chapter 32
pov maliahhindi ako makapaniwalang nag iwas ng tingin kay aron. tama ba ang narinig ko pagnanasa? ibig bang sabihin nun may nag nanasa sakin kanina? mahina naman akong natawa bago napailing
normal lang naman maka amoy ng bulaklak pero bat ko ba binibigyan ng meaning porke nalaman ko lang kung ano ibig sabihin. ibinalik ko ang aking tingin kay aron at nahuli ko naman syang matiin pa din na nakatitig sakin
"tila ikaw ay hindi makapag salita dahil sa iyong nalaman?"
maliit akong ngumiti "tingin mo ba may nagnanasa sakin kanina dito habang hubad ako na naliligo?"
"ang kasagutan ay alam mona ngunit hindi mo lang pinapaniwalaan"
malalim akong huminga "balik na lang tayo sa usapan natin kanina saan mo ba nalaman?"
"ang alin?"
napapahiya naman akong nag iwas ng tingin "amm... yung ano... yung tungkol sa paghalik ni aeroz"
"ako mismo ang nakakita. hindi na mahalaga kung paano ko nakita ang mahalaga nalaman ko ang kanyang ginawa"
palihim naman akong napangiti ng may maisip akong kapilyahan kaya bahagya muna akong napakagat ng labi bago mas lumapit pa sakanya "diba sabi mo naiinis ka kase ginawa nya yun"
"tama ka"
mas lumawak ang aking lihim na ngiti bago mas lumapit pa sakanya "may alam akong paraan para matanggal yung paghalik nya sakin"
natawa nalang ako saking iniisip ng makita ko kung paano kabilis na kumunot ang kanyang noo. nag tataka syang umayos ng upo bago matiin na tumitig sakin na tila interesado saking sinabi
"maari ko bang malaman kung anong paraan yan"
kagat labi akong napangiti "bakit gagawin mo ba yun kung sakali?"
mabilis naman syang tumango dahilan para mas lumawak ang aking ngiti kaya mabilis akong pumatong sakanya. kitang kita ko pa kung paano sya nagulat saking ginawa ngunit hindi kona yun binigyan ng pansin
"ganto oh" ani ko sabay hawak sa dalawa nyang balikat at hinila yun palapit sakin bago ko sya mapusok na hinalikan sa kanyang mapulang labi
bahagya pa syang natigilan ngunit agad din tinungon ang aking halik kaya nangingiti kong pinutol ang aming mainit na halik "oh diba wala yun dahil labi mona yung- nalasahan ko"
mahina naman syang natawa bago umiling "ikaw ay masyadong nakakabigla"
pilya ko naman kinagat ang aking labi habang may nakakalokong ngiti "sus pano pa kaya kapag higit pa jan yung ginawa ko edi namatay kana sa pagkabigla"
natatawa naman syang napatitig at pasimpleng hinawi ang ilan hibla ng aking buhok "napakaganda at inosente mong tignan ngunit sa likod nun may tinatago ka palang kapilyahan"
"sus kunware ka pa pero nagustohan mo naman" natatawang ani ko sakanya bago sya mahigpit na niyakap.
di nag tagal bumalik na ako sa bahay dahil may pupuntahan pa daw si aron kaya hindi naman na ako nag maktol pa. pagbagsak akong nahiga sa kama at napatulala sa kawalan
ngunit agad din natauhan ng marinig ko ang pag tunog ng aking selpon. tamad akong bumangon at kunuha yun. kumunot ang aking noo ng makitang si janah yun kaya mabilis ko yun sinagot
"buti naisip mo pa akong tawagan?"
"n-ngayon lang ako nagkaroon ng freetime eh. alam mo naman si mommy gusto nya palagi akong nakatutok sa company"
mapait akong napangiti bago napailing "for sure milyon milyon nanaman yung winawaldas ng nanay mong magaling"
"ano pa nga ba aasahan"
nagtataka naman akong napatingin saking selpon ng mababakas sakanya ang boses ang lungkot kaya malalim akong huminga bago ulit ibinalik saking tenga ang selpon
"I know you have a big problem kaya ka tumawag"
"pumunta si mommy sa ibang bansa"
"so dapat maging masaya ka dahil wala na yung nanay mong magaling sa pilipinas diba"
natinig ko naman ang malalim nyang pag buntong hininga "paano ako sasaya kung pumunta lang sya sa ibang bansa para bumili ng mga mamahalin luho"
mahigpit kong naiyukom ang aking kamay "tell me sa naiwan na pera ba ni lola yung winawaldas nya?"
hindi naman nakasagot si janah kaya humigpit ang aking kawak sa selpon "wag mong subukan na mag sinungaling sakin janah kilala mo ako kapag nagalit. kahit nakakabang kapatid pa ang turi ko sayo kanyang kaya ko ipatikim sayo ang hagupit ng paghihirap kaya wag mong subukan mag sinungaling"
"hey maliah chill wala naman akong balak mag sinungaling sayo kaya nga ako tumawag diba"
malalim akong huminga upang kumalma "so anong kaylangan kong gawin para matigil yang nanay mong magaling"
"pakiusapan mo si tito na banded na lahat ng bank account ni mommy"
nakakaloko naman akong tumawa "for sure ikaw naman ang kukulitin ni tita kapag ginawa yun ni old man. handa ka ba dun?"
"alam ko naman na mahina yung loob ko pero sa ngayon gusto ko na din maging gaya mo malakas ang loob kaya handa akong tiisin si mommy para lang magtino sya"
"that's my girl. don't worry tatawag ako agad kay daddy"
"thankyou maliah oh sya bye na may gagawin pa ako ingat ka jan ah iloveyou"
tanging tango nalang ang naging sagot ko na para bang nakikita nya ako. malalim nalang akong napahinga bago tamad na tinawagan si daddy. halos nakatatlong tawag pa ako bago tuloyan sagutin
"gusto mo na bang umuwi dito kaya ka napatawag?"
mahina naman akong natawa "nah, matino naman na ako dito ayoko na ulit maging bad girl"
"hmm... mukhang tama nga yung nasagap kong balita tumino kana daw"
natatawa naman akong napailing "nakakahiya naman kase kung tumatanda akong paurong habang yung nagugustohan ko sobrang goodboy"
"nagugustohan? si mr manager ba yan?"
mabilis naman umasim ang mukha ko "hell no, super badboy nga ng lalaking yun eh nakakabweset sya kung alam nyo lang. anak ako ng owner ng cafe na yun pero halos maging impleyado lang ako"
narinig ko naman ang pagtawa nya kaya napairap nalang ako sa kawalan "pag kakaalam ko badboy yung taste ng anak ko bago nya nakilala sa leo"
"matanda!"
mahina syang natawa kaya inis akong tumayo at sumilip sa bintana "sa totoo lang sobrang weird pero tuwing kasama ko sya dun ko nararamdaman yung tunay na saya"
"mukhang tinamaan ng kupido ang dalaga ko"
"old man!"
mahina ulit syang natawa kaya sumimangot ako "by the way gusto kong banded mo lahat ng bank account ng magaling mong kapatid, please dad"
"gagawin ko yan pero..."
"pero?"
"ipapakilala mo sakin yung lalakeng pumana sa puso mo"
natatawa naman akong napailing bago tumango na parang nakikita nya ako "yeah papakilala ko naman talaga sya basta gawin nyo lang yung tungkol sa bank account"
"noted, kaylangan ko ata ihanda ang pinaka mahal na alak kapag pinakilala mo yan sakin"
"hindi sya nag iinom"
"bawal ako tanggihan"
mahina nalang akong natawa bago nag paalam at pinatay ang tawag. nangingiti nkomg kinuha ang suklay at natungo sa salamin, nangingiti akong nagsuklay ngunit agad din natigilan ng makita ko mismo sa salamin ang biglang pagsulpot ni aron sa hangin kasabay ng halimuyak ng gardenia
"h-hindi k-ka tao?" natatakot na ani ko bago mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...