#23

21 0 0
                                    

chapter 23
pov maliah

kinabukasan maaga akong nagising at nag madaling kumilos, hindi ko maalala kung ano ang nangyare kagabi basta pag gising ko natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakahiga sa kama

napanguso nalang ako ng hindi ako makapili sa damit na susuotin ko kaya naisipan ko nalang mag black dress na medjo kita ang dibdib, malapad akong napangiti ng makitang bagay naman ito sakin

mabilis akong lumakad palabas ngunit agad akong nagtaka ng makitang wala ang aking sasakyan, sa gitna ng pagtataka bigla nalang akong nakarinig ng sasakyan at nakitang kay aeroz yun

huminto sya sa di kalayuan kaya naman nagtataka akong lumapit, malapad ang kanyang ngiti habang palabas ng sasakyan "good morning honey"

"bad morning mr bugok, bakit ka andito?"

mahina syang natawa "may usapan tayo hatid sundo kita diba?"

napaawang naman ang aking bibig sa narinig, oo nga pala may deal kami kagabi bakit ba nakalimutan ko kaagad "ah t-tara na"

nakangiti naman syang pumunta sa pinto upang pagbuksan ako dahilan para lihim akong napangiti bago pumasok mabilis syang umikot at pumasok bago paandarin ang sasakyan

"mukhang natuto kana agad napagbuksan ako ng pinto"

nangingiti syang napailing "nag search ako pano maging kapuri puring lalaki"

"wala ka pa bang naging gf?"

"hindi naman sa pagyayabang pero maraming nagkakagusto sakin kaso nga lang mas inuuna ko muna ang mga gusto kong maranasan"

napatitig naman ako sakanya, aaminin kong sobrang weird kung bakit may bagay syang hindi alam nun, pero sabagay hindi naman lahat ng tao ay alam lahat ng mga bagay

"si aron"

natigilan naman ako ng mabanggit nya ang pangalan ni crazy man "b-bakit sya?"

"alam kong nagtataka ka sa mga kinikilos nya, maniwala ka sa hindi ganon na ganon ako sakanya nun tanging puting pants lang ang suot at walang tsinelas"

"m-mag kapatid ba kayo"

ngumisi sya ng nakakaloko "mag kapatid kami sa ina hindi ko maikwekwento sayo ang lahat dahil hindi mo pa naman alam kung ano ang totoong kami, sabagay maski ako hindi ko rin alam kong ano ba talaga ako"

hindi naman na ako makakibo dahil sa sinabi nya, tama ang hinala ko magkapatid nga sila, magkaiba sila ng ama kaya siguro laki sa yaman si aeroz habang si aron naman ay nanatili sa ina nila

"andito na tayo"

natauhan naman ako bigla, hindi ko namalayan andito na pala kami sa tapat ng cafe mabilis syang lumabas sa sasakyan at pinakbuksan ako, agad naman akong lumabas at bumungad sakin si lia sa labas ng cafe na may nanakalokong ngiti sa labi

pumipito si aeroz habang binubukan ang cafe at ng tuloyan mabuksan pasimple pa syang humarap sakin sabay kindat at mabilis na pumasok sa loob mabilis akong napairap sa kawalan habang si lia naman ay pasimple akong tinukso

"nako ma'am may something siguro sainyo ni sir aeroz no"

lihim kong tinignan si aeroz na ngayon ay binubuksan ang kanyang office bago nag

madaling pumasok "tsk, ako magkakagusto sa bugok na yun?"

mahina natawa si lia bago kami sabay na pumunta sa counter upang iayos ang mga dapat ayusin, sa gitna ng aming pag aayos natigilan nalang ako ng makitang malapad na nakangiti si liam palapit sakin

"good morning mygirl one chocolate coffee with cookies for table 9"

"noted mr handsome"

natatawa naman nyang inabot sakin ang black card kaya mabilis kong kinuha yun at may tinipa "alam mo bagay kayo ni daisy parehas kayong may nakakatunaw na ngiti" ani ko sabay balik ng itim na card sakanya

ENTITIES (ARON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon