#41

62 3 0
                                    

chapter 41
pov maliah

Pagtapos ng eksena kanina natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakaupo sa table 9 habang nakatulala sa labas ng shop ni daisy, walang buhay akong napadukdok sa mesa ngunit saglit akong natigilan ng maramdaman kong may naupo saking tabi

"sobra mo akong napahanga nagets mo agad ang pinupunto ko kanina"

malalalim naman akong napahinga at walang buhay na bumangon mula sa pagkakadukdok "m-matutuloy ba ang kasal nila?"

narinig ko ang malalim nyang paghinga dahilan para bumagsak ang balikat ko "hindi kona nababasa ang kapalaran dahil masyadong kumplikado"

mabilis na kumunot ang aking noo at nagtatakang tumingin sakanya "paanong kumplikado?"

"hindi ko maipaliwanag basta nararamdaman ko isa isa mong malalaman ang mga pagbabaha ng inyong luha. dumating na ang isa at iyon ang kasal"

inis naman akong napasabunot sa sariling buhok "arghhh aeroz bat ba hindi mo nalang ako pinatay ang sakit sa ulo sa puso sa pagkatao basta sa buong katawan ko tumagos lahat ng sakit"

mahina naman syang natawa bago hinimas ang aking itim na mahabang buhok "kung gusto mo kunin kona yang kaluluwa mo at isama kita sa tirahan namin"

galit ko naman syang binalingan ng tingin "imbes si aron lang ipapaalbularyo pati ikaw madadamay"

natatawa naman syang nag taas ng dalawang kamay na tila sumusuko na "hey wag naman ganyan hindi naman kita binati ah, kapatid lang ako ng bumati sayo labas ako jan"

mahina naman akong natawa "dito ko naramdaman ang magkaroon ng kaybigan na parang isang pamilya na din kaya sobra akong nahihirapan kung sakaling mangyare na ang dapat mangyare"

maingat nya uling hinimas ang aking itim na mahabang buhok "bigyan mo muna ng oras yang sarili mo mukhang makakatulong din naman sayo yung mga malalaman mo"

nagugulohan naman akong napatingin sakanya "anong ibig mong sabihin?"

nakakaloko naman syang ngumisi "matalino ka alam mona ang pinupunto ko basta sa oras na tumulo ang kandila siguradohin mong nangyare na sainyo ang panaginip na nagtatalik"

inis ko naman syang binalingan ng tingin at mabilis na kinurot sa taligiran "ouch! hey stop! I'm just- ouch stop!"

"bwes't ka talaga puro nalang kamanyakan yang nasa utak mo!"

natatawa naman syang tumayo at tinaas ang dalawang kamay na tila suko na sa mga nangyayare "hindi ako nagbibiro para kapag tumapak ka ulit sa cafe itong may pamangkin na ako" ani nya at pasimple pang kumindat bago umalis

malalim nalang akong huminga bago wala sa sariling napatingin sa labas ngunit mabilis akong nagigilan ng makita ko si daisy na nakatingin sakin maliit syang ngumiti bago naglakad papasok sa cafe

pigil ang aking hininga na sinundan sya ng tingin hanggang sa tuloyan na syang malapit sakin pasimple pa syang tumikhim bago naupo saking harap

matamis syang ngumiti. tila medjo gumaan ang aking loob ng muli ko nanaman masilayan ang ngiti nya sa labi. mabilis akong natigilan ng bigla nyang hinawakan ang aking kamay

"salamat maliah"

"h-ha?"

mahina naman syang natawa "bigyan mo ng oras ang iyong sarili. tama si aeroz makakatulong sayo ang mga malalaman mo kahit masakit pa yun"

"p-paano mo-"

"isa akong diwata"

napapahiya naman akong napakagat sa labi, sh*t bakit ko nga ba nakalimutan na diwata pala tong kausap ko at isang enkanto naman ang kausap ko din kanikanina lang

"amm... ah... o-okay lang ba sayo na... amm.. alam mona yung tungkol samin ni aron"

mahina naman syang natawa at pasimpleng hinimas ang aking kamay "ipagpatuloy mo kung ano ang nararamdaman ko at oras na sapat na ang lahat ng nalaman mo dun mona gawin ang dapat gawin"

malungkot naman akong ngumiti "tingin mo kakausapin nya pa kaya ako?"

"katukin mo lang ang puno na laging yung tagpuan at ibulong ang nais mong sabihin sakanya"

mabilis na kumunot ang aking noo ngunit mahina lang syang natawa bago umalis kasabay naman ng pagpunta sakin ni lia habang may hawak na isang baso

"oh uminom kana muna mukhang apaka seryoso ng usapan nyo eh"

mabilis ko naman kinuha yun at uminom "nga pala mauna kana mag lunch may baon ako eh saka tatawag din yung boypee ko"

matamis lang akong ngumiti bago tumayo at naglakad patungo kala nay tessa, at ng tuloyan na akong makarating mabilis na kumunot ang aking noo ng makitang walang customer na kumakain at wala din si nay tessa ngunit bukas naman ang kanyang karenderya

"hindi tessa?"

napakagat labi akong nag tungo sa pinakaloob "nay tessa?"

malalim akong napahinga bago napatingin sa itim na kurtina kung saan nakita ko nun ang babaeng nagliliwanag ang ganda. dahan dahan akong lumapit doon at wala sa sariling hinawi ang kurtina

tulad nung una kong makita ang babae mabilis akong natigilan dahil sa kakaiba nyang ganda nakaupo sya sa kama habang nakatulala sa bintana at dahan dahan lumingon sakin

"h-hi po. amm h-hinahanap ko po si nay tessa nakita nyo po ba?"

deretsyo lang syang nakatingin dahilan para napapahiya akong nag iwas ng tingin "amm.. aalis na po ako"

akmang lalakad na ako paalis ngunit mabilis akong natigilan ng bigla syang nag salita "manatili ka"

tila parang isang musika ang kanyang boses na ang sarap pakinggan. pigil hininga akong lumapit sakanya at naupo sa sahig, dahan dahan nya naman hinawakan ang aking pisnge dahilan para mapapikit ako

"ramdam kong may problema ka biglang nanay mo hinihiling ko na sana sabihin mo sakin ang nais mo-"

mabilis akong napadilat at pinutol ang iba nya pang sasabihin "h-hindi po ako yung anak nyo"

mabilis naman tumulo ang kanyang mga luha dahilan para mataranta ako. shit may nasabi ba akong mali "amm s-sorry po may nasabi ba akong mali"

"pakiusap anak sabihin mo ang nais mo"

napakagat naman ako saking labi bago maingat na hinawakan ang kanyang pisge upang tuyuin ang kanyang mga luha, kaya ba sya laging tulala dahil nawalan sya ng anak at ito ang dahilan kaya nya ako tinatawag na anak

malalim naman akong huminga "a-ano po ba ang sasabihin ko para tumahan kayo?"

mabilis naman syang tumitig sakin mata dahilan para mahiya ako, sh't hindi ako sanay na titigan ako ng gantong kagandang babae para akong natutunaw sa hiya

"marami akong pagkukulang sayo kaya gusto kong ibahagi mo sakin ang nais mo para mabigyan kita ng payong ina para kahit dito maramdam mong may isa kang ina na handang makinig sayo"

malalim naman akong huminga "amm.. ah ano po kase I really love someone pero" huminga ako ng malalim "kung ipagpapatuloy kolang yung nararamdaman ko alam kong ako yung talo"

matamis syang ngumiti bago hinimas ang aking pisnge "hindi naman malaking kabiguan ang pagkatalo. alam mo ba ang tunay na kabigoan? kapag umayaw ka kaagad ng hindi ka pa naman nalilinawan sa lahat"

patuloy pa din nyang hinihimas ang aking pisnge habang matiim na nakatitig sakin

"wag ka tumulad saking kasintahan. mabilis syang umayaw kahit hindi pa malinaw

ang lahat kaya ang sitwasyon namin parehas kaming nag dudusa"

"ibig nyo po bang sabihin ipagpatuloy kolang yung nararamdaman ko kahit-"

"sya ay iyong ng puntahan at ayusin ang dapat ayusin" pagpuputol nya saking iba pang sasabihin

akmang magrereklamo ako ngunit mabilis nyang iniligay ang kang hintuturo saking bibig tanda na pinapatahimik nya ako. malalim nalang akong napahinga bago tumayo, bahala na si batman mag dusa na ang mag dudusa basta makikipag ayos na ako kay aron.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon