#34

40 0 0
                                    

Chapter 34
pov maliah

maliit akong napangiti at bahagya pang suminghot habang pinagmamadan si aron na abala sa pagbabasa kung ano. nakaupo sya sa pwesto nya kanina na malapit sa salamin kaya hindi nakakatakas saking patingin ang itim nyang bulto mula sa salamin.

ngayon ko lang napasin na bumalik nanaman sa dati ang kanyang suot tanging puting pants nanaman at walang sapin sa paa nahagya akong napakagat sa labi ng makita ang makisig nyang katawan

tumayo ako saking higaan at lumapit sakanya upang tignan ang kanyang binabasa ngunit mabilis na kumunot ang aking noo ng makitang walang sulat ang kanyang binabasa

"ano yan bat walang akong makitang nakasulat?"

maliit naman syang ngumiti habang hindi inaalis ang tingin sa maliit na notebook "tanging mga enkanto lamang ang may kakayahan na mabasa ito"

napabusangot naman ako bago inagaw ang maliit na notebook at inagis yun saking kama. mabilis na kumunot ang kanyang noo ngunit pilya lang akong ngumiti bago kumandong sakanya at mahigpit syang niyakap

"ang aking bihag ba ay nais manlambing?"

mahina naman akong natawa bago tumingin sakanya. pasimpleng akong yumakap sakanyang balikat at agad nya naman hinawakan ang aking dalawang bewang upang suportahan na wag mahulog

"crazy man..." nangangamba akong tumitig sakanyang mata "w-wag mong gagawin yung sinabi mong hindi kana magpapakita sakin ah. para mo akong pinapatay sa sakit eh"

mahina naman syang natawa "ang akala ko ako ay iyong hindi matatanggap kaya ko iyon sinabi"

"n-nung una may pagdududa na ako pero nakakabigla pa din kase totoo yung duda ko"

"ngunit sa kabila ng iyong pagkabigla ako ay iyong natanggap"

nangingiti ko naman syang hinalikan sa labi "alam na alam mo kase kung paano ako kunin eh"

mahina syang natawa bago hinawi ang aking hibla ng buhok at matiim akong tinitigan, halos ilan na minuto na ang nakalipas ngunit wala na ni isa ang nagsalita samin bagkus nanatili lang syang nakatitig sakin

napakagat labi ako bago tumikhim "s-si aeroz bakit mas nakakikisalamuha sya sa mga tao halimbawa ikaw bihira lang?"

"ang kanyang ama ay isang tunay na tao at matagal na din syang nanirahan dito sa lupa habang ako naman ay paminsan lang pumarito"

napatango tango naman ako "kaya pala sinabi ni aeroz na hindi nya alam kung ano sya dahil ang mama nyo ay diwata habang ang papa nya naman ay tao"

"tama nga"

"tapos ikaw tunay na enkanto" mabilis akong nag iwas ng tingin "sa tingin mo ba matatanggap ako ng magulang mo?"

"ang aking ama ay hindi sangayon kaya labis syang nagalit ng malaman nyang hindi tuloy ang aming pagiisang dibdib ni daisy dahil ako ay lihim na umibig sa tao"

"a-ano? i-ibig mo bang sabihin h-hindi din tao si daisy?"

maliit syang ngumiti at tumango "ang kanyang ganda ang nakakasilaw para sa inyong mga tao dahil yun sa kakayahan namin magpaikot" mahina syang natawa "kaya nga labis ang pagkamangha ni liam sakanya hindi ba"

dahan dahan naman akong tumango "kahit din ba si aeroz hindi ganon ang tunay nyang itsura?"

mabilis syang umiling "ang kanyang katawan na kataohan na inyong nakikita ay totoo kaya ang sabi ni ina kung ako ay naging tao hindi malalayo kay aeroz ang magiging itsura ko"

maliit akong napangiti bago tumingin sa salamin upang makita ang bultong nyang itim "pero mas gusto ko kung ano ang tunay na ikaw kaysa sa itsurang sinasabi mo"

"ikaw ba ay hindi natatakot saking kaanyoan?"

malawak ang aking ngiti na tumingin sakanya at hinimas ang kanyang mukha "alam mo kasabihan sa mga tao basta kapag mahal mo hindi na mahalaga ang itsura"

hindi naman na sya nakapag salita at nanatili lang na nakatitig sakin kaya mahina akong natawa "oo nga pala kung hindi tunay na tao si daisy bakit hindi ako nakakaamoy ng bulaklak tuwing nakikita ko sya"

"maaari kalang makaamoy kapag may gusto syang ipatamdam sayo"

mabilis na kumunot ang aking noo. ibig nya bang sabihin kada makikita nya ako lagi nyang nararamdam sakin ang sekretong pag ibig. sh^t parang walang katapusan na sekretong pagibig ata yung nararamdaman sakin ni aron

nag iinit naman ang aking pisnge na nag iwas sakanya ng tingin ngunit mabilis na kumunot ang aking noo ng may bigla akong maalala "the f^ck sinabi mo pala sakin na lily means lust. so dalawang beses ng may nakaramdam sakin ng pagnanasa?"

walang buhay syang tumango dahilan para wala sa sarili akong napanganga. what the f*ck kakaiba din pala ang mga enkanto malalaman mo agad kung sino ang nangmamanyak

"s-sino ba yung naamoy kong lily?"

"si aeroz"

halos manlaki ang aking mata dahil sa nalaman, totoo ba si aeroz yun? napakagat ako saking labi bago huminga ng malalim "p-paano? i mean yung sa ilog maiintindihan ko pa bat nya naramdaman yun dahil nakahubad ako pero sa bahay wala naman akong ginagawa nun ah maayos din ang pananamit ko"

"iyo bang natatandaan ang aking sinabi?"

"ang alin?"

"na kapag ikaw ay nakatambay sa bintana sa madilim na gabi habang nag susuklay ang kahulogan samin nun ay ikaw ay nang aakit"

mabilis naman na kumunot ang aking noo habang natatawa "sh*t para sainyo nangaakit na agad yung ganon?"

walang pag aalinlangan syang tumango "maaari ko bang malaman paano maakit ang mga tao?"

nag iinit ang aking pisnge na napatingin sa makisig nyang katawan. palihim akong napalunok bago ang iwas ng tingin sa makisig nyang katawan at nag paypay gamit ang sariling kamay

my gosh bakit parang biglang uminit ganto ba kalakas yung epekto ng makisig nyang katawan sakin unang tingin palanh ulam na. palihim akong napangiti "bakit gusto mong malaman may balak ka bang akitin?"

mahina syang natawa "kahit wala akong gawin ramdam kong ikaw ay naaakit sakin"

halos mag pigil akong wag ngumiti dahil sa diretsyang sinabi nya, hindi ako aware na may pagka pasmado din pala talaga yung bibig ng lalaking to, malalim nalang akong napahinga bago napanguso

"so bakit mo nga kass gustong malaman"

"nais ko lang malaman"

mahina akong natawa bago tumitig sakanya "karamihan mas naaakit ang mga tao sa katawan"

seryoso naman syang napatango "kung ganon malaki pala ang pinagkaiba ng tao sa enkanto dahil mas nakakaakit samin ang mahabang buhok na itim"

wala sa sarili akong napatingin saking buhok bago palihim na napangiti "so unang tingin mo palang siguro sakin naakit kana agad kaya humiling kana agad ng anak. my gosh masyado ka palang pilyo ha!"

natatawa naman syang napailing "kung ating pagbabasehan ikaw ang mas lamang sa pagiging pilya dahil napakaraming beses mo na akong ninakawan ng halik"

napapahiya naman akong natawa bago sya pabirong hinampas sa braso "wag ka ngang ano jan parang sinasabj mong satin dawala ako ng manyak"

malakas naman syang napahalakhak dahilan para inis akong napanguso bago inihiga ang aking mukha sa makisig nyang katawan "crazy man?"

"hmm?"

naramdaman ko ang paghimas nya saking mahabang buhok kaya mariin akong napapikit habang dinadama ang kanyang kamay na humihimas saking mahabang buhok

"diba sabi mo ako ang magbibigay sayo ng anak?"

naramdam ko ang pagtango nya kaya mahigpit akong napayakap sakanya habang nanatili paring nakapit ang aking mata "so ilan anak ba yung gusto mo?"

"marami ang nais ko"

palihim naman akong napangiti "gaano ma karami?"

"sapat na siguro ang labing dalawa seryosong ani nya dahilan para mapadilat ako sa gulat. sh*t pilyo talaga tong lalaking to.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon