Chapter 17
maliah povHindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdam ko dahil sa sinabi ni aron, kaya nanatiling tikom ang aking bibig bago naisipan tumabi sakanya at tumingin din sa ilog.
aaminin ko masyado talaga akong nawewerdohan sa kinikilos nya ngunit hindi ko alam kung bakit gusto kong manatili sa kanyang tabi
halos ilan oras na din ang nakalipas ngunit nanatiling nakatikom ang aking bibig, tanging pag agos lang ng tibig sa ilog ang naririnig kaya dahan dahan akong lumingon sakanya ngunit agad din akong napanguso ng mahuling matiim syang nakatitig sakin
pasimple akong tumikhim "pwede ka naman mag sabi kung ano yung problema mo hindi yung nakatitig kalang sakin, na para bang ako yung sagot sa problema mo"
mahina syang natawa "Ikaw naman talaga ang sagot saking problema"
mabilis na tumaas ang aking kilay at pasimple pang humalukipkip "pano naman nangyare na ako yung sagot jan sa problema mo?"
"manatili kalang sakin wala ng magiging problema"
tila umakyat ang aking dugo sa aking mukha dahilan para mamula ako, kaya agad akong nag iwas ng tingin at umaktong natatawa sa kanyang sinabi "may tinatago ka palang kakornohan jan sa katawan mo"
mahina naman syang natawa bago tumingin sa ilog, kaya bahagya akong napagitig sakanya, kahit saan anggulo sya tignan sobrang perpek nya saking paningin at dahil naka side view sya pumapaibaw sakin paningin ang matangos nyang ilong at makapal na kilay
mariin kong sinuri ang kanyang kabuoan at bahagya akong napangiti ng makitang hindi parin nababago ang kanyang porma, tulad ng inaasahan wala pa rin syang suot na tsenilas
"alam mo ang gwapo mo pero useless din yan kagwapohan mo kung hindi ka marunong mag tsinelas"
ang kanyang ngiti ay napalitan ng seryosong awra "hindi ba sinabi kona sa iyo na hindi namin hilig mag suot ng sapin sa paa"
"ano ka bata? hindi marunong mag suot ng tsinelas" natatawang ani ko ngunit agad din akong natigilan ng makitang ang kanyang ngiti habang nakatitig sakin
"hindi nyo ba nagugustohan kapag hindi naka ayos ang isang lalake?"
"well nakakabawas yan ng pogi points, pero mas hindi nila nagugustohan kapag hindi mabango ang lalake"
"kung ganon ako ay angat sa iyong paningin dahil ramdam kong mabango ako sa iyong pang amoy"
pingil ang aking ngiti at pasimple syang hinampas sa balikat ngunit agad akong natigilan ng makita ko ang mabilis nyang pag iwas na parang parang napaso, kaya nagtataka akong napatingin sakanya
kita ko ang matalim nyang pagtitig sa suot kong purselas, hindi ko alam kung may problema ba sa suot kong purselas o sadyang nag over react lang sya
agad ko syang tinapunan ng masungit na tingin "hindi ko alam kung oa kaba o ano eh, halimbawa hawak mo yung kamay ko habang papunta tayo dito sa ilog"
natigilan naman sya sinabi ko bago nag iwas ng tingin "gusto mo bang maligo?"
"seryoso ka ba nakita mong nakadress ako diba?"
nakakaloko naman syang tumawag bago pumunta sa ilog upang malago, manatili lang akong napatingin sakanya, halos lagpas bewang lang ang lalim ngunit sobrang linaw ng tubig na para pang maaakit kang maligo
ngunit tila hindi lang ako sa tubig na aakit ng makita ko si crazy man na sumisid sa tubig at ng umahon ay pasimple nyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang sariling kamay
wala sa sarili akong napalinok ng malawak syang nakatingin sakin at dahan dahan umahon, hindi nakatas sakin paningin ang pag daan ng tubig sakanyang matipunong katawan kaya nag iinit ang aking pisnge na nag iwas ng tingin sakanya
"nababasa ko ang iyong nasa isip, Ikaw pala ay masyadong mahalay"
nag panggap naman akong naiinis natumingin sakanya "ano nanaman ba yang sinasani mo?"
nakakaloko syang humalakhak bago tuloyan lumapit sakin "kung ako ay isang ordenaryong tao masasabi kong delikado ka"
nag iinit ang aking pisnge na nag iwas ng tingin sakanya "ang k-kapal mo, diko alam yang sinasabi mo"
narinig ko naman ang mahina nyang halakhak dahilan para mas lalong mag init ang aking pisnge "ako ay labis na humahanga sa iyong taglay na kagandahan, ngunit hindi yan sapat upang ako ay iyong pagnasahan"
hindi maipinta ang aking mukha dahil sakanyang sinabi mabilis akong umaktong nasusuka bago sya binalingan ng tingin "assuming ka masyado"
hindi kona sya hinintay mag salita at mabilis na pumunta sa ilog upang maligo wala na akong pake kahit naka bistida pa ako ang bahalaga makaiwas ako lang ako sa topic na yun
narinig ko pa ang nakakaloko nyang halakhak ngunit hindi ko na yun binigyan ng pansin, mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang malamig na tubig na bumalot saking katawan.
halos isang oras din ang tinagal kong maligo kung hindi ko pa napasin na wala si crazy man ay hindi ko pa maiisipan umahon
inilibot ko ang aking tingin ngunit bigo akong makita sya kaya malakas akong sumigaw "crazy man!"
napanguso naman ako ng wala akong natanggap na sagot tila nakaramdam ako ng matinding lungkot sa isipin na iniwan nya ako, at akmang aalis na ako ngunit agad akong napatalon sa gulat ng bigla syang nagsalita saking likuran
"manatili ka muna"
inis akong tumingin sakanya habang nagsasalita "bat kaba nanggugulat-" natigilan ako sa pagsasalita ng makitang may hawak syang isang bulaklak ng gardenia
muli akong natigilan ng matamis syang ngumiti bago mas lumapit sakin at mabilis na hinawi ang aking buhok bago inilagay ang bulaklak saking tenga "alam mo naman ang ibig sabihin nyan diba" malambing na ani nya habang nakatitig saking mga mata
nanatiling tikom ang aking bibig at matapang na sinalubong ang kanyang tingin, ayokong mag assume ngunit sya ba ay may sekretong pag ibig sakin?
dahan dahan bumaba ang aking tingin sakanyang mapupulang labi dahilan para mabilis akong mapalunok
tila naaakit akong halikan sya kaya dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sakanya at ng akmang hahalikan kona sya agad syang napaatras ng mahawakan ko ang kanyang pisnge dahilan para magtaka ako
"ang iyong suot ay may basbas-"
hindi kona sya pinatapos sa iba nya pang sasabihin ng mabilis akong tumingkad at mabilis syang ninakawan ng isang matamis na halik sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...