#14

21 0 0
                                    

chapter 14
pov maliah

nagugulohan kong tinignan si aeroz ngunit binigyan nya lang ako ng nakakalokong tingin bago pumamulsa at pasimple pang pumito ngunit di parin nawawala ang nakakalokong kislap sa kanyang mata

"want do you mean? magiging kaagaw mo sya?"

"kaylan mo pa sya nakilala?" pag iiba nya ng usapan

"nung kaylan lang, bakit? kilala ko ba sya?"

"none of your business"

pinandilitan ko naman sya at inis na sinuntok sa dibdib "bw*set ka talaga kahit kaylan wala kang kw*nta kausap usap eh"

mahina naman syang natawa "come on maliah marami ng customer"

inirapan ko lang sya at bahagya pang binangga sa balikat bago lagpasan upang bumalik muli sa loob ng coffee shop

nakakapagtaka nakita ni aeroz si aron ngunit bakit hindi sya nakita ni lia halimbawa si lia ang unang lumapit sakin, hindi ko naman masasabing guni guni ko lang si aron dahil nakita din sya ni aeroz

napailing nalang ako bago tuloyan pumasok sa coffee shop at agad na nagtungo sa counter upang tulongan si lia na asikasuhin ang mga customer, maya maya pa ay pumasok na din si aeroz kaya inirapan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagasikaso sa customer

tama nga si aeroz maraming customer kapag maaga kaya halos mag doble ang bilis ng kilos namin dahil halos mapuno na ang loob coffee shop, paminsan minsan ay naaamoy ko ang halimuyak ng gardenia ngunit hindi kona yun binigyan ng pansin

"ptngïnã ang sakit katawan ko napagod ako dun ah" ani ni lia habang umuunat at pasimple pang pinatunog ang kanyang balikat

"kapagod nga, nagbibiro lang naman ako na maraming customer sa umaga pero nakakapag taka dumami nga"

mahina naman natawa si lia "ang ganda ba naman ni ma'am maliah kaya dinumog tayo eh"

"tsk ginayuma lang yata ni maliah yung mga customer natin"

nagsalubong ang aking dalawang kilay bago kinurot si aeroz sa taligiran ang pabagsak na naupo

"Ouch ang sakit nun"

"masasaktan ka talaga kapag lagi mo akong pinipikon"

"I'm just joking"

"mag joke ka sa ka humor mo wag sakin"

bahagya lang syang nakatingin sakin at hindi maipinta ang kanyang mukha habang hinihimas ang kanyang taligiran kaya humalukipkip ako at tinaasan sya ng isang kilay

"hoy tama na yun lunch time na. pupunta nako kala nanay tessa"

nagtataka naman akong nagbaling ng tingin kay lia "nanay tess?"

tumango tango sya habang may hinahanap na kung ano sakanyang bag "oo kalenderya yun dun ako laging nag tatanghalian para tipid mura lang kase tapos masarap pa"

"sama ako nagugutom na rin ako eh"

masayang tumango si lia at pasimple pang sinara ang kanyang bag na makuha nya na ang kanyang wallet "tara na"

akmang aalis na kami ngunit agad kaming natingin ng pigilan kami ni aeroz "teka wag nyong sabihin na iiwan nyo ako dito mag isa?"

tinaasan ko naman sya ng kilay "so? alangan naman sumama kapa samin walang mag papantay"

"excuse me maliah manager ako dito hindi guard para mag bantay"

suminghal naman ako bago kumalukipkip "wala akong pake kung manager ka man o ano basta maiwan ka ayan ang final decision"

akmang aangal pa sya ngunit mabilis ko lang syang tinalikuran at hinila si lia palabas "asan ba banda yung karenderya malapit lang ba?"

"oo jan lang sa gilid ng plant shop"

tumango lang ako sakanya bago kami tumawid at nagtungo dun, at ng tuloyan na kaming nakarating mabilis kaming nag hanap ng mauupuan

"nay tessa bahog po" malakas na ani ni lia

tumango lang medjo may katandaan na babae at nag umpisa ng kumilos "ikaw ma'am liah ano bang order mo?"

"ano pa yung bahog?"

kita ko ang pag awang ng kanyang labi bago napapahiyang kumamot sa kanyang batok "oo nga pala laki ka pala sa yaman" mahina syang natawa "kanin at ulam yun ma'am magkasama na"

napatango tango naman ako "sige bahog din sakin"

tumango sya "sige lapit lang ako kay nay tessa tuloy mag order lang ako ng soft drink"

tumango lang ako at sinundan sya ng tingin, at hindi nag tagal agad din syang bumalik ngunit kasama nya ang tumatawag nyang nay tessa habang dala na ang aming order

"nay tessa anak pala ng boss namin kasama na din namin sya sa trabaho"

matamis naman akong ngumiti "hello po"

"hello nay tessa ang tawag sakin ng karamihan kaya ayun nalang din itawag mo sakin"

tumango tango lang habang nakangiti at tumulong kunin ang aming order, agad naman akong natakam kaya mabilis akong kumain ngunit agad rin akong napatigil ng makitang masayang nakatitig sakin si nay tessa

napapahiya naman kong ibinaba ang kubyertos at bahagya pang tumikhim "pasensya na po gutom lang"

"ayos lang, pasok ba ang panlasa mo sa luto ko?"

"opo ang galing nyo po magluto masarap"

"mas magaling si nay tessa manghula kung hindi mo natatanong" singit ni lia sa usapang habang abala pa rin sa pagsubo ng pagkain

agad naman akong na curious kaya agad akong umayos ng upo at tumingin kay nay tessa "totoo po ba yun magaling kayo manghula?"

tumango sya at tumabi sakin "gusto mo bang malaman kung ano yung nakikita ko sa kapalaran mo?"

ala sa sarili akong napatango "opo"

"pupunan nya ang pagmamahal na hinahanap mo ngunit makakasigurado kong ikaw ay nakakaramdam ng matinding baha ng iyong luha" makahulogan ani nya habang seryosong nakatingin sakin

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon