A short novel. Loving Wives. Erotic Romance. Foursome.BINABASA KO ANG sulat na ito gabi-gabi. Ipinabaon niya ang sulat na ito sa akin nung minsan ay pumunta ako sa Cebu para sa isang business summit.
Dear Jason,
From the moment our eyes met, our hearts knew what our minds couldn't comprehend. I have never felt such an unexplainable love that we share. I could never find enough words to express my love for you. The feeling is so overwhelming that a moment without you is like a thousand years with the sun. I want to give you the joy you have brought to my life.You are...
---------
Nakilala ko si Kimberly sa birthday party ng aming big boss. Kaklase niya ang isa sa mga anak ni boss na noon ay nagdaraos ng kanyang ika-65 taong kaarawan. Napilitan daw sumama si Kim dahil na rin sa pangungulit ng kaibigan.
Nataon na magkatabi lang ang table namin kaya't di ko siya malubayan ng tingin. Nahuhuli ko ang mga sulyap niya sa akin. Kumakabog ang dibdib ko, hindi sa nerbyos kundi dahil sa parang excitement. Si Kim, ay morena, maliit sa taas na 5'1. Mahamba ang buhok, na simpleng naka laso lang sa likod. Payat. Sa distansiya nang aking kinauupuan, hindi ako maaring magkamali kung sino ang kahawig niyang artista - Angel Aquino.
Ang party ay ginawa sa isang ballroom ng isang hotel. Marami ang dumalo dito dahil bukod sa mga kliyente ng aming kumpanya, naging tanyag ang aming boss dahil dati siyang kalihim ng noon ng Ministry of Budget, dekada otsienta bago pa man tumiklop ang Rehimen Marcos.
Gusto ko ang aking posisyon, dahil magkatabi kami ni Kim. Maamo ang kanyang nag niningning na mga mata.
Nasira lang ang mood ko ng marinig ko ang aming division chief na nasa stage, hawak ang microphone..
"Ladies and gentlemen, at this point, we'd like to call our representative from our division, our newly hired accountant Mr. Jason Sedilla, whom we've heard, have this gift in music.."
Isa itong supresesa at wala naman talaga sa lista ng programa.