#26

22 0 0
                                    

Chapter 26
pov maliah

Dalawang araw na ang nakalipas simula ang naging usapan namin ni nay tessa, dalawang araw na din hindi nagpapakita sakin si crazy man kaya sa hindi malaman na dahilan dalawang araw na din akong wala sa sarili

hindi ko alam kung bakit ngunit pakiramdam ko sa dalawang araw na lumipas parang may kulang parang hindi buo ang aking araw kapag hindi ko narafamdaman ang kanyang presensya, hindi kaya masyadong syang busy dahil sa darating na bday ng girlfriend nyang si daisy kaya hindi nya magawang magpakita sakin

mabigat ang aking loob na pagsak na nahiga sa kama, bat ba ako nasasaktan sa sarili kong iniisip saka ano pa nga ba aasahan ko mag bibirthday si daisy malamang si daisy ang uunahin nya kaysa sakin

natigilan naman ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang aking selpon kaya tamad kong kinuha yun at mabilis na sinagot "yes?"

"birthday ni daisy bukas may susotin kana ba?"

nanlalaki ang aking mata at mabilis na napabangon "liam? paano mo nakuha yung number ko?"

narinig ko naman ang mahina nyang pag tawa na tila napakasexy pakinggan "pinsan ko lia kaya mabilis ko lang nakuha number mo"

napabusangot naman ako "yung babaeng talaga yun"

"so may susuotin kana ba para bukas?"

pabagsak ulit akong nahiga sa kama at pikit matang ipinatong sa mukha ang isa kong kamay "sure ka bang pupunta tayo? i mean ang akward kaya nun"

"akward ba o ayaw mo lang isampal sayo yung katotohanan?"

"mr handsome!"

natatawa naman syang nagsalita "okay fine kung ayaw mong pumunta dun tara

nalang mag friends date para sa sawing liam"

nangingiti naman akong napakagat sa labi "nah, pupunta tayo sa birthday para masampal ka din sa katotoohanan"

"that's my girl"

mahina naman akong natawa at napalling "so balak mo ba akong samahan para bumili ng masusuot?"

"hmm nabasa ko yung invitation card mala diwata pala yung dating nyo tapos sa mga lalake tuxedo"

"mäla diwata ba naman yung ganda ng mag bibirthday eh"

mahina ulit syang natawa "by the way ako na bahala sa susuotin mo itext mo nalang sakin yung sakto mo address para maipadala kona agad jan"

napabusangot naman ako "tsk bakit hindi mo man lang ako hinayaan mamili ng susuotin ko"

"wag ka mag alala ako na bahala para parehas din tayo ng kulay na susuotin magiging ganap na ganap ako bilang escort mo"

"siguradohin mo lang maganda yan maarte pa naman ako sa mga damit"

"yes ma'am, nga pala pumunta ako sa cafe kanina wala ka"

malalim ako huminga "lately palagi akong wala sa sarili kaya hindi na muna ako pumasok pero baka mamaya pupunta ako nakakabagot din dito sa bahay eh"

"well pag tapos ko mag order ng susuotin natin pupunta ako sa cafe namiss ko yung chocolate coffee"

napangisi naman ako ng wala sa oras "yung kape ba talaga yung namiss mo yung palagi mong pinagmamasdan?"

"shh"

"sige na maliligo na ako"

"see you later"

walang buhay kong pinatay ang tawag si tamad na bumangon malalim pa akong napahinga bago napagpasyahan maligo, pagtapos kong maligo lumabas ako sa bariyo habang nagpupunas sa buhok ngunit agad akong tumigil at pasimpleng sumilip sa bintana

bagsak ang aking balikat ng bigo kong makita ang lalaking inaasahan ko, napailing nalang ako bago nagpagpasyahan bumaba at nagmadaling sumakay saking sasakyan upang mag tungo sa cafe

mahigpit akong napakapit sa manubela, bakit ba umaasa akong magpapakita pa sya sakin eh ako na nga mismo ang tumulak sakanya palayo, malinaw naman sakin na hindi maganda ang huli naman naging usapan ngunit bakit umaasa akong magpapakita pa sya

napailing nalang ako at nagpokus sa pagmamaneho, maya maya pa ay tuloyan na akong nakarating kaya walang gana akong bumaba sa sasakyan ngunit mabilis akong napalingon sa plant shop ni daisy dahil bigla kong naamoy ang halimuyak ng gardenia

tila gusto kong sumilip dun sa isipin na baka andun si aron ngunit mabilis kong iniwas ang aking tingin at lumakad papasok sa cafe, naabutan ko naman si lia at aeroz na masayang nag uusap ngunit mabilis din natigilan ng makita ako

"nako ma'am akala ko ba magpapahinga ka muna?"

nakakaloko akonh ngumiti "yes mag papahinga nga ako kaya mag oorder ako ng ice coffe with one slice chocolate cake and cookies, table 9"

"wow same na kayo ni liam table 9 ang natatipuan" may panlolokong ani ni aeroz kaya masaya akong nag kibit balikat bago lumakad patungo sa table 9

mabilis akong naupo at wala sa sariling napatingin sa labas ng plant shop ni daisy, hindi pa din nawawala ang amoy ng halimuyak ng gardenia kaya hindi ko mapigilan

mag isip na baka andito lang sya

natigilan ako sa pagsasalita ng maramdaman kong may tumabi sakin mabilis kong

nilingon yun at bumungad sakin si liam na may malawak na ngiti sa labi, magsasalita

sana ako ngunit narinig ko ang pag tikhim ni lia at isa isang inilapag ang aking order

bago umalis

"hi my girl"

mahina akonh natawa" hello mr tukmol, kamusta yung susuotin ko?"

bahagya naman syang bumasangot dahilan para matawa akong mahina "baka mamaya nadiliver na yun" ani nya at kumuha ng cookies

pasimple ko naman kinuha ang ice coffee at sumipsip bago nagsalita "can i ask you something?"

"sige lang"

"amm... may naamoy ka bang amoy bulaklak?"

mabilis na kumunot ang kanyang noo bago inilapit ang mukha sakin na syang. ikinailang ko "nananakot ka ba?"

mabilis akong umiling "baliw ka ba anong nakakatakot sa amoy bulaklak?"

"wala naman kase akong naamoy na bulaklak baka nakakaamoy ka ng bulaklak ng patay"

pabiro ko naman syang sinampal sa pisnge dahilan para umakto syang nasasaktan at lumayo ng kaunti sakin habang sapo sapo ang pisnge "awts my handsome face"

"siraulo ka eh, porke may na amoy na bulaklak, bulaklak na agad ng patay" tinuro ko naman ang plant shop ni daisy "look puro halaman dun kaya baka doon galing yung amoy bulaklak ang lakas talaga ng tama mo"

mahina naman syang natawa bago itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko na "chill masyado ka naman nagagalit agad"

"nako wag mo talaga akong sinusubukan baka mabitin kita"

hindi naman na sya umimik pa kaya ipinagpatuloy ko ang aking pag simsim sa ice coffe. tila nilamon na kami ng katahimikan dahil ni isa ay wala ng nagtakang magsalita kaya nagtataka akong napalingon kay liam

mabilis na kumunot ang aking noo ng mahuling nakatitig sya sakin habang may matamis na ngiti, bahagya akong napalunok ng dahan dahan nyang inilapit ang mukha sakin at bahagyang hinawi ang hibla ng aking buhok

"akala ko dati si daisy lang ang may nakakasilaw na kagandahan"

"I-liam" utal na ani ko ng unti unti ng naglalapit ang aming mukha ngunit mabilis akong nagulat ng biglang lumayo si liam at tila wala sa sariling tumayo

"hey liam ayos ka lang ba?"

hindi nya ako binigyan ng pansin bagkus diretsyo ang kanyang tingin bago naglakad palabas ng cafe na parang wala sa sarili, nagtataka naman akong sinundan sya ng tingin ngunit agad din nagilan ng makita ko si crazy man na galit na nakatingin kay liam at bahagya pang tumingin sakin bago ngumisi ng nakakakot.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon