#43

140 3 0
                                    

chapter 43
pov maliah

Mariin akong napapikit bago marahas na napasabunot sa sariling buhok hindi ko lubos na akalain na magagawa na namin ang bagay na yun ano paano na ang kapalaran namin kung nasimulan na namin yung kasunduan

napailing nalang ako bago nagmamadaling bumaba at nag tungo sa labas. akmang sasakay palang ako sa aking sasakyan ngunit agad na napatigil ng bigla kong naamoy ang halimuyak ng gandenia

ramdam ko ang presensya nya mula saking likod kaya napamura nalang ako saking isip. please wag muna ngayon wala pa akong mukhang ihaharap

"ikaw ba ay tutungo na kay aeroz?"

"sa cafe" pagtatama ko sa kanyang sinabi

mahina naman syang natawa kaya saglit akong napakagat sa labi bago dahan dahana humarap sakanya. mabilis naman akong napalunok ng makita kong naka itim syang shirt na putok sakanyang katawan at itim ding pants

"san mo naman napulot yang mga suot mo"

"ibinahagi ito ni aeroz. sinabi nyang suotin ko ito kung nais kong magpunta sa lupa"

lihim naman akong napangiti ngunit agad din natigilan ng mapansin kanina pa sya matiim na nakatitig saking leeg. saglit pa syang tumingin sakin kaya napapahiya akong nag iwas ng tingin

"ang mga pula sa iyong-"

"ginawa na natin ang bagay na yun?" pag puputol ko sa iba nya pang sasabihin

matiim nya naman sinuri ang aking mukha na tila binabasa ang nasa isip ko. nakakloko syang ngumisi "tinupad ko lang ang iyong sinabi"

mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka "a-anong sinabi ko?"

"iyong sinabi na sa pagsapit ng gabi nais mong ako ay dumalaw sa iyong silid upang ibigay sakin ang iyong sarili"

saglit naman akong natigilan, sh^t ang ibig kong sabihin ibigay ang aking sariling tiwala, kahit kaylan hindi talaga nawawala yung pagiging tangà ko sa buhay

tila natauhan naman ako ng mabilis syang lumapit sakin at pasimpleng hinawi ang hibla ng aking buhok "maaari ba akong sumama sayo?"

dahan dahan naman akong tumango bago sumakay saking sasakyan. saglit pa akong natigilan ng makitang nasa loob na agad sya kaya napailing nalang ako bago paandarin ang aking sasakyan

hindi ko alam kung ano ang balak ni aron ngayon masyado akong nalilito gusto nyang lahat mag dusa pero bakit nya inumpisan ang kasunduan namin. mahigpit akong napakapit sa manabela at huminga ng malalim

kung ano man ang plano nga kaylangan ko syang maunahan, mas kaya ko pang sikmurain na ako lang ang magdudusa at wala ng iba. kung hindi kolang sana nalaman ang kapalaran edi sana hanggang ngayon nabubulag pa rin ako sa sitwasyon na masaya ako kay aron

"mukhang napaka lalim ng iyong iniisip"

lihim naman akong napakagat sa labi bago huminga ng malalim "t-tingin mo ba m- may m-mabubuo a-agad?"

"bakit mukhang hindi mo ata nais?"

"h-hindi naman sa ganon, a-ano kase alam mona k-kung may mabuo agad takot ako na pati sya kasali sa pagdudusa na dapat tayong dalawa lang ang makakaramdam"

hindi naman sya nakakibo kaya malalim ulit akong huminga "h-hinihiling ko na sana ikaw at ako sa huli kaya pag dumating sa punto na may magagawa akong hindi mo gusto, isipin mong para satin lang ang ginagawa ko"

"plano mo bang ako ay iyong iwan?"

hindi naman ako nakapag salita. hininto ko ang aking sasakyan kaya mabilis akong pumarada "tara na" ani ko habang hindi makatingin ng diretso sakanya

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon