#49

223 9 7
                                    

chapter 49
maliah pov

nanatiling nakapikit ang aking mga mata at tahimik na nakahiga sa hardin habang dinadama ang pagbukang liwayway kasabay ng isa isang paghulog ng mga tuyong dahon

halos dalawang linggo na ang nakalipas mula ng maggising ako ngunit hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon ko

tuwing pagsapit ng gabi malagi ko nalang natatagpuan ang aking sarili na napupuno ng luha sa mga mata ngunit tuwing sasapit naman ang umaga tila nagiging maayos ang lahat bumabalik sa normal na para bang wala akong dinadamang pangungulila.

natigilan ako sa pagiisip at mabilis na kumunot ang aking noo nang bigla nalang akong makaamoy ng hindi familiar na bulaklak ngunit nakakapagtaka lang dahil sobrang lakas ng amoy nito na para bang daig pa ang pabango

daham dahan kong iminulat ang aking mata ngunit agad din napapikit nang bigla nalang akong masilaw sa sinag ng araw. ngunit mabilis akong umupo dahil may nakita akong isang hindi familiar na lalake

walang kibo kong sinuri ang kanyang buong kabuoan ngunit sa hindi malaman na kadahilanan tila nakaramdam ako ng matinding saya dahil nakita ko ang kanyang mukha

kumunot ang aking noo nang mahuli ko syang matikm na nakatitig sakin kaya mabilis akong tumayo bago pasimpleng binagbagan ang aking damit

"sino ka? isa kabang gardenero? pero bakit ngayon lang kita nakita?"

mabilis na tumaas ang aking kilay dahil wala man lang akong natanggap na sagot mula sakanya dahil nanatili lang syang nakatitig sakin.

walang buhay akong huminga ng malalim bago ulit nagsalita "wag moko titigan ng ganyan masyado kang nakakairita para mo akong pinagsasamantalahan sa tingin"

"may nais lang akong ibigay sayo"

saglit akong natigilan ng marinig ko ang boses nya. hindi ko maipaliwanag ngunit bigla nalang pumatak ang aking luha bago dahan dahan tumingin sakanyang mga mata

"s-sino k-ka ba? b-bakit ako naiiyak ng ganto"

lihim naman akong nagulat ng bigla nalang syang lumapit sakin at dahan dahan hinawakan ang aking kamay habang hindi inaalis ang tingin saking mata

mabilis na kumunot ang aking noo ng maramdaman kong may inilagay sya saking kamay kaya dahan dahan kong binaba ang aking tingin upang tignan yun

ngunit mabilis na kumunot ang aking noo nang makitang isang nabubulok na yun ng isang klaseng halaman

"ang ngalan nyan ay gardenia. kinuha ko yan sa isang babaeng nais ko dahil gusto kong mabuhay ito mula saking pag aalaga. ngunit malaking kabiguan dahil hindi nabuhay ang sekretong pag ibig na yan"

"b-bakit mo naman sinasabi sakin yan s-saka bakit mo naman ibibigay to"

"dahil nais kong ikaw naman ang humawak nyan o mag alaga dahil baka sakaling mabuhay pa ang kahulogan ng halaman na yan"

"p-pero-"

napatigil nalang akong sa pagsasalita at hibdi makagalaw saking kinakatayuan ng bigla nya nalang akong yakapin at mabilis na hinalikan ang aking noo

"maliah!"

mabilis akong tumingon napalingon sa tumawag sakin at ganon nalang ang pagkunot ng aking noo ng makitang si janah yun at nagmamadaling lumapit sakin

"ano ka ba kanina pa kita hinahanap"

"ahh kase-"

"halika na anjan na yung mga gamit ko nung naaksedente ka"

"teka lang may kinakausap pako-"

napatigil ako sa pagsasalita ng makitang wala na ang lalaki dahilan para kumunot ang aking noo. mabilis kong inilibot ang aking tingin ngunit bigo akong makita sya.

"nasan na sya"

"huh sino?"

"yung lalake may kausap akong lalake dito kanina eh bago mo ako tagawin"

hindi nakawala saking patingin kung paano kumunot ang kangyang noo sa pagtataka kaya malalim nalang akong huminga

"bakit ba kase bigla bigla mo nalang akong tatawagin"

"anjan na nga yung maleta mo sabi ni tito ayusin mo na daw yun tapos mag ayos ka kase dadating sila mommy may family lunch tayo kasama din si leo at family nya"

malalim ulit akong huminga bago humalukipkip "tingin mo ba tinitake-advantage ni leo yung lagay ko para maging maayos ulit kami?"

"bakit mo naman na tanong yan?"

mapait akong napasinghal bago lumakad papasok sa bahay "i heard balak ng mga magulang nya na ipakasal kami para mas lalong lumakas yung company nila at malaki rin ang maitutulong nun sa company natin kaya sure akong papayag agad si daddy"

"well... diba ayun din ang gusto mo dati"

malalim naman akong huminga bago tumango "yeah. pero simula ng malaman kong may ibang babae hindi na yun sapat sakin para ituloy ang gagustohan kong maipakasal sakanya"

mahina naman syang natawa " one mistake changed everything huh"

"i think so. saka mas gugustohin ko nalang mabaliw sa panaginip ko kaysa magpakasal sakanya. hindi porke naaksedente ako makakalimutan kona lahat ng ginawa nya"

mahina naman syang natawa bago umiling uling "all I can say is to fix yourself because maybe mommy will come later"

lihim nalang akong napairap bago nagmadaling pumunta saking kwarto. kailangan kong mag ayos ngayon dahil ramdam kong may hindi mangyayare

sa sitwasyon palang namin ng mama ni janah panigiradong malalang sagutan nanaman ang mangyayare. mukhang hindi na talaga huhupa ang galit na nararamdam sakin

malalim nalang akong huminga nang tuloyan na akong makapasok sa kwarto ngunit imbes mag ayos. mabilis akong pumunta saking bedtable at kinuha ang vase bago maingat na inilagay dun ang tuyong halaman.

mag mumukha na siguro akong sirauli dahil tila umaasa akong mabubuhay pa ang halaman na ito kahit halata naman na wala na talagang pag-asa

kahit ang bulaklak ng halaman na ito ay talagang nabubulok kaya hindi ko alam kung bakit inilagay ko pa ito sa mamahaling vase at umaasang baka himalang mabuhay to

napailing nalang ako bago pumunta sa banyo at mabilis na hinubad ang lahat ng aking buong damit bago ilubog ang aking sarili sa bathtub

halos ilan minuto din ang tinagal ko bago tuloyan matapos. mabilis akong lumabas sa banyo habang nagpupunas ng aking buhok ngunit agad na kumunot ang aking noo ng makita ko ang maleta na nakalagay saking kama

kung hindi ako nagkakamali ito yung maletanc ginagamit ko noon pauwi sa province. mabilis ko yun nilapitan at akmang bubuksan kona yun ngunit agad akong natigilan ng biglang maamoy ko nanaman ang halimuwak ng isang familiar na bulaklak

wala sa sarili akong nagtungo sa balkonahe at inilibot ang aking tingin. ngunit tila napako ako sakinb kinakatayuan ng makita ko nanaman ang lalakeng nagbigay sakin ng halaman

kunot noo ko syang tinitigan ngunit walang emosyon lang syang nakatingin sakin kaya lihim nalang akong napairap bago bumalik ulit sa loob

ano ba ang meron sa lalakeng yun. bakit tuwing nakikita ko sya may nararamdam akong hindi ko maipaliwanag. pakiramdam ko kilala ko sya at ang malala parang sakanya ako nangungulila ng ganto kalala

napailing nalang ako bago bumalik sa maleta at mabilis yun binuksan. inisa isa kong inilabas ang aking mga gamit dahil pakiramdam ko may kaylangan akong hanapin

ngunit tamad nalang akong huminga ng makitang wala naman kakaiba saking mga gamit at akmang aalis na ako ngunit agad na natigilan ng may mapansin akong kulay ginto sa pinaka gilid

mabilis kong kinuha yun at ganon nalang ang aking gulat nang makitang isang anklet yun. ngunit hindi lang simpleng anklet dahil may design na isang bulaklak at ang bulaklak na yun ay ang halaman na ibinigay sakin.

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon