Part 68

1.2K 2 0
                                    


Apat na buwan matapos isilang si Baby Aimee, nag desisyon si Bing na muling subukan ang bar exam.

Hindi naman siya nabigo sa pagkakataong ito.

Nung sumunod na taong paglabas ng Bar, magkahawak ang kamay namin sa harap ng Supreme Court na hinanap ang kanyang pangalan sa listahan.

Naiyak kami kapwa ng makita namin ang pangalang MANZANO-SEDILLA, LYNETTE B., ika-87 sa listahang base sa ranking ng mga Bar Passers.

Bukod sa kapanganakan ni baby Aimee, ito rin ang pinakamasayang araw namin ni Bing.


FOUR YEARS LATER..


Mas lalo pang naging maalab ang pagsasama namin ni Bing.

Hindi masusuklian ang kagandahan ng kanyang loob, ang pagiging maaruga sa gitna ng kanyang kabila't kanang obligasyon bilang Associate Partner sa ACCRA.

Mahal na mahal niya kami ni Aimee at nararamdaman namin ang init ng kanyang pagmamahal.

Nobyembre, limang araw bago ang aking kaarawan excited akong umuwi galing Cebu, matapos ipadala ako nang tatlong ng kumpanya para sa district conference.

Gabi na ako naka uwi dahil, na delayed ang aming flight pabalik.

Pagdating ko sa bahay, mag aalas nuebe, tahimik na ang paligid.

Tulog na si Aimee sa tabi na nakayakap kay Bing ng datnan ko sila.

Nasa pintuan ako't pinagmasdan ko ang mag ina.

"Hi" Bulong ni Bing, upang hindi magising ang bata.

"Miss you.." Sabi ko.

Nginitian ako ni Bing.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon