang aking sinabi ay aking uulitin. maaari bang buong puso mo ulit ipagloob ang iyong sarili sakin?" nang aakit na ani nya

lihim naman akong nalunok habang nakatitig sakanya at wala sa sariling tumango dahilan para satisfied syang ngumisi. at sa hindi malaman na dahilan bigla nalang akong nawalan ng malay.

sapo sapo ko ang aking ulo habang nahihirapan dumilat pasimple akong umunat bago bumangon habang dinama ang sakit ng aking ulo

mabilis akong nagtungo sa banyo at naghilamos bago tumitig sa salamin. ngunit agad akong natigilan ng maamoy ko ang halimuwak ng gardenia

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon