chapter 38
pov maliahkanina pa ako kinukulit ni lia tungkol sa usapan namin ngunit hindi ko nalang sya binibigyan ng pansin Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng cafe gaya nalang nag pagpupunas ng mga mesa at pag wawalis
pawisan akong napaupo sa table 9 at wala sariling napatingin sa shop ni daisy. simula ng magkape sila ni liam dito hindi na muli nag tagpo ang aming landas. pati din si liam hindi na nagagawi dito
mapait akong napangiti ng maalala ang sinabi ni aeroz na ako at si aron lang ang babaha ng ang luha kapag si aron nga ang pinili ko. so ibig bang sabihin nun hindi nasaktan si daisy dahil nacancel yung kasal nila
natigilan naman ako ng tumabi sakin si lia at pasimple ding tumingin sa shop ni daisy "daisy and my cousin is going to tagaytay, i think may something na sakanila simula nung gabing birthday ni daisy"
wala naman sa sarili akong napakagat sa labi. mukhang may katotohanan nga ang sinabi ni aeroz na ako at si aron lang ang mahihirapan dahil mukhanh masaya naman si daisy ngayon pero palaisipan pa din sakin kung bakit babaha ang aming luha
meron bang hindi magandang mangyayare? hindi ba matutuloy ang aming kasunduan o baka naman may mas malalim pa na dahilan para lubos kaming masaktan
natigilan naman ako ng biglang hinawakan ni lia ang aking kamay. nagugulohan ko syang tinignan ngunit agad akong nag taka ng makitang malungkot syang ngumiti bago huminga ng malalim
"alam kong nangunguilty ka dahil sa boypee mo at kay dsisy"
mabilis naman akong nag iwas ng tingin. ayokong maopen yung tungkol dun dahil naiisip ko nanaman kung paano mag taksil sakin si leo parang kinakain ko lang lahat ng sinabi ko sa sarili ko na hindi ako tutulad sa babae ni leo
narinig ko naman ang mabigat nyang hininga "alam mo nagkakalabuan na kami ng bf
ko tingin nagchecheat sya sakin pero alam mo kung ano nakakatawa?" malalalim ulit syang huminga "wala akong magawa dahil parang karma ko na din siguro to"
mabilis na kumunot ang aking noo "b-bat mo sinasabi sakin yan?"
"ramdam kita kung ano ang sitwasyon mo ngayon. yung bf ko may gf sya dati p-pero mas inuna ko yung sarili ko kahit alam kong may gf sya pumatol pa din ako" mahina syang natawa "ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay t-tapos ngayon sakin naman sya nagtataksil"
napakagat labi naman ako. hindi. hindi naman siguro ako magagaya kay lia dahil tinali na sakin niaron ang sarili nya lumuhod sya sakin para ako lang mamahalin nya sa huling hininga nya
"alarm ko ang nasa isip mo na hindi magagawa ng boypee mo ang mag cheat sayo" mabigat ulit syang huminga "ang ibig ko lang sabihin sa bawat kasalanan na nagagawa natin may karmang dumadating"
napapahiya naman akong napayuko. tama naman si lia. malalim ang huminga siguro kaya nakikita ni aeroz sa kapalaran namin ni aron na babaha ang aming luha dahil makakarma kami dahil minahal ko ang taong dapat ikakasal na iba
mabilis naman kaming natigilan ni lia ng may biglang mamahalin na sasakyan ang pumarada sa harap ng cafe kaya parehas kaming nagtataka na nagkatinginan ni lia bago mabilis na pumunta sa counter
bumaba ang isang matangkad na lalake at kung hindi ako nagkakamali nasa 40's na sya, mahahalata din na mayaman ang lalakeng ito dahil sa suot nyang pang mayaman
mabilis syang pumasok sa cafe kaya matiim ko syang tinitigan ngunit agad na natigilan ng makita ko na may hawid sila ni aeroz. malaki ang pagkakahawid nila mula sa matangos na ilong at mapungay na mata
"good morning sir welcome to silveria's coffee, my i know what's your order?" ani ni lia habang matamis na nakangiti sa lalake kaya pasimple kong inayos ang aking sarili
matamis syang ngumiti kay lia bago tumingin sakin "kaya pala laging pumapasok dito ang anak ko kahit mababa ang sweldo dahil magaganda ang empleyado"
lihim kaming nagkatinginan ni lia. mukhanh hindi maganda ang tabas ng bibig ng lalakeng to "mag oorder po ba kayo o mang iinsulto?"
mabilis naman na humawak si lia saking braso at binigyan ako ng tingin na parang
sinasabing kumalma ka customer ang kausap mo, napairap nalang ako sa kawalan at
labag sa loob na ngumiti
"ano ba ang pinaka best seller dito?"
peke akong ngumiti "pwede nyo naman po tignan sa taas ng nasa screen lahat ng best seller namin"
hindi naman nakawala saking paningin ang pag igting ng kanyang panga at kinalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim dahilan para nakakaloko akong mapangisi
"hot chocolate coffee huh? gaano ba kainit ang kape na yan? kaseng init ba ng talim nang dila mo?"
lihim ko naman naiyukom ang aking kamao bago ngumisi ng nakakaloko "hindi po sir, kaseng init po yan ng pangmamata nyo"
"ma'am maliah!" ani ni lia ngunit hindi ko sya binigyan ng pansin bagkus nakipaglaban ako ng talim na titig sa lalakeng kaharap ko
"mukhang hindi naturan ng anak ko ang empleyado nya kung paano rumespeto sa customer" nakakaloko syang tumawa at umakto pang umiiling "kaya pala hindi nakakarating sa high level ang cafe nyo dahil mukhang lowclass ang tulad mong empleyado"
tila napintig ang aking pandinig dahilan para maangas akong ngumisi "well the word of respect is for people who deserve respect" natatawa naman akong ngumisi bago sya tinignan mula ulo hanggang paa mukhang hindi nyo naman deserve yun. bumubukas palang kase yung bibig mo para magsalita naaamoy kona agad kung gaano kalansa yung tabas ng bibig mo"
mabilis na yumukom ang kanyang kamay dahilan para mahina akong matawa "I'm daughter of owner silveria's coffee" nakangisi akong humalukipkip "so may karapatan akong sabihin sayo na hindi ka welcome dito pwede ka ng umalis"
malalim naman syang huminga "bago ako umalis hindi na ako mag papaligoy ligoy bibigyan kita ng 1M tanggalin mo lang dito si aeroz"
"do you have bank account?"
mabilis naman na kumunot ang kanyang noo "yeah i have"
"i can triple your 1M peso bill wag mo lang gulohin si aeroz at wag kana din aapak pa dito"
mahina naman syang napamura bago padabog na lumabas at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nahilan para sabay kaming mapahinga ng maluwag ni lia "akala ko customer na bwesita pala"
natatawa naman na napaupo si lia "sh't masyadong mainit yung batohan nyo ng salita gurl! hindi ko kenikeri"
mahina naman akong natawa bago naupo sa tabi nya "mali ata sya ng nakausap kung pang mamaliit lang ang keri nya pwes mag sanay muna sya"
"kaya labis akong humahanga sayo eh"
parehas naman kaming napatingin ni lia sa nagsalita at bumungad samin si aeroz m nakasandal sa pinto ng kanyang opesina habang nakapamulsa at malawak na nakangiti
"k-kanina ka pa anjan?"
mahina naman syang natawa bago lumapit sakin at naupo "yeah kitang kita ko kung paano mo tapatan yung pera ng magaling kong tatay"
napapahiya naman akong napakagat sa labi "sorry hindi ko kase gusto yung tabas ng bibig nya"
"don't worry hindi ako galit"
wala sa sarili akong napanguso "mukhang yayamanin naman pala yung papa mo bakit kapa nag titiyaga dito?"
mahina naman syang natawa "hindi kasali sa gusto kong maranasan mamuno sa isang napakalaking company"
"manila's boy ba yung ama mo?"
"yeah hindi nalalayo sa papa mo" mahina ulit syang natawa "maski ikaw na may marangyang buhay na nakalaan sa manila mas piniling mag stay dito sa province ak pa kaya?"
wala naman sa sarili akong napatango "iba ang pag uugali ng papa mo paano kaya sya nagustohan ng nanay mo"
mahina naman syang natawa "lahat tayo may mga hindi maipaliwanag na bagay kapag nakakaramdam ng matinding pagmamahal" seryosong ani nya habang nakatingin sa kawalan
wala naman sa sarili akong napatitig kay aeroz. kung titignan puro kalokohan at pang aasar lang ang alam ng lalakeng to pero sa nakikita ko ngayon tila mahuhumali ka sa lagay nya.
BINABASA MO ANG
ENTITIES (ARON)
FantasyMaliah went home to their province to escape the problem. but unexpectedly, maliah had an accident. she thought it was his last day, but unexpectedly Maliah was helped by maligno, but his help came with a price. will she agree to pay this help by...