#30

30 0 0
                                    

chapter 30
pov maliah

hindi din nag tagal si aron dito sa cafe kaya, pagtapos kong makita si daisy nag paalam na din agad sya na pupunta na sya sakanyang ina, kaya hindi naman na ako nag maktol pa

halos isang oras na din ang nakalipas hindi ako mapakali. parang may tumutulak sakin na puntahan si daisy upang humingi ng sorry pero naduduwag ako dahil hindi ko alam kung ano ang mukha ihaharap ko sakanya

Inis akong napasabunot sa sariling buhok bago huminga ng malalim, akmang talakad na ako palabas ngunit agad din natigilan ng bigla nag salita si lia

"kakain kana ba ma'am?"

mabilis akong umiling bago inayos ang aking sarili, siguro mamaya ko nalang kakausapin ko muna si daisy

"amm... i-ikaw ba kakain kana ba?

"oo kanina pa ako nagugutom eh mauna nako ha"

tanging tango lang ang naging sagot ko kaya mabilis syang umalis, pabagsak akong naupo bago kumuha ng libro at nagbasa, tila naging interesado ako saking binabasa dahil tungkol ito sa mga enkanto

nabasa ko sa isang article na kapag ikaw daw nagdasal at kapag hindi mo nabanggit ang salitang pangalan ni cristo o "amen" malaki ang posibilidad na hindi ang diyos ang dinasalan mo

at ang malala kapag tinupad ng kung anong nilalang ang iyong hiling maaring huminge sila ng kapalit dahil lagi nilang pinanghahawakan ang salitang "ang iyong hiling ay hindi libre"

isa din sa mga nabasa ko na kadalasan nilang hininging kapalit ay ang iyong kaluluwa o ang sarili mo mismo para sila ay iyong pakasalan at bigyan ng anak. ngunit may batayan naman ang mga kapalit naka depende nalang daw yun kung malaki o maliit ang iyong hiling

sa gitna ng aking pagbabasa bigla akong natigilan ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong tumayo upang batiin ang customer ngunit tila nanigas ako saking kinakatayuan ng makitang si liam yun habang hawak ang kamay ni daisy

"Good morning Mr handsome g-good morning daisy"

"it's afternoon my girl"

napapahiya naman akong tumawa at pasimpleng tumingin kay daisy ngunit agad din na napaiwas ng tingin ng mahuling walang emosyon syang nakatitig sakin, bahagya akong tumikhim bago ngumiti

"sorry hindi ko namalayan yung oras, by the anong order nyo?"

"two hot chocolate coffee with cookies and... one slice cake"

mabilis nyang inabot sakin ang itim na card kaya mabilis kong kinuha yun at may tinipa "noted mr handsome just wait for a 5minutes" ani ko sabay abot ng kanyang itim na card

nangingiti nya naman kinuha yun bago sila nagtungo sa table na lagi nyang kinukupa, mariin akong napapikit. sh't bakit ngayon pa hindi kona ata kinikeri.

mabilis kong hinanda ang kanilang order at ng matapos ay nagmamadali din akong natungo sakanila bago isa isang inilapag ang kanilang order, pagtapos kong ilapag tuwid akong tumayo bago ngumiti

"That's your order ma'am and sir"

akmang aalis na sana ako para iwasan si dsisy ngunit mabilis na nagsalita si liam tinapik nya ang kanyang upuan na katabi tandang pinapaupo ako, naiiling akong tumingin kay daisy na kaharap nya

wala akong mabasang ekpresyon sakanyang mata kaya mabilis akong nag iwas ng tingin bago huminga ng malalim at walang nagawa kundi umupo sa tabi ni liam. nagulat naman ako ng binigyan ako ni liam ng cookies akmang tatanggi ako ngunit hindi sya nag patinag

"hey bawal tumanggi na alala mo last time nakishare din ako sa cookies mo?"

mahina lang akong natawa bago sumubo ng cookies ngunit parehas kaming natigilan ni liam ng biglang nagsalita si daisy "matamis"

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon